Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

07.07.2020

Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel

at inalis ito mula roon,

dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.

Lahat sila'y inakay ng Diyos sa liwanag

nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,

'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.

Hahayaan ng Diyos ang lahat

ng naghahanap na makitang muli ang liwanag

at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,

makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap

sa gitna ng mga tao,

makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,

makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel, 

makita ang Maestro ng mga Judio,

makita ang inaasam na Mesiyas,

at buong hitsura Niyang

inusig ng mga hari sa buong panahon.

Gagawin ng Diyos ang gawain ng sansinukob

at magsasagawa ng mga dakilang gawa,

ipinakikita buong luwalwalhati Niya't mga gawa sa tao

sa mga huling araw.

Ipapamalas ng Diyos

ang Kanyang buong mukha ng luwalhati

sa mga naghintay sa Kanya nang maraming taon,

sa mga nananabik na dumating Siya sa puting ulap,

sa Israel na nananabik na Siya'y magpakitang muli,

sa buong sangkatauhang umuusig sa Diyos.

Nang malaman ng lahat

na matagal nang kinuha ng Diyos luwalhati

Niya't dinala ito sa Silangan.

Ito'y hindi sa Judea pagka't mga huling araw dumating na!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

————————————————
Makinig sa mga tagalog gospel songs upang makahanap ng paraan kung paano tayo mananalangin sa Diyos upang pakinggan ng Diyos. Lumapit tayo sa Diyos!


¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar