Ano ang Kasalanan? Paano Ganap na Matatanggal ng mga Kristiyano ang Pagkaalipin sa Kasalanan?
Sa nakalipas na mga taon, ang mga sakuna sa buong mundo ay lumalaki sa sukat at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natutupad na. Ang ilang mga kapatid ay kumpyansa na kapag ang Panginoon ay dumating sila ay mararapture sa kaharian ng langit sapagkat tinanggap nila ang pagtubos ng Panginoong Jesus at pinatawad ang kanilang mga kasalanan. Gayunpaman, marami ang nakakaramdam ng pagkabalisa dahil sa pamumuhay sa kasalanan. Lalo na kapag iniisip ang talatang ito sa Bibliya, "Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't Ako'y banal" (Levitico 11:45), nababahala sila tungkol sa maaaring pag-abandona ng Panginoon dahil sa madalas na pagkakasala. Kung gayon bakit tayo ay patuloy pa ring nakagapos sa kasalanan sa kabila ng pagpapatawad sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoon? Paano tayo eksaktong makakatakas sa pagkaka-alipin ng kasalanan? Ngayon, ifefellowship natin ang mga katanungang ito.
Ano ang Kasalanan at Anong mga Kasalanan ang Meron Tayo?
Upang malutas ang ating problema sa paggawa ng mga kasalanan, kailangan muna nating malaman kung ano ang kasalanan at kung ano pang mga kasalanan ang meron tayo. Sa pagbanggit sa kasalanan, maiisip natin kaagad ang talatang ito na nakatala sa Bibliya, "Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan" (1 Juan 3:4). Tulad ng pagpatay ng tao, panununog, pagnanakaw, pang-uumit, idolatriya, at iba pa, ito ang mga nakikitang mga kasalanan na binubuo ng kawalan ng batas. Bukod sa mga ito, mayroon ding mga hindi nakikitang mga kasalanan sa ating mga pag-iisip. Halimbawa, sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao. Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong" (Mateo 15:18-19). Sinabi rin Niya, "Na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso" (Mateo 5:28). At sabi rin ng Bibliya, "Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao" (1 Juan 3:15). Mula sa mga talatang ito malalaman natin na maging kasalanan sa gawa o kasalanan sa ating mga puso, lahat ng iniisip at mga kilos na hindi umaayon sa mga salita ng Diyos at ng katotohanan at nagsasanhi sa atin upang maghimagsik at lumaban sa Diyos ay tinatawag na kasalanan sa Diyos.
Kung ihahambing ito sa ating sarili, malalaman natin na talagang puno tayo ng kasalanan. Halimbawa, sa sandaling gawin ng ating kapamilya ang mga bagay na hindi naaayon sa ating mga pananaw, hindi natin maiwasang magalit sa kanila; kapag nakikita natin ang ibang mga tao na mas mahusay kaysa sa atin, nakakaramdam tayo ng paninibugho sa kanila; sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pansariling interes, hindi natin mapigilan ang ating sarili na magsinungaling at mandaya; kapag ang iba ay nagsasabi ng mga bagay na nagdudulot sa atin na mawalan ng mukhang ihaharap, nagsisimula tayong makaramdam ng pagtatangi laban sa kanila at hindi kayang magsanay ng pagtitiis o pasensya; sa mga oras ng pagkakasakit, natural o gawa ng tao na mga sakuna, pagdurusa at pagsubok, sinisisi natin ang Diyos dahil hindi tayo pinapangalagaan. Maraming mga halimbawang tulad nito. Sa madaling salita, kung ito ay kasalanan sa pag-uugali o kasalanan sa ating mga iniisip, hangga't maaari pa rin tayong magkasala at maghimagsik laban sa Diyos, hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi natin malulutas nang mabilis ang mga problemang ito, ang ating pagkakasala at paglaban sa Diyos ay hahantong sa kamatayan. Tulad ng sinabi ng Diyos, "Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35), "Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay" (Ezekiel 18:20).
Bakit ang mga Tao na Napatawad Na ang mga Kasalanan ay Nagkakasala Pa Rin?
Bakit pa tayo nagkakasala nang hindi sinasadya gayong tinanggap na natin ang pagtubos ng Panginoon at pinatawad na ang ating mga kasalanan? Malinaw na sinabi ng Diyos ang tungkol dito. Basahin natin ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, "Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni't sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa." "Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos."
