Kung Paano Kakatok sa Pinto ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik
Tala ng Editor: Ito ay nakapropesiya sa Aklat ng Pahayag: "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Lahat ng mga tunay na mananampalataya ay inaabangan at buong pananabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, at si Xiangyang ay hindi nabubukod. Gayunpaman, palagi niyang hindi naiintindihan paano kakatok sa pintuan ang Panginoon kapag Siya ay bumalik. Matapos magsaliksik at magdiskusyon sa wakas ay naunawaan na niya rin ang misteryo ng pagkatok sa pintuan ng Panginoon.
Sinabi ni Cheng'en: "Inisip nating lahat na ang Panginoong Jesus ay babalik mula sa mga ulap at kakatok sa ating pintuan. Ngayon nakikita natin na ang mga kalamidad ay palakas nang palakas-ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay pangunahing natupad na, ngunit kailangan pa nating salubungin Siya. Pinagninilayan ko: Marahil nagpakita na Siya sa isang lugar, ngunit hindi lang natin alam ito. ..."
Hindi na makakapaghintay si Xiangyang para matapos ang kausap bago sumabad: "Talagang tama iyon. Ito rin ang nasa isip ko nitong mga ilang araw. Sinasabi na sa mga huling araw, sa dakilang kaluwalhatian babalik ang Panginoon kasama ng mga ulap at ang bawat mata ay pagmamasdan Siya. Gayunman, dahil makikita Siya ng bawat tao, kailangan pa ba Niyang kumatok sa pinto? Habang mas iniisip ko ang tungkol dito, lalong nalito ang pakiramdam ko. Paano ba talaga Siya kakatok?"
Sinabi ni Cheng'en: "Wala sa atin ang kayang unawain ito; Naunawaan ko lang pagkatapos ibinahagi ito ng isang kapatid na babae sa pagbabahagi sa aming mga pagtitipon sa nakaraang ilang araw. Sa lahat nitong mga taon, naasahan na natin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng mga ulap, at ayon ito sa Kanyang mga salita. Ngunit walang isa lang na uri ng propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw. Naaalala mo ba? Nagpropesiya rin Siya: 'Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya' (Mateo 25:6). At ito rin ang propesiya sa Aklat ng Pahayag: 'Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo' (Pahayag 3:3). 'Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko' (Pahayag 3:20). Kung talagang babalik ang Panginoon sa mga huling araw na kasama ng mga ulap tulad lang ng iniisip natin, kung gayon paano matutupad ang mga propesiyang ito? Paano Siya maaaring tumayo sa pinto at kumatok?"
Tumango ng paulit-ulit si Xiangyang: "Oo nga, kung babalik ang Panginoon na dumarating kasama ng mga ulap at pinagmamasdan Siya ng bawat tao, paano Siya makakarating tulad ng isang magnanakaw? Ngunit nasusulat ito sa kabanata 1, bersikulo 7 sa Aklat ng Pahayag: 'Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.' Paano ba talaga maipapaliwanag ang mga salitang ito?"
Sinabi ni Cheng'en na may ngiti: "Sa katunayan, ang mga propesiyang ito ay hindi magkakasalungat sa anumang paraan. May katotohanan na maghanap mula sa loob ng mga ito. Iyong banal na kasulatang binanggit lang ngayon ay nangangahulugang may dalawang paraan sa pagbabalik ng Panginoon, ibig sabihin, sa lihim at sa publiko. Una Siyang bumabalik upang gumawa nang lihim, at pagkatapos ay magpapakita nang hayag pagkaraang makumpleto ang isang pangkat ng mananagumpay. Sa panahong lihim na gumagawa Siya, kung kumakatok Siya sa ating pintuan ngunit hindi natin binuksan ito o sinalubong Siya, tayo ang mga umiiyak kapag hayag na nagpapakita Siya. Samakatuwid, kung nais nating buksan ang pinto at sumalubong sa Kanya kapag kumakatok Siya, dapat maunawaan muna natin kung ano ang talagang ibig sabihin ng Kanyang pagkatok sa pinto sa Kanyang pagbabalik, at kung paano Siya kumakatok. Kung hindi man, kahit na kumakatok Siya sa pinto natin, sasarhan natin Siya dahil sa ating kamangmangan. Kaya malamang na mawala sa atin ang oportunidad na salubungin Siya at madadala sa kaharian ng langit!"
