Naririnig ang Balita ng Pagdating ng Panginoon, Maaari Mong Matiyak na Bumalik ang Panginoon sa Pamamagitan ng Paggawa ng Paraang Ito

Naririnig ang ilang mga tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik, mayroon ka bang kalituhan? Malinaw na iprinopesiya ito sa Aklat ng Pahayag, "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya" (Pahayag 1:7). Nang hindi nakikita ang Panginoon sa may mga ulap, bakit sinasabi nila na ang Panginoon ay nagbalik? At paano natin malalaman kung ito talaga ang pagbabalik ng Panginoon? Alam nating lahat na ang Panginoon ay darating upang gumawa ng isang yugto ng gawain ng pagliligtas ng tao sa mga huling araw. Kumpirmahin natin kung bumalik na ang Panginoon, alinsunod sa gawaing iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag na darating ang Diyos upang gumawa sa mga huling araw. 1. Darating ang Panginoon upang ipahayag ang mga salita sa mga huling araw. Halimbawa, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 3:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). 2. Darating ang Panginoon upang gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Halimbawa, "At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol" (Pahayag 14:7). 3. Darating ang Panginoon upang gumawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay. Halimbawa, "Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). Mula sa mga propesiyang ito, makikita natin na darating ang Panginoon upang ipahayag ang katotohanan, gagawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol, at gagawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay-ito ang gawain na pangunahin na gagawin ng Diyos pagdating Niya sa mga huling araw. Kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik, kung gayon hanapin at siyasatin natin ito. Kapag nalaman natin na ang gawain sa mga propesiya na gagawin ng darating na Panginoon ay nangyari nang sunod-sunod, kung gayon maaari nating matiyak na ang Panginoong Jesus na ating pinananabikan ay nagbalik.
Ang Pagpapakita at Gawain ng Makapangyarihang Diyos: Isang Kasaysayan ng Pagsilang at Paglago ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (Unang Bahagi)
Mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos: Bukod sa paraan sa mga propesiya na ang Panginoon ay bababa sa mga ulap, mayroon ding mga paraan sa mga propesiya, tulad ng "Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw." Kung gayon paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw? May landas sa artikulong ito--Mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos