Angparabula ng Sampung Dalaga|Paano Maging mga Matalinong Dalaga Upang Masalubong ang Pagbabalik ng
Alam nating lahat ang parabula ng ang sampung mga dalaga na nakatala sa Bibliya. Nang dumating ang Panginoon, ang mga matatalinong dalaga ay nasalubong Siya sapagkat sila ay nagdala ng sapat na langis, na kung saan naman ang mga mangmang na dalaga ay nasaraduhan sa labas ng pinto ng Panginoon sapagkat hindi naghanda ng langis. Kung gayon ano ang dapat natin gawin upang maging isang matalinong dalaga? Una muna nating suriin ang ilang mga talata ng banal na kasulatan: "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:17). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Makikita natin sa mga talatang ito na ang Panginoon ay magsasalita sa mga iglesia kapag Siya ay nagbalik sa mga huling araw. Ngunit kapag naririnig ang sinoman na nangangaral ng balita ng pagbabalik ng Panginoon, ang mga mangmang na mga dalaga ay hindi naniniwala at tumatangging makinig, at sa huli ay ipapagsawalang-bahala sila ng Panginoon. Sa kabaligtaran, kapag ang mga matatalinong dalaga ay narinig ang balitang ito, may kusa sila na magsaliksik at makinig sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, kaya nakikilala nila ang tinig ng Diyos at nasasalubong Siya.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos-sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."
Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na "langis"? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.