Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus

09.06.2020

Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus?

Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo?

Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas.

Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas,

subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay.

Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas,

sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay,

at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan,

at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan.

Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos?

Paano nila mamamasdan ang Mesiyas?

Paano nila mamamasdan ang Mesiyas?

Kinalaban nila si Jesus dahil

hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu,

dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus,

at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas.

At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman,

at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman,

nagkamali silang kumapit nang walang-saysay sa pangalan ng Mesiyas

habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan.

Ang diwa ng mga Fariseong ito ay

mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan.

Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay:

Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad,

hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas.

Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?

Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?

Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo,

yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus?

Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan?

Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo?

Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo?

Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu?

Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo,

sinasabi ng Diyos na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
--------------------
Nararamdaman mo ba ngayon na parang hindi pinakinggan ng Diyos ang iyong dalangin? Magbibigay kami ng higit pang Chinese Christian songs. Mangyaring i-click at makinig at gagabayan ka nito upang mahanap ang mga yapak ng Diyos!

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar