Bumalik Na ang Panginoon: Paano Maging isang Matalinong Dalaga upang Masalubong Siya

18.01.2021

Bumalik Na ang Panginoon: Paano Maging isang Matalinong Dalaga upang Masalubong Siya

Ngayong mga araw na ito, ang pandemya ay nagngangalit pa rin, na may mga nahawaang kaso at bilang ng namatay na may patuloy na pagtaas; ang ilang mga lugar ay tinamaan ng mga tagtuyot, na may papalapit na taggutom; ang mundo ay nasa kaguluhan at ang mga digmaan ay nalalapit na. ... Ang paglitaw ng lahat ng mga palatandaang ito ay ganap na tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, "Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:7-8). Ngayon, bumalik na ang Panginoon. Kaya't paano tayo magiging matalinong mga dalaga upang masalubong Siya?

Sabi ng Diyos, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27).

"Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi mo nga ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka para sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. "

"Lahat ng kayang sumunod sa kasalukuyang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi mahalaga kung paano man sila dati, o kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila dati-yaong mga nagkamit na ng pinakabagong gawain ng Diyos ang mga pinakapinagpala, at yaong hindi nakasusunod sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong kayang tanggapin ang bagong liwanag, at nais Niya yaong tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakabagong gawain. Bakit sinasabi na dapat kang maging isang malinis na birhen? Nagagawa ng isang malinis na birhen na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at maunawaan ang mga bagong bagay, at higit pa rito, nagagawang isantabi ang mga dating palagay, at sumunod sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupong ito ng mga tao, na tumatanggap sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinadhana ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang pagpapakita ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupong ito ng mga tao."

Makikita mula sa mga salita ng Diyos, sa pagbabalik ng Panginoon, bibigkas Siya ng mga salita; ang mga matalinong dalaga ay tutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, mas susundan ang mga yapak ng Diyos, at mapagpakumbabang tatanggapin ang bagong gawain ng bumalik na Panginoon, upang magawa nilang makadalo sa piging kasama ng Panginoon.

Parami nang parami ang mga tao na ngayon ay sumasaksi na ang Panginoon ay bumalik, nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita, at ginagawa Niya ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa tao. Kung nais nating maging matalinong dalaga at masalubong ang Panginoon, dapat na gumawa tayo ng pagkusa upang siyasatin at tanggapin ang mga salita at gawain ng bumalik na Panginoon. Nais mo bang maging isang matalinong dalaga upang masalubong ang Panginoon? Makipag-ugnayan sa amin sa Messenger, at online kami 24/7 upang makipag-usap sa iyo at matulungan kang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon.


Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap sa buong mundo; ang mga propesisya ng pagdating ng Panginoon ay natupad. Paano maging handa sa pagdating ng panginoon upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Mag-click sa link upang mahanap ang sagot.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar