Parabula ng Sampung Dalaga | Dapat Buksan ng mga Matalinong Dalaga ang mga Pintuan Upang Salubungin Siya
Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay lubusan ng naganap. Ang Tagapagligtas ay dumating nang palihim bago ang matinding kapighatian. Maraming tao ang nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na. Gayunman, kapag naririnig ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, may ilang mga tao na hindi Siya tinatanggap ng maligaya bagkus tumatanggi na tanggapin Siya sapagkat naniniwala sila na walang nakakaalam sa pagbalik ng Panginoon at ang anumang pag-angkin na bumalik na ang Panginoon ay walang katotohanan. Ang pananaw ba nila ay naaayon sa kalooban ng Panginoon? Masasalubong kaya nila ang Panginoon sa ganitong paraan? Tingnan natin ang mga salita ng Panginoon, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6), at Pahayag 3:20, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko." Makikita natin mula sa mga talatang ito ng banal na kasulatan na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga salita at kakatok sa ating pintuan, at kailangan din nating lumabas at batiin Siya sa pamamagitan ng isang sigaw ng tao, "Narito, ang kasintahang lalake." Dahil may mga taong nagsasabi sa atin ng balita ng pagbabalik ng Panginoon, ipinapakita nito na sa Kanyang pagdating, tiyak na ipaaalam Niya sa mga tao. Kung walang nakakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, gayon paano matutupad ang mga talatang ito? Bukod dito, alam nating lahat na ang Panginoon ay darating upang iligtas ang sangkatauhan, kaya kung hindi Niya ipinapaalam sa mga tao ang tungkol sa Kanyang pagparito, paano tayo makapananampalataya sa Kanya at makasusunod sa Kanya at mailigtas Niya? Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na at nagpahayag ng katotohanan upang dalisayin at mailigtas ang sangkatauhan. Kapag ang mga tumanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nagpakalat sa atin ng ebanghelyo, dapat nating pakinggan ang tinig ng Diyos tulad ng mga matalinong dalaga. Kapag nakikilala natin ang tinig ng Diyos, dapat nating buksan ang ating puso upang salubungin ang Panginoon. Kung hindi, kung panghahawakan natin ang ating mga paniwala at tumanggi na makinig sa tinig ng Diyos, magiging mangmang tayong mga dalaga at aalisin ng Diyos at magdurusa sa mga sakuna at iiyak at magngangalit ng ating mga ngipin.
Nais mo bang salubungin ang Panginoon sa lalong madaling panahon? Nais mo bang hanapin ang mga yapak ng Diyos? I-click upang mapanood ang mga sumusunod na video.
Inirekomendang pagbabasa:
- Angparabula ng Sampung Dalaga|Paano Maging mga Matalinong Dalaga Upang Masalubong ang Pagbabalik ng
- Anong gantimpala ang ipinagkakaloob sa matatalinong dalaga? Mapapahamak ba sa kalamidad ang mga mangmang na dalaga?
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.