Mula sa mga salita ng Diyos mauunawaan natin na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Kapag natanggap natin ang kaligtasan ng Panginoon, tayo ay pinatawad na sa ating mga kasalanan, hindi na napapasailalim sa pagkondena at parusa ng Batas, maaari ng manalangin nang diretso sa Panginoon, at makibahagi sa Kanyang masaganang biyaya at katotohanan. Ngunit hindi tayo pinatawad ng Panginoon sa ating makasalanang kalikasan. Nang magpakita ang Panginoong Jesus upang maisagawa ang Kanyang gawain, ipinakita Niya sa mga tao ang paraan ng pagsisisi ayon sa kanilang tayog. Halimbawa, inatasan tayo ng Panginoong Jesus na mangumpisal at magsisi, mahalin ang iba tulad ng ating sarili, patawarin ang iba ng pitumpung beses na makapito, pasanin ang ating sariling krus at sundan ang Panginoon, at iba pa. Ang mga ito ay ilan sa mga walang pasubaling katotohanan na makakatulong sa atin na magkaroon ng kaunting pagbabago sa ating pag-uugali. Matapos maisagawa ang mga ito, maaari lamang nating mabago ang ating panlabas na pag-uugali. Gayunpaman, dahil sa pagtiwali ni Satanas, ang ating kalikasan ay naging kalikasan ni Satanas at lalong nagiging arogante at mapagmataas, baluktot at malupit, makasarili at mapanirang-puri, masama at sakim, at iba pa. Halimbawa, gusto nating laging pilitin ang iba na gawin ang gusto natin, at kapag kumikilos sila sa paraang hindi umaayon sa ating sariling mga ideya, nais nating pakawalan ang ating pagtitimpi-ito ay nasa ilalim ng kontrol ng mapagmataas na kalikasan. Bilang karagdagan, sa pangunguna ng ating sariling buktot na kalikasan, nagsasabi tayo ng kasinungalingan at nililinlang ang iba upang maprotektahan ang ating sariling mga interes. At iba pa. Mula sa lahat ng ito makikita natin na kapag hindi nalulutas ang ating makasalanan at tiwaling kalikasan, kahit na ang ating mga kasalanan ay pinatawad na, hindi pa rin natin sinasadyang magkasala at labanan ang Diyos at ang pag-asa sa ating sariling kagustuhan at pagpipigil sa sarili ay walang saysay. Tulad ng sinabi ni Pablo, "Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala" (Roma 7:18). Sa fellowship na ito, Naniniwala ako na mayroon na tayong ilang pag-unawa sa kung bakit tayo ay nakakagawa pa rin ng mga kasalanan kahit na pinatawad na ang ating mga kasalanan. Kung gayon, magbabahagi ako ng fellowship sa paraan upang maging malaya sa kasalanan.
Paano Tayo Makakawala sa mga Gapos ng Kasalanan
Tayong mga tao ay walang kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan at hindi natin kayang malutas ang isyu ng ating pagkakasala. Sa gayon, ipinangako sa atin ng Panginoong Jesus na babalik Siya sa paggawa upang dalisayin at iligtas tayo. Tulad ng sabi ng Bibliya, "Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kaniya" (Mga Hebreo 9:28). Sinabi rin ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12: 48). At sabi rin ng Juan 17:17, "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan." Mula sa mga talatang ito makikita na ang Panginoon ay babalik upang magpahayag ng maraming mga katotohanan, gagamitin ang Kanyang mga salita upang hatulan ang ating mga kasalanan, at hahayaan tayong lubusang makawala sa mga gapos ng kasalanan at malinis at magbago. Kung tatanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Panginoon sa pagbalik Niya, magkakaroon tayo ng pag-asa na malutas ang ating makasalanang kalikasan.
Kaya paano hahatulan at dadalisayin ng nagbalik na Panginoon ang mga tao? Sabi ng mga salita ng Diyos, "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos." "Ang Diyos ay may maraming pamamaraan sa pagperpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba't ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ipinahahayag ang 'mga misteryo' sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan-sa pamamagitan ng pahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo-para maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal."
Ang mga salitang ito ay tumutulong sa atin na maunawaan na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang iba't ibang mga aspeto ng katotohanan upang isagawa ang gawain ng paghatol. Inilalantad ng Diyos ang ating iba't ibang mga tiwaling disposisyon na nakatago sa loob ng ating mga puso at estado ng ating pagsuway at paglaban sa Kanya, upang tayo ay makapagnilay at makilala ang ating kalikasan na lumalaban sa Diyos at lumikha ng isang puso na may pagsisisi. Samantala, sinasabi rin sa atin ng Diyos ang Kanyang kalooban at itinuturo sa atin ang mga paraan ng pagsasanay, tulad ng kung paano maging matapat sa Diyos, kung ano ang tunay na pagsunod sa Diyos, kung paano galangin ang Diyos at iwasan ang kasamaan, kung paano mamuhay ng normal na sangkatauhan, kung paano mamuhay upang makamit ang pagbabago sa ating disposisyon sa buhay sa pamamagitan ng pagpupursige, na maaaprubahan at maililigtas ng Diyos, at kung sino ang kapopootan at aalisin ng Diyos, atbp. Ang lahat ng mga tumatanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay magkakaroon ng ilang pag-unawa sa karunungan ng gawain ng Diyos, matuwid na disposisyon ng Diyos, at hangarin ng Diyos na mailigtas ang mga tao, at sa gayon ay makakabuo ng isang pusong may paggalang sa Diyos, magsimulang magalit sa kanilang katiwalian. at magkaroon ng resolusyon na magsanay ng katotohanan at pasiyahan ang Diyos. Bukod dito, habang ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan tayo sa panahon ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, naghahanda rin Siya ng iba't ibang mga pangyayari at mga kaganapan na hindi akma sa ating mga pang-unawa upang pungusan, pakitunguhan, subukin, at pinuhin tayo. Sa mga kapaligiran na ito, ang ating paghihimagsik at pagsuway ay malalantad. Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at mga katotohanan, makikita natin nang mas malinaw ang katotohanan ng ating katiwalian ni Satanas, at mapagtanto na kung hindi natin tatalikuran ang ating laman at isasagawa ang katotohanan, tayo ay hahantong na isusumpa ng Diyos at ihuhulog sa impyerno. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos, kung tayo man ay kumikilos nang makasalanan o ipinapahayag ang mga masasamang pag-iisip sa ating kaisipan, hindi na tayo magsisisi sa salita lamang at hindi na tayo umaasa sa ating sarili upang pigilan ang ating pag-uugali, ngunit sa halip ay magagawa nating , mula sa ating puso, tunay na kapootan ang ating sarili at maging handa na ipagkanulo ang ating sarili at payagan ang mga salita ng Diyos na maging mga alituntunin ng ating mga aksyon at salita. Sa ganitong paraan, lingid sa atin, ang ating mga disposisyon sa buhay ay sumasailalim sa pagbabago at unti-unting makakawala tayo mula sa napakasamang kalagayan ng pagkakasala sa araw at pagkukumpisal sa gabi, at magkaroon ng ilang tunay na pagsunod sa Diyos. Sa lahat ng ito makikita natin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ay napaka-praktikal at ito lamang ang kailangan nating mga tiwaling tao at ito rin ang pinaka-dakilang kaligtasan ng Diyos para sa atin.
Sa puntong ito ng ating fellowship, mauunawaan natin na kung hindi natin mararanasan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin tunay na makikilala ang katotohanan ng ating katiwalian o malalaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at makakabuo ng isang pusong may paggalang sa Diyos, at sa gayon, hindi natin kailanman mapapalaya ang ating sarili mula sa mga gapos ng kasalanan. Sa pamamagitan lamang ng pag-sasailalim sa paghatol at paglilinis ng Diyos ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na matanggal ang ating mga tiwaling disposisyon, at sa huli ay makakaya na nating igalang ang Diyos at maiwasan ang kasamaan, maging mga taong nagmamahal, sumusunod, at sumasamba sa Diyos, at mabuhay ng may pagkakahawig sa isang totoong tao na niluluwalhati at nagpapatotoo sa Diyos. Doon lamang tayo magiging kwalipikado upang makapasok sa makalangit na kaharian at makatanggap ng mga pagpapala at pangako ng Diyos. Ngayon nalaman natin na pagbalik ng Panginoon, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan at gagamitin Niya ang katotohanan upang hatulan at linisin tayo. Kaya sa ganitong napakahalagang sandali ng pagtanggap sa Panginoon, dapat nating mapagpakumbabang hanapin kapag naririnig natin na may isang taong nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoon, nagpahayag ng katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Kung nakatuon tayo sa pakikinig sa tinig ng Diyos, makikilala natin ito mula sa mga salita ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng pagkakataong tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo sa mga huling araw, lubusang maiwawaksi ang mga gapos ng kasalanan, at maging mga taong tunay na nagpapasakop at gumagalang sa Diyos.
Mas lumulubha ang mga sakuna; maraming tao ang nananalangin sa Diyos at nagsisisi. Alam mo ba kung paano tayo dapat magkumpisal at magsisi upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos? Sasabihin sa iyo ng artikulong ito ang sagot : Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?
Rekomendasyon:
• Online Tagalog Sermons - News of the Lord's Return
• Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: Paano Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon
• Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?