Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha

05.01.2021

Genesis 9:1-6 At binasbasan ng Diyos si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay; sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao. Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Diyos nilalang ang tao.

Ano ang nakikita ninyo mula sa pahayag na ito? Bakit Ko napili ang mga bersikulong ito? Bakit hindi Ako kumuha ng hango sa buhay ni Noe at ng kanyang pamilya sa loob ng malaking barko? Dahil ang impormasyong iyon ay walang gaanong kaugnayan sa paksang tatalastasin natin sa araw na ito. Ang ating bibigyang-pansin ay ang disposisyon ng Diyos. Kung nais ninyong malaman ang tungkol sa mga detalyeng iyon, maaari ninyong kunin ang Biblia at basahin nang inyong sarili. Hindi natin ito pag-uusapan dito. Ang pangunahing bagay na pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa kung paano malalaman ang mga pagkilos ng Diyos.

Matapos tanggapin ni Noe ang mga tagubilin ng Diyos at gawin ang malaking barko at mabuhay sa pagdaan ng mga araw na gumamit ang Diyos ng baha upang gunawin ang mundo, nakaligtas ang kanyang pamilyang walong katao. Bukod sa pamilya ni Noe na walong katao, ang lahat ng sangkatauhan ay nalipol, at ang lahat ng nabubuhay sa daigdig ay nalipol. Kay Noe, binigyan siya ng Diyos ng mga pagpapala, at may mga sinabi sa kanya at sa kanyang mga anak na lalaki. Ang mga bagay na ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya at mga pagpapala rin ng Diyos sa kanya. Ito ang pagpapala at pangakong ibinibigay ng Diyos sa isang taong makapakikinig sa Kanya at makatatanggap ng Kanyang mga tagubilin, at ang paraan rin kung paano nagpapabuya ang Diyos sa mga tao. Ang ibig sabihin, kung si Noe man ay isang perpektong tao o isang matuwid na tao sa mata ng Diyos, at gaano man karami ang kaalaman niya tungkol sa Diyos, sa madaling salita, si Noe at ang kanyang tatlong anak na lalaki ay nakinig lahat sa mga salita ng Diyos, nakipagtulungan sa gawain ng Diyos, at ginawa ang dapat nilang gawin alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos. Ang bunga nito, natulungan nila ang Diyos sa pagpanatili ng mga tao at iba't ibang mga nabubuhay na bagay matapos ang pagkagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha, at sa gayon ay nakapag-ambag nang malaki sa susunod na hakbang ng plano ng pamamahala ng Diyos. Dahil sa lahat ng kanyang nagawa, pinagpala siya ng Diyos. Marahil para sa mga tao sa kasalukuyan, ang ginawa ni Noe ay ni hindi karapat-dapat banggitin. Baka iniisip pa ng ilan: Walang ginawa si Noe; nakapagpasya na ang Diyos na ingatan siya, kaya tiyak na mapapangalagaan siya. Ang Kanyang pagkaligtas ay hindi sa kanyang kapurihan. Ito ang gusto ng Diyos na mangyari, dahil ang tao ay walang-kibo. Nguni't hindi ito ang iniisip ng Diyos. Para sa Diyos, kung ang tao man ay dakila o hamak, basta't makikinig sila sa Kanya, makasusunod sa Kanyang mga tagubilin at sa Kanyang mga ipinagkakatiwala, at maaaring makipagtulungan sa Kanyang gawain, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang plano, upang matupad nang maayos ang Kanyang kalooban at ang Kanyang plano, ang asal na iyon ay karapat-dapat sa Kanyang pag-alaala at karapat-dapat na makatanggap ng Kanyang pagpapala. Pinahahalagahan ng Diyos ang ganitong mga tao, at tinatangi Niya ang kanilang mga gawa at ang kanilang pag-ibig at paggiliw para sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos. Kaya bakit pinagpala ng Diyos si Noe? Dahil ganito pakitunguhan ng Diyos ang mga ganoong paggawa at pagsunod ng tao.

Tungkol sa pagpapala ng Diyos kay Noe, sasabihin ng ilan: "Kung ang tao ay makikinig sa Diyos at bibigyang-saya ang Diyos, kung gayon nararapat na pagpalain ng Diyos ang tao. Di ba't hindi na kailangang banggitin iyan?" Maaari ba nating sabihin iyan? Sabi ng ilang tao: "Hindi." Bakit hindi natin maaaring sabihin iyan? Sabi ng ilang tao: "Ang tao ay hindi karapat-dapat magtamasa ng pagpapala ng Diyos." Hindi ito lubusang tama. Dahil kapag ang isang tao ay tumanggap ng mga ipinagkakatiwala ng Diyos, may pamantayan ang Diyos sa paghusga kung ang mga pagkilos ng isang tao ay mabuti o masama at kung ang taong iyan ay sumunod, at kung ang taong iyan ay nakatupad sa kalooban ng Diyos at kung ang kanilang ginagawa ay pasado. Ang mahalaga sa Diyos ay ang puso ng tao, hindi ang panlabas nilang mga ginagawa. Hindi ito isang kaso na dapat pagpalain ng Diyos ang isang tao basta gumagawa sila, hindi alintana kung paano man sila gumawa. Ito ang maling pagkaunawa ng tao sa Diyos. Hindi lamang tumitingin ang Diyos sa huling resulta ng mga bagay, nguni't mas nagbibigay-diin sa kung ano ang kalagayan ng puso ng tao at kung ano ang saloobin ng tao sa pagpapatuloy ng mga bagay, at nakatingin kung may pagsunod, pagsasaalang-alang, at kagustuhang magbigay-saya sa Diyos sa kanilang puso. Gaano karami ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos noong panahong iyon? Kasindami ba ng mga doktrinang alam na ninyo ngayon? Sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng mga konsepto at kaalaman sa Diyos, nakatanggap ba siya ng kasindaming pagdidilig at pagpapastol tulad ninyo? Hindi! Nguni't may isang katunayang hindi maikakaila: Sa mga kamalayan, mga isipan, at kahit sa kailaliman ng mga puso ng mga tao sa kasalukuyan, ang kanilang mga konsepto at saloobin sa Diyos ay malabo at di-tiyak. Maaari ninyo pa ngang sabihin na may mga taong negatibo ang saloobin tungkol sa pag-iral ng Diyos. Nguni't sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak din na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang kaliwanagan mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa. Hindi pinapayagan ng Diyos ang sinumang magkaroon ng anumang pagkakahati ng puso o alinlangan tungo sa Kanya, ni hindi rin Niya pinapayagan ang mga taong maghinala o subukin Siya sa anumang paraan. Kaya kahit na ang mga tao sa kasalukuyan ay harap-harapan sa salita ng Diyos, o maaari ninyo pang sabihing harap-harapan sa Diyos, dahil sa anumang bagay na nasa kailaliman ng kanilang mga puso, ang pag-iral ng kanilang tiwaling diwa, at ang kanilang mapanlaban na saloobin sa Kanya, sila ay nahahadlangan sa kanilang tunay na paniniwala sa Diyos, at nahaharangan sa kanilang pagsunod sa Kanya. Dahil dito, napakahirap para sa kanilang maabot ang pagpapalang tulad ng ipinagkaloob ng Diyos kay Noe.

Hinango mula sa "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


The Daily Devotional Tagalog page provides rich devotional resources to help you get close to God every day and build a normal relationship with Him.

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar