Gospel Ngayong Araw: Tanging ang Mga Nagtutuon Makinig sa Tinig ng Diyos ang Maaaring Makasalubong saPanginoon

10.03.2021

Tanong: Nakita namin ang isang tao sa online na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, kaya sinabi namin ang magandang balita sa aming pastor. Sinabi sa amin ng pastor, na ang anumang mensahe sa online na nagsasabing bumalik ang Panginoon ay hindi totoo, at sinabi niya sa amin na huwag makinig sa mga sermon na ibinigay ng mga hindi kilalang tao upang maiwasan ang pagkaligaw sa aming pananampalataya. Hindi namin sigurado kung ano ang iyong mga pananaw sa isyung ito, kaya't nawa ay mabigyan kami ng fellowship.

Sagot: Kumusta! Ito ay isang mahalagang isyu, dahil tuwirang nauugnay ito sa mahalagang bagay na kung maari ba nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon o hindi. Ang susi sa pagtanggap sa pagdating na Panginoon at pagsisiyasat sa totoong daan ay hanapin ang kalooban ng Diyos. Isipin ito: Sinasabi ng mga pastor at elders na ang pangangaral ng ebanghelyo sa online ng pagdating ng Panginoon ay hindi totoo at hindi natin dapat pakinggan ang mga sermon ng mga estranghero, ngunit may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon? Maraming beses nang iprinopesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya, at hiniling Niya sa mga tao na maghintay upang masalubong Siya. Ngunit ang mga pastor at elders ay nagsasabi na ang anumang mensahe na nagsasabing ang Panginoon ay dumating ay hindi totoo-sa pagsasabi nito, hindi ba nila tinatanggihan ang pagbabalik ng Panginoon? Sa pamamagitan ng pagpapasya na ang anumang mensahe na nangangaral ng pagparito ng Panginoon ay hindi totoo at pagtanggi kahit na bigyang pansin ang ideya, magagawa ba nating masalubong ang Panginoon? Ano pa, alam nating lahat na marami sa ngayon ang naniniwala sa Panginoon ay naniniwala sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang ebanghelyo na kumalat sa online, kaya't ngayon na muling dumating ang Panginoon upang iligtas ang tao sa mga huling araw, hindi ba posible na mas maraming mga tao ang maaaring makaalam ng pagbabalik ng Panginoon sa pamamagitan ng Internet? Maliwanag, samakatuwid, ang paghayag na ginawa ng mga pastor at elders, na "ang pangangaral ng ebanghelyo sa online ng pagbabalik ng Panginoon ay hindi totoo" hindi ito paninindigan, at ito ay salungat sa kalooban ng Panginoon.

Ngayon, naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon na pigilan tayo ng mga pastor at elders na makinig sa mga pangangaral ng mga estranghero? Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan" (Mateo 7:7). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Makikita natin mula sa mga salita ng Panginoon na sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, may sisigaw na "Narito, ang kasintahang lalake," at kalooban ng Panginoon na gawin natin ang pagkukusa na lumabas at salubungin Siya. Iyon ay, kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, kahit saanman naipangaral ang mensahe, maging sa online man o sa harapan, kung sinasabi man ng isang estranghero o isang kakilala natin ang nagsasabi sa atin, dapat tayong maging mga matalinong dalaga at aktibong naghahanap at sinisiyasat ito, at makinig upang makita kung naroon ang tinig ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ay masasalubong natin ang Panginoon. Kasalukuyan na ang isang tao ay nagpapatotoo sa online na Narito, ang kasintahang lalake, ang tanging paraan na magagawa natin na naaayon sa kalooban ng Panginoon ay ang hanapin at siyasatin ito. Sa kabaligtaran, ang mga pastor at elders ay hinatulan ang anumang mensahe sa online na nangangaral ng pagdating ng Panginoon bilang huwad, at pinipigilan nila tayo na makinig sa iba pang mga sermon -hindi ba nila sinasalansang ang hiniling sa atin ng Panginoon? Bilang mga nananampalataya sa Diyos, kapag nakikita natin na ang sinasabi ng mga pastor at elders ay direktang sumasalansang laban sa sinabi ng Panginoong Jesus, dapat ba tayong makinig sa Panginoon, o makinig sa mga pastor at elders?

Masasabi natin nang walang pag-aalinlangan na kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay dumating na, saan man ipinangangaral ang mensahe 'yon, dapat nating isagawa ang sinabi ng Panginoon at hanapin at suriin ito, at tutukan ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Ito ang susi, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ay masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon. Sabi ng Diyos, "Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit kinakailangan ng bawat isa sa atin na malaman ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito." "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos-sapagka't kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang 'Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.' At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!" Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos ay ang katotohanan, daan, at buhay, at si Cristo ay ang Diyos Mismo sa katawang-tao, ang kumakatawan sa katotohanan. Sa pagdating ng Diyos upang magpakita at gawin ang Kanyang gawain, samakatuwid, kinakailangang ipahayag Niya ang katotohanan at itaguyod ang gawaing gagawin Niya. Kung nais nating maging sigurado kung nagbalik ba o hindi ang Panginoong Jesus, kinakailangan na makita natin na kung ang daang ito ay nagtataglay ng katotohanan, kung mayroon ba itong mga pagbigkas ng Diyos, at kung mayroon itong gawain ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pagbatay ng ating paghahanap at pagsisiyasat sa mga ito sa tunay na daan, hindi natin dapat ikatakot na malinlang, tulad ng, bukod sa Diyos Mismo, walang sinumang makapagpapahayag ng katotohanan. Ang mga sumunod sa Panginoong Jesus sa lahat ng mga taong iyon sa nakaraan ay nakatanggap din ng kaligtasan ng Panginoon matapos na maghanap, magsiyasat, at makinig sa tinig ng Diyos. Nang marinig ni Pedro, Juan, at ng iba pang mga alagad ang isang tao na nagsasabing ang Panginoong Jesus ay nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, hindi sila pikit-matang naniniwala sa sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo na hinatulan ang Panginoon, ni sila ay nahihiya na makinig sa Kanyang mga sermon, o takot na baka sila ay malinlang. Sa halip, nagawa nilang saliksikin at siyasatin ito, at nagtuon sa pakikinig sa mga sermon ng Panginoong Jesus. Nang matiyak nila na ang ipinahayag ng Panginoon ay ang katotohanan at nakilala ang tinig ng Diyos, isinuko nila ang lahat upang sumunod sa Kanya, at sa huli ay natanggap ang kaligtasan ng Panginoon. Kapag naharap sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng paggawa ng inisyatibo upang magsaliksik at magsiyasat at magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos tayo ay magiging mga matalinong dalaga na sa huli ay dadalo sa piging kasama ang Panginoon. Tulad ng kung ano ang sinabi sa Pahayag 3:20, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko."

Tanging ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo nang hayagan na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ipinapahayag Niya ang katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang linisin at baguhin ang mga tao nang ganap, at mailigtas ang mga tao mula sa mga gapos ng kasalanan. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay tiyak na tinutupad ang propesiya sa Juan 16: 12-13: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan;" at tinutupad din nito ang propesiya sa Juan 12:48: "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw;" pati na rin ang propesiya sa 1 Pedro 4:17 na nagsasabing, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Sa katunayan, kung maingat nating sisiyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makikita natin na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan. Ito ang mga katotohanang hindi natin narinig dati sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang panloob na kwento ng tatlong yugto ng gawain, kung paano nagsisimula ang paghatol ng dakilang puting trono, kung paano nagsisimula ang gawain ng paghatol, paglilinis at pagliligtas sa tao, panloob na kwento ng Bibliya, pati na rin ang mga kahahantungan at patutunguhan na naghihintay sa tao, at kung paanong ang tao ay papasok sa pamamahinga kasama ang Diyos, at iba pa. Ang lahat ng mga salitang ito ay naitala sa Bibliya ng Kapanahunan ng Kaharian, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Bukod dito, ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay naisapubliko sa online, hayag na nagpapatotoo sa buong mundo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Bukod dito, ang mga iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naitatag sa maraming mga bansa at rehiyon sa buong mundo, at maraming mga tao na, nang marinig ang isang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at nagpapahayag ng katotohanan, ay nagsimulang hanapin at saliksikin ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos alinsunod sa hinihiling ng Panginoon sa atin. Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nakilala nila ang Kanyang mga salita na ang katotohanan, maging tinig ng Diyos, at sa gayon tinanggap nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang ilan sa mga taong ito ay sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng direktang pagbisita sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, habang ang ilan ay nakikipag-ugnayan sa mga kapatid na kabilang sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa online at sumusunod sa Makapangyarihang Diyos pagkatapos basahin ang Kanyang mga salita. Ito ay eksaktong ayon sa sinabi ng Panginoong Jesus: "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Kaya kung nais nating maging sigurado kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoon na bumalik o hindi, at kung ang ebanghelyong ito ay totoo o hindi, ang susi ay makinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos upang makita kung ito ay tinig ng Diyos. Kung natitiyak natin na ito ay pagpapahayag ng katotohanan, gayon dapat nating tanggapin ito. Hindi ba natin sinasalubong ang Panginoon sa pamamagitan nito?

Kung, sa kabilang banda, pipiliin nating huwag saliksikin o suriin ang landas ng Makapangyarihang Diyos at makikinig tayo sa sinasabi ng mga pastor at elders, na naniniwala na ang ebanghelyo sa online na nangangaral ng pagbabalik ng Panginoon ay hindi totoo, na hindi natin dapat pakinggan ang mga sermon ng mga estranghero, at gayon tanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw-kung hindi pa rin natin natatanggap ang gawain ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos sa oras na ito'y natapos na, hindi ba natin mapapalampas ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw? Ang tapat na mga Hudyo sa mga nakaraang taon iyon ay pikit-mata na naniniwala sa mga salitang sinasalita ng mga eskriba at Fariseo na hinahatulan ang Panginoong Jesus, at sa huli, hindi lamang nila nawala ang kaligtasan ng Panginoong Jesus, ngunit nakagawa sila ng kahindik-hindik na krimen ng paglaban sa Panginoon. Dapat tayong maging alisto pagdating sa bagay na pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Binibigyan tayo ng babalang ito ng Diyos: "Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan." Ang gawain ng Diyos ay patuloy na gumagalaw pasulong, at hindi ito hihinto dahil lamang sa hindi natin ito matanggap. Ang mga nakakakilala lamang sa tinig ng Diyos at sumusunod sa mga yapak ng Kordero ang pupurihin ng Diyos sa huli. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagawa ngayon ng isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna at ang gawain upang mailigtas ang sangkatauhan sa mga huling araw ay malapit nang matapos. Kaya dapat tayong maging mga matalinong dalaga, at ang tanging matalinong pagpili na maaari nating gawin ay ang aktibong maghanap at magsaliksik sa gawain ng Diyos at pakinggan ang tinig ng Diyos!


Mabuting balita ng Panginoon ngayong araw: Ipapahayag ng Panginoon ang katotohanan na kakatok sa mga pintuan ng ating mga puso. Kung makikilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga bagong salita ng Panginoon, kung gayon ito'y nangangahulugang sinasalubong na natin ang Panginoon.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!


¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar