Nagkatawang-tao ang Diyos | Ang Alam Mo Lang Na ang Panginoong Jesus Ay ang Pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit Maaaring Hindi Mo Alam ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao

28.11.2020

Si Mailo mula sa Pilipinas ay sumulat sa amin na nagsasabing, "Madalas akong nagdarasal sa pangalan ng Panginoong Jesucristo at alam ko rin na si Cristo lamang ang maaaring makapagbigay sa mga tao ng katotohanan, ang daan, at ang buhay. Tungkol sa kung ano si Cristo, ang alam ko lang na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang nagkatawang-taong Diyos. Ngunit hindi ko alam ang higit pang mga detalye tungkol sa katotohanan at mga misteryo ng pagkakatawang-tao. Maaari mo ba akong tulungan na sagutin ang tanong na ito?"

Sa katunayan, mahahanap natin ang sagot sa katanungang ito mula sa mga salita ng Diyos.

Sabi ng Diyos, "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo."

"Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka't Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni't hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao't madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni't ito'y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na alamin ang daan ng buhay, narararapat na kilalanin mo muna na sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa na ipinagkakaloob Niya ang daan ng buhay sa tao, at dapat mong kilalanin na sa mga huling araw ay pumaparito Siya sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Ito ay hindi ang nakalipas; ito ay nangyayari ngayon."

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na si Cristo ay katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos, ang Espiritu ng Diyos na nakasuot sa katawang-tao. Mukha Siyang isang ordinaryo at normal na tao sa panlabas, ngunit nagtataglay Siya ng isang banal na kakanyahan at nakakapagpahayag ng katotohanan at ginagawa ang sariling gawain ng Diyos sa anumang oras. Halimbawa, ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Sa sandaling Siya ay nagsalita, ang Kanyang mga salita ay naging totoo, tulad nang binuhay Niya muli ang mga patay, pinakalma ang hangin at ang dagat, pinagaling ang sakit, pinatawad ang mga kasalanan ng tao, at iba pa. Sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Biyaya, na dinadala ang paraan ng pagsisisi, na inilalantad ang mga misteryo ng kaharian ng langit, at ipinapahayag ang isang disposisyon na higit sa lahat ang awa at pag-ibig. Upang matubos ang buong sangkatauhan, Siya ay ipinako sa krus at bilang resulta, ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad. Sapat na ito upang patunayan na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay ang mga salita at gawain ng Diyos mismo, at ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao.

Ngayon alam na natin na si Cristo ang nagkatawang-taong Diyos. Saka alam mo ba? Hinuhulaan ng Biblia na ang Panginoon ay muling magkakatawang-tao sa Kanyang pagbabalik. Nakikita ang mga salitang ito, marahil ay nagulat at nalito ka. Higit pang pansin

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar