Ano ang Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ngLangit
Sa huling pagtitipon, tinalakay ni Pastor Ma ang tungkol sa dalawang talatang ito: "Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran" (2 Timoteo 4:7-8). Sabi niya: "Mga huling araw na ngayon, at ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon ay pangunahing natupad na. kaya dapat tayong magpatuloy sa matinding pagpapagal para sa Panginoon, pumaroo't parito at mas higit na maglaan, at sa ganitong paraan, madadala tayo sa kaharian ng langit sa pagpapakita ng Panginoon. Naalala ko noon nang wala pang mga simbahan dito, tanging iilang mga kapatid ang sumusunod sa Panginoon. Kaya nagsimula akong pumaroo't parito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoon. Hindi alintana kung maulan, mahangin, o nagniniyebe, walang makapipigil sa akin; minsan nawawalan na ako ng oras upang anihin ang mga pananim. Pinagtatawanan ako ng ilang mga di-mananampalataya, pero wala akong pakialam, dahil alam kong inaaprubahan ako ng Panginoon, at na ito ang paghihirap na dapat kong pasanin upang makapasok sa kaharian ng langit. ..." Sa pagdinig sa pagbabahagi ni Pastor Ma, lahat ng mga kapatid ay nagpakita ng matinding paghanga sa kanya, at lihim akong nakaramdam ng kasiyahan sa sarili ko, iniisip: "Simula nang maniwala ako sa Panginoon, ginagawa ko ang pinakamatinding pagsasakripisyo at naglalaan para sa Kanya. Mukhang ang paghihirap ko ay hindi mauuwi sa wala."
Gayunpaman, nagtaas ng ilang pagdududa si Brother Zhen tungkol sa pananaw ni Pastor Ma na makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng matinding pagpapagal. Sabi ni Brother Zhen: "Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat nag-iisip na kapag nagpapakapagod tayo sa paggawa, sinusundan ang halimbawa ni Pablo sa pangangaral at paglalaan para sa Panginoon, tayo ay direktang maitataas sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay mukhang tama sa paningin ng tao, at walang tumututol, subalit bilang mananampalataya sa Panginoon dapat nating hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Bagaman ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa mga palagay ng tao, naaayon ba ito sa kalooban ng Diyos? Dapat nating malaman na ang mga salita ng Diyos ang prinsipyo sa ating mga kilos, at ang pamantayan na dapat nasusunod ng lahat nang tao, mga bagay, at mga usapin. Kung nagsasagawa tayo nang naaayon sa mga salita ng Diyos, siguradong makakamit natin ang pag-apruba ng Diyos; kung taliwas tayo sa Kanyang mga salita at nagsasagawa ng ayon sa ating mga palagay at mga naiisip, tayo ay paniguradong kasusuklaman at tatanggihan ng Diyos."
Matapos makinig sa pagbabahagi ni Brother Zhen, nakaramdam ako ng munting pagtutol sa aking puso: "Bagaman ang halagang naibayad ko ay hindi kasing laki ng sa mga pastor at elder, ang aking mga inilaan at sakripisyo ay papasa. Sa simbahan, masigasig akong lumalahok sa iba't ibang mga aktibidad at nagsasakripisyo nang marami. Sa palagay ko ang mga nagawa ko ay naaayon sa kalooban ng Diyos." Nang napagdudahan ang aking pananaw, hindi ko iyon matanggap; subalit matapos pagnilayan ang kanyang pagbabahagi, napagtanto kong may basehan ang kanyang mga salita.
Nagpatuloy sa kanyang pagbabahagi si Brother Zhen: "Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Hindi ang bawa't nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma'y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan' (Mateo 7:21-23). Mula sa mga salita ng Panginoon makikita natin na sinabi lamang ng Panginoong Jesus na 'kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit.' Hindi Niya sinabi na ang lahat ng mga matinding nagpapagal para sa Kanya ay pagpapalain at makapapasok sa kaharian ng langit. Balik tanawin ang panahon kung saan ang mga Fariseo ay naglalakbay sa ibabaw ng lupa at sa karagatan upang ipakalat ang ebanghelyo, nagpapagod at nagsasakripisyo. Pinanghawakan nilang kapital ang kanilang matinding pagpapagal para sa Diyos, ginagawa ang mga tao na sambahin at sundan sila. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, nakita nila na maraming mga Hudyo ang sumunod sa Panginoong Jesus, at sa huli ay nakipagsabwatan sa gobyernong Romano upang ipako Siya sa krus. Kaya gaano man sila katinding nagtrabaho para sa Diyos, matindi pa rin nilang kinalaban ang Diyos at nakagawa nang maraming kasamaan. Paano sila makapapasok sa kaharian ng langit? Tingnan natin ang mga tao nang bawat denominasyon ngayon. Marami sa kanila ang kayang maghirap, magbayad ng halaga, at magtrabaho nang matindi para sa Panginoon, ngunit hindi nila isinagawa ang mga salita ng Panginoon kailanman, ni hindi nila dinakila o nagpatotoo sa Diyos sa panahon ng kanilang paggawa at pangangaral. Sa halip, madalas nilang itinataas ang kanilang mga sarili upang magawa ang iba na hangaan at sundan sila. Lahat ng kanilang ginagawa ay upang mapanatili ang kanilang sariling posisyon at kita, at mas lalo na upang makapasok sa kaharian ng langit. Ang gayong uri ng pagsasakripisyo ay walang iba kundi ang pakikipagtransaksyon sa Diyos. Kaya paano sila magiging ang mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos? Malinaw na hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan lamang ng matinding pagpapagal, at ang matinding pagpapagal ay hindi pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit."
Nang kami ay nakikinig ng mabuti, nagtanong si Pastor Ma nang may hitsurang hindi kumbinsido: "Kung gayon maaari mo bang sabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin nang paggawa ng kalooban ng Diyos?" Mahinahong sumagot si Brother Zhen: "Ang paggawa ng kalooban ng Diyos ay nangangahulugan na sinusunod ng tao ang gawain ng Diyos, isinasaalang-alang ang pagsasagawa ng salita ng Diyos at pagsunod sa Kanya nang higit sa lahat. Nakakasunod sila sa mga kautusan ng Diyos, gumagawa para sa Panginoon gaya ng hinihingi ng Diyos, at tunay na itinatalaga ang kanilang mga sarili sa Panginoon, nang hindi iniisip kung ano ang makakamit nila bilang kapalit. Ang lahat ng ginagawa nila ay hindi para sa gantimpala o karangalan, kundi para sa pagsasagawa ng katotohanan, pagsunod sa Diyos at pagmamahal sa Kanya. Ang mga gayong tao ang mga gumagawa sa kalooban ng Diyos. Minsang itinuro sa atin ng Panginoong Jesus: 'Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos' (Mateo 22:37-38). Ito ang hinihingi sa atin ng Panginoon. Kapag tinatalikuran natin ang ibang mga bagay at inilalaan ang ating mga sarili para sa Panginoon, kung naisasagawa natin ang mga salita ng Diyos, minamahal ang Diyos at napapalugod Siya nang buong puso at kaluluwa natin, ito ay pagsunod sa kalooban ng Diyos. Subalit kung hindi natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at Kanyang mga kautusan, tiyak na hindi tayo ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos. Alam nating lahat na isinuko ni Pedro ang lahat ng bagay upang gumawa para sa Panginoon. Kaya niyang matapat na italaga ang kanyang sarili sa Panginoon, kaya ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoong Jesus ang mabigat na responsibilidad ng pag-aakay sa mga iglesia. Mula sa mga sulat ni Pedro makikita natin na hindi niya kailanman pinatotohanan kung paano siya nagsakripisyo o gumugol para sa Panginoon, o gaano karaming gawain ang kanyang ginawa, ngunit sa halip, palagi niyang pinatotohanan ang pagtubos, pagmamahal, at pagliligtas ng Panginoong Jesus sa tao. Bukod pa, anumang uri ng paghihirap, pagkakasakit, pang-uusig o kapighatian ang kanyang dinanas, hindi niya kinalimutan ang mga habilin ng Panginoon, kundi inakay ang mga iglesia nang may buong puso at isipan niya. Sa huli, ipinako siya nang patiwarik sa krus, at nagawang mahalin ang Diyos nang sukdulan at sinunod ang Diyos hanggang kamatayan. Makikita na si Pedro ay isang tao na sumunod sa kalooban ng Diyos at kwalipikadong pumasok sa kaharian ng langit."
Bubuksan na sana ni Pastor Ma ang kanyang bibig upang magsalita nang idinagdag ni Brother Zhen: "Pastor Ma, kung tayong mananampalataya at mga tagasunod ng Panginoon ay makakapasok sa kaharian ng langit ay dapat nakabatay sa mga salita ng Panginoon, 'Hindi ang bawa't nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit.' Sinabi ng Panginoong Jesus na tanging sa paggawa sa kalooban ng Ama sa langit na maaaring makapasok sa kaharian ang isang tao, kaya sa pagsasagawa lamang ng Kanyang mga salita na maaari tayong makapasok sa kaharian ng langit, dahil sinabi ng Panginoon, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko" (Juan 14:6). Si Cristo ang katotohanan, ang daan patungo sa kaharian ng langit, na walang sinuman ang basta-bastang makadadaan. Tanging sa pagsasagawa lamang ng mga salita ng Diyos at pagsunod sa Kanyang daan na maaari tayong makapasok sa kaharian ng langit. Gayunman, ang mga salita ni Pablo, 'Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran' (2 Timoteo 4:7-8), ay hindi pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit. Si Pablo ay isa lamang apostol na nangaral ng ebanghelyo, isang tiwaling tao na kagaya natin. Kung ang kanyang mga salita ay nakasusunod sa katotohanan at mga salita ng Panginoon, maaari nating isagawa ang mga iyon; kung hindi, hindi natin dapat sundin. Hindi ba ito tama?" Nakaramdam ng pagkaasiwa si Pastor Ma matapos marinig ang pagbabahagi ni Brother Zhen, at butil-butil ang pawis na nagbabagsakan sa kanyang mukha.
Pinagninilayan ang mga salita ni Brother Zhen, nahulog ako sa malalim na pag-iisip: "Ang ibinahagi ng Kapatid ay may katwiran. Gustong-gusto ko na makapasok sa kaharian ng langit at makamit ang gantimpala sa pagsasakripisyo at paglalaan; hindi ko ba sinusundan ang halimbawa ni Pablo? Ang ganitong uri ng paggugol ay hindi inaprubahan ng Diyos. Ang matinding pagpapagal sa Panginoon ay hindi nangangahulugan ng paggawa sa kalooban ng Diyos, at hindi ang pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit. Tanging sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa Kanya nang may buong puso at isipan na makasusunod tayo sa Kanyang daan at Kanyang kalooban, at ito lamang ang pamantayan para sa pagpasok sa kaharian ng langit." Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagbibigay-liwanag at paggabay.
Pinagmumulan: Sundan ang mga Yapak ni Jesus