Tagalog prayer songs | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao
Tagalog prayer songs | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao
I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao
ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,
tulad ng matuwid na araw na sumisilay;
nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.
Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos
mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao,
naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa.
Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko,
nagpapakita sa atin ngayon sa totoo.
Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid;
dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao.
Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos;
ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa.
Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa
sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.
II
Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at nagdadala ng paghatol,
ibinubunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
Sa paghatol, pagkastigo at pagsubok ng mga salita,
Sinasakop at pineperpekto Niya ang isang grupo ng mga mananaig.
Mga salita ng Diyos, nagngangalit at marilag,
humahatol at lumilinis sa kawalang katuwiran ng sangkatauhan,
lubusang winawasak ang kapanahunan ng kadiliman.
Katotohanan at pagkamatuwid ang naghahari sa daigdig.
Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;
Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.
Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,
naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.
Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;
Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.
Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,
naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Madalas mo bang nadarama na ang iyong espiritu ay nalalanta at ang iyong panalangin ay hindi nasasagot ng Diyos? Makinig sa mga tagalog gospel songs. Pagtitibayin ng mga ito ang iyong kaugnayan sa Diyos.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.