Pagkarinig kung ano ang kailangang sabihin ni Cheng'en, naisip ni Xiangyang: Totoo ito-ang malaman kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon kapag dumating Siya ay napakahalaga. Sinabi sa banal na kasulatan na para masalubong ng matatalinong dalaga ang Panginoon, kakailanganin nilang maghanda mg sapat na langis. Kung hangal lang tayo na maghihintay, mawawala sa atin ang oportunidad na masalubong Siya, gaya lang ng ginawa ng mga hangal na dalaga. Kaya't talagang iiyak tayo at magngangalit ang ating mga ngipin! Pagkatapos ay sabik na sinabi ni Xiangyang: "Oo, Cheng'en, tama ka. Talagang isang misteryo kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon kapag bumalik Siya, at may katotohanan para hanapin ito. Talagang may liwanag sa iyong pagbabahagi! Pasalamatan ang Diyos. Hindi ka dumalo sa mga pagtitipong iyon na walang kabuluhan! Sabihin sa akin, tungkol sa pagkatok ng Panginoon kapag bumalik Siya, ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano Siya kumakatok sa ating pinto?"
Nagpatuloy si Cheng'en: "Nasa propesiya sa Aklat ng Pahayag: 'Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia' (Pahayag 2:7). At gayon din sa kabanata 16, mga bersikulo 12-13 sa Ebanghelyo ni Juan: 'Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.' Makikita mula sa mga salitang ito na ang Panginoong Jesus ay hindi pa natapos magsalita, at magkakaroon pa ng maraming katotohanang bibigkasin Niya kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Ito ang dahilan kung bakit ipinaalala Niya sa atin na magbigay ng pansin at makinig sa Kanyang tinig. Sa pagbalik-tanaw sa dalawang libong taon nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa, madalas Niyang sabihin: 'Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit' (Mateo 4:17). Gumawa rin Siya ng maraming kababalaghan at himala, gaya ng pagpapakalma sa hangin at dagat at pinapahintulutan ang lumpo upang makalakad sa ilang mga salita, pati na ang muling pagbuhay kay Lazaro mula sa mga patay .... Nagdadala ang Kanyang mga salita ng awtoridad at kapangyarihan na hindi mabibigkas ng sinumang nilalang na tao. Sina Pedro, Juan, ang babae sa Samaria, Nathanael, at iba pang nakakilala sa mga salita ng Panginoong Jesus na Siya ang pangakong Mesiyas, kaya nga sumunod sila sa Kanyang mga yapak at tinanggap ang Kanyang pagliligtas. Ang mga Fariseo at ordinaryong Hudyo ay narinig din ang mga salita ng Panginoong Jesus, ngunit dahil sa matigas ang ulo nilang kumapit sa literal na mga propesiya sa kasulatan ng Lumang Tipan, binigyang kahulugan nila Siya sa pamamagitan ng kanilang mga pagkaunawa at imahinasyon at tumanggi ring kilalanin na Siya ang naparitong Mesiyas. Sa katapusan, hindi lang sa nawala nila ang Kanyang pagliligtas kundi nagdusa ng Kanyang kaparusahan dahil ipinapapako Siya sa krus at lumalaban sa Kanya-kahit ang mga inapo nila ay isinumpa ng Diyos. Samakatuwid, dapat tayong matuto mula sa kabiguan ng mga Fariseo, at huwag sukatin o ipaliwanag ang kahulugan ng Diyos ayon sa ating mga imahinasyon. Hindi tayo tatanggapin ng Panginoon sa mga ulap, ni hindi Siya kakatok sa mga pinto ng ating mga tahanan. Kung magtutuon lamang tayo na unawaing mabuti ang Kanyang mga salita at kilalanin ang Kanyang tinig ay maaari nating salubungin Siya at dumalo sa piging kasama Niya. Gaya lang nang nakasulat sa Aklat ng Pahayag: 'Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko' (Pahayag 3:20)."
Habang nakikinig, inisip ni Xiangyang ang lahat ng ito at nadama na lahat ng sinabi ni Cheng'en ay totoo. Nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ang mga Fariseo at maraming ordinaryong Hudyo ang nakarinig sa Kanyang mga salita, ngunit hindi lang sa hindi nila ito tinanggap, kundi sa halip Siya ay nilapastangan at isinumpa nila. Gayunman, sina Pedro, Juan, at ang babae sa Samaria ay pinakinggan ang Kanyang mga salita at nakilala na Siya ang pangakong Mesiyas, at kaya't sumunod sa Kanya. Narinig nilang lahat ang mga salita ng Panginoong Jesus at namasdan nila ang Kanyang gawain; ang ilan ay nagbukas ng pinto at tinanggap Siya, samantalang ang iba pa ay sinarhan ang pinto ng kanilang mga puso at hindi Siya pinapasok. Hindi nakapagtatakang sinabi ng Panginoon: "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). Sabik na sinabi ni Xiangyang: "Pasalamatan ang Panginoon. Hindi ko naunawaan hanggang sa pagbabahagi ngayon. Ang bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw na kumakatok sa pinto ay tumutukoy sa Kanyang mga pagbigkas sa sangkatauhan. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita upang kumatok sa pinto ng puso ng tao. Kahanga-hanga ito-ngayon natutuhan natin kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon kapag bumalik Siya, kaya ang ating pag-asa ng pagbubukas ng pinto at pagsalubong sa Kanya ay napakadakila."
Sinabi ni Cheng'en: "Oo. Gagamitin ng Panginoon ang Kanyang mga salita upang kumatok sa pinto ng ating mga puso kapag bumalik Siya, kaya ngayon kailangan talaga nating magtuon sa pakikinig sa Kanyang tinig. Kung pakikinggan natin ang isang tao na nangangaral sa atin ng mga salita ng Banal na Espiritu, sa internet man o sa radyo, dapat tayong makinig na mabuti. Kapag nakilala natin ang tinig ng Panginoon, dapat nating buksan ang pinto para sa Kanya at tanggapin ang Kanyang pagbabalik. Ito ang tanging paraan na madadala tayo sa harap ng Kanyang trono at makadalo sa piging ng Cordero. Kapag kumatok sa pinto ang Panginoon, kung tatratuhin natin Siya batay sa ating mga sariling pagkaunawa at imahinasyon gaya lang ng mga Fariseo at ordinaryong Hudyo, na tumatangging unawaing mabuti ang Kanyang tawag, magpakailanman nating mawawala ang oportunidad na salubungin Siya at madadala sa kaharian ng langit."
Tumango ng paulit-ulit si Xiangyang. Wala siyang magagawa kundi isipin ang mga titik ng himno na kakakanta lamang niya: "Agad tayong bumangon at buksan ang pinto, at huwag hayaan ang mabuting lalaki na tumalikod at umalis. ..."
Matapos basahin ang artikulong ito, mauunawaan natin na ang Panginoong Jesus ay kakatok sa ating mga pintuan gamit ang Kanyang mga salita sa Kanyang pagbabalik. Kaya kung nais nating tanggapin ang Panginoon, napakahalaga na makilala ang tinig ng Diyos. Paano tayo magiging mga matalinong dalaga at makilala ang tinig ng Diyos? I-click ang pahina ng ebanghelyo Ang Tagapagligtas ay Nakabalik Na sa mga Huling Araw upang malaman ang higit pa at hanapin at tuklasin ang aspetong ito ng katotohanan kasama kami. Kung mayroon kang iba pang pag-iilaw, kaliwanagan, o mga pagkalito, maaari kang magkomento sa aming post o makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Live Chat.