Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
1. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang mga pagbabagong iyon sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng nais ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang tao na kaayon ng nais ng Diyos. Ngayon, dumating na ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang pagkakilala sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya-malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawain na hindi naaayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao pati na rin ang lahat ng gawang ginagawa Niya na lumulupig sa tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng pagkakilala sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbigay-kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakarating na sa pagkakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagtatabas, upang magpatotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga nagawang tiwali na ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nabago na, at sa gayon ay nagkamit na ng Kanyang mga pagpapala, upang magpatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ang tao na purihin Siya sa salita lamang, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya nailigtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos, at yaon lamang mga nabago na ang kanilang disposisyon ang karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos. Hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.
-mula sa "Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Kailangan ninyong makita ang kalooban ng Diyos at makita na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing-payak ng paglikha sa mga kalangitan at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga nagawa nang tiwali, na naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha na pagkatapos ay inimpluwensyahan ni Satanas, hindi para likhain sina Adan o si Eva, lalong hindi upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng uri ng mga halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng nagawa nang tiwali ni Satanas upang sila ay mabawi at maging kung anong mayroon Siya at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi kasing-payak ng inaakala ng tao na paglikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng bagay, at hindi rin ito katulad ng gawaing pagsumpa kay Satanas sa walang-hanggang kalaliman gaya ng inaakala ng tao. Sa halip, ito ay upang baguhin ang tao, upang yaong negatibo ay gawing positibo at upang gawin kung anong mayroon Siya yaong hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos. Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi makakamit ng gayon. Sa yugtong ito ng Kanyang gawain, hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang nilikha at dinadalisay ang lahat ng bagay na nadungisan na ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?
-mula sa "Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
3. Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka't ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali't, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka't dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
-mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
4. Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.
-mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
5. Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
-mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6. Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.
-mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
7. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lumalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng mga tao, nguni't hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan-ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono.
-mula sa "Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
8. Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Nguni't matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagka't ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
9. Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay yaong wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga pagkakataon, na iniidolo niya ang mga iyon. Hinahabol ng tao ang Diyos alang-alang sa kanyang kapalaran at mga pagkakataon; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging-makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis na lahat. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay makakamit. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, kailangan na alisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at baguhin ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng tao, ang kanyang pananaw sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay nalilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalulupig. Ngunit sa Kanyang saloobin tungo sa lahat ng nilalang, hindi nanlulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay nanlulupig upang tamuhin ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay manlulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ibig sabihin niyan ay kung, pagkatapos ng panlulupig sa tao, pinabayaan na ng Diyos ang tao, at hindi na nakialam sa kanyang buhay o kamatayan, kung gayon hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng paglupig sa kanya at ang kanyang pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan sa kahuli-hulihan ang nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang magkakamit ng mithiin na kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok tungo sa kapahingahan ang mga pagkakataon na dapat maangkin ng lahat ng nilalang, at ang gawain na dapat gawin ng Lumikha.
-mula sa "Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
10. Ang resulta na makakamit sa gawaing panlulupig ay pangunahin upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang makamtan ng isip ng tao ang panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasiya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi nakakapagtatakda kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang pag-iisip, kamalayan, at katinuan ng tao ay nagbabago-iyon ay, kapag ang iyong buong pangkaisipang saloobin ay nagbabago-na ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at pinagtibay na ang bagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga pagkaunawa o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang normal, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos ng buong puso mo-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
11. Ang kahuli-hulihang yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik. Subali't, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig-upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan-itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
12. Ang gawaing panlulupig na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan: Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila'y maging perpekto para maging pangkat ng mga mananagumpay, bilang ang unang pangkat ng mga tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at tumanggap ng buong pagliligtas ng Diyos. Ang hinahayaan ng Diyos na matamasa ng tao ay hindi lamang awa at kagandahang-loob, kundi mas mahalaga ang pagkastigo at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita na ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig; umaakay ang pag-ibig na ito sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao. Sa pangatlong banda, ito ay magpapatotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang nagawa na ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
13. Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamakatuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang tao, at tinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, "Kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?" Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama't nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ay ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, nguni't sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa diwa ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa kasalanan, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos-at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos.
-mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
14. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, Kanyang iniibig ang tao, at inililigtas ang tao-ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Naroroon ang paghatol, kamahalan, poot, at sumpa. Bagama't sinumpa ng Diyos ang tao noong una, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman, ngunit ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan, ngunit kumilos upang gawing perpekto ang tao. Ang katuturan ng laman ay yaong nauukol kay Satanas-tamang-tama ang pagkakasabi rito ng Diyos-ngunit ang mga katotohanan na ipinatupad ng Diyos ay hindi nabuo alinsunod sa Kanyang mga salita. Sinusumpa ka Niya upang mangyaring ibigin mo Siya, at upang mangyaring maunawaan mo ang katuturan ng laman; kinakastigo ka Niya upang mangyaring ikaw ay magising, upang tulutan kang makilala ang mga kakulangan sa loob mo, at upang malaman ang lubos na kawalang-kabuluhan ng tao. Kaya, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, ang Kanyang kamahalan at poot-ang lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan, at ang matuwid na disposisyon na ginagawa Niyang malinaw sa loob ninyo-lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao, at ang gayon ay ang pag-ibig ng Diyos.
-mula sa "Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
15. Sa kasalukuyan hinahatulan kayo ng Diyos, at kinakastigo kayo, at pinarurusahan kayo, nguni't talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng parusa, pagsumpa, paghatol, pagkastigo-lahat ng ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, upang ang iyong disposisyon ay maaaring magbago, at, higit pa rito, upang maaaring malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. Kung nalalaman mo lamang na mababa ang iyong katayuan, at na ikaw ay tiwali at masuwayin, nguni't hindi nalalaman na ninanais ng Diyos na gawing karaniwan ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo sa kasalukuyan, kung gayon ay wala kang paraan ng pagdanas, lalong hindi ka makapagpapatuloy nang pasulong. Ang Diyos ay hindi dumating upang pumatay, o magwasak, nguni't para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Bago sa pagtatapos ng Kanyang 6,000 taon ng plano sa pamamahala-bago Niya gawing karaniwan ang katapusan ng bawat kategorya ng tao-ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa kapakanan ng kaligtasan, ang lahat ay upang lubos na gawing ganap yaong mga umiibig sa Kanya, at dalhin sila sa pagsasailalim sa Kanyang kapamahalaan.
-mula sa "Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
16. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang makikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap na ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginagawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo-ito ay para lamang sa kaligtasan.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
17. Ang Diyos ay naparito na para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay ang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at awa, anupa't ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng inyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, nguni't talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumasapit sa inyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa inyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay kayo sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong pagpipino at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong pagpipino ay upang linisin ang tao, ang masasakit na salita o pagkastigo ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan.
-mula sa "Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
18. Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawat paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapapakawalan ang lahat ng bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos at makilala ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa espiritu ng mga taong ito na ginawang napakatiwali at lubhang nalinlang ang mithiin ng uring ito ng paghatol. Ang tao ay walang espiritu, ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano magiging posibleng malaman niya na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagtitiwali ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano magiging posibleng malaman niya na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi na maaayos ng sangkatauhan? At paano magiging posibleng malaman niya na ang Lumikha ay dumating na sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo sa lamig na puso ninyo.
-mula sa "Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
19. Kahit na ang pagkastigo at paghatol ay mga kapinuhan at walang-awang pagsisiwalat sa tao, na layong parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay nilalayong isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding pagsisiwalat na ito ng salita ay lahat para sa layuning akayin ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo naakay sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong isabuhay ng isang normal na pagkatao; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang matamo ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginagawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na tayog, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilalagay sa inyo. Kahit na hindi mo kayang makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila ikaw ay pinahihirapan Ko, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya ikaw ay kinakastigo at hinahatulan Ko araw-araw at dinudusta ka araw-araw ay dahil namumuhi Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay pagkastigo at paghatol, sa katunayan itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay malaking proteksiyon para sa iyo.
-mula sa "Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
20. Dapat mong malaman na ang Diyos sa paggawang perpekto ng mga tao, paggawang ganap ng mga tao, at pagkakamit ng mga tao ay walang dinala maliban sa mga espada at pagdagok para sa kanilang laman, at nagdala ng walang katapusang pagdurusa, ng pagsusunog ng apoy, walang habag na paghatol, pagkastigo, at sumpa, pati na rin ang walang hanggang mga pagsubok. Gayon ang kasaysayan sa loob at katotohanan ng pamamahala ng tao. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay naglalayon laban sa laman ng tao, at lahat ng dulo ng sibat ng poot ay walang awang nakadirekta sa laman ng tao (dahil ang tao ay orihinal na inosente). Ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, nguni't ito ay para sa buong plano at upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang ginawa ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinadanas ng mga tao ay mga paghihirap at mga pagsubok ng apoy, nguni't may napakakaunti o wala man lang matatamis o masasayang araw na ninais ng laman ng tao, at hindi man nila higit na nagawang tamasahin ang masasayang sandali sa laman na ginugugol sa magagandang gabing kasama ang Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang anuman kundi ang pagkastigo ng Diyos na hindi pinapaboran ng tao, at parang nagkukulang sa normal na dahilan. Ito ay dahil Kanyang ihahayag ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi pinapaboran