Ang mga Sakuna ay Madalas at ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon ay Nangatutupad, Bumalik Na ba ang Panginoon?

16.01.2021

Kamakailan lamang, maraming mga kapatid ang nagmessage sa amin at sinabi ang kanilang pagkalito sa pananampalataya. Sa mga susunod na araw, isa-isa naming sasagutin ang kanilang mga katanungan.

Tanong: Hello po, naguluhan ako tungkol sa isang bagay, at nais kong humingi ng inyong tulong. Ang pandemya ay nagngangalit pa rin sa buong mundo, at ang iba pang mga sakuna ay lumalaki at lumalaki pa. Halimbawa, ang Pilipinas, bukod sa pandemya, nagdusa rin sa mga lindol, pagbaha at bagyo. Lahat ng mga palatandaang ito ay nagpapahiwatig na ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay karaniwang natutupad, kaya't bumalik na ba ang Panginoon? Maaari niyo bang i-fellowship sa akin kung paano makumpirma kung bumalik na ang Panginoon?

Sagot: Ang isyu na iyong nilahad ay isang bagay na lahat ng mga taong naghahangad sa pagpapakita ng Panginoon ay sabik upang malaman. Tungkol sa kung bumalik ang Panginoon, hanapin natin ang sagot sa mga salita ng Diyos.

Tulad ng naitala sa Biblia, nang tanungin ng mga alagad ang Panginoong Jesus ang tanda ng Kanyang pagparito at ng pagtatapos ng mundo, ang Panginoon ay tumugon, "Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:7-8).

Sabi ng Diyos, "Sumapit na ang mga huling araw at nagkakagulo ang mga bansa sa buong mundo. May kaguluhan sa pulitika, may mga taggutom, salot, baha, at tagtuyot na naglilitawan sa lahat ng dako. May malaking sakuna sa mundo ng tao; nagpadala na rin ng kalamidad ang Langit. Ito ay mga palatandaan ng mga huling araw."

"Kapag pinag-uusapan ang mga huling araw, tumutukoy ito sa nakahiwalay na kapanahunan, kung saan sinabi ni Jesus na tiyak kayong makararanas ng sakuna, at makararanas ng mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan at hindi na ang dating Kapanahunan ng Biyaya."

Makikita mula sa mga salita ng Diyos na kapag ang lahat ng uri ng mga sakuna, tulad ng mga lindol, taggutom, salot at pagbaha, ay madalas na nangyayari, pinatutunayan nito na ang Panginoon ay bumalik na at ang Kapanahunan ng Biyaya ay nasa pagtatapos na. Samakatuwid, kapag nakakakita tayo ng mga patotoo na bumalik ang Panginoon, dapat nating hanapin, siyasatin at tanggapin. Ito lamang ang magpapahintulot sa atin ng pagkakataon na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, masundan ang Kanyang mga yapak, at pumasok sa bagong Kapanahunan.

Mga kaibigan, nalutas ba ng fellowship na ito ang inyong pagkalito? Nais niyo bang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon? I-click ang link at basahin ang artikulo upang mahanap ang tamang landas ng pagsalubong sa Panginoon. Kung mayroon kayong iba pang mga katanungan, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mga komento sa ibaba o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Sama-sama nating hanapin ang mga kasagutan sa mga salita ng Diyos!


Nagbabagsakan na ang mga sakuna at ang klima ay hindi normal, na nagpapakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan. Kaya, paano natin dapat salubungin ang Panginoon? Ang kasagutan ay nasa sumusunod na artikulo... Inirerekomenda: Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo: 5 mga Propesiya sa Bibliya Natupad na

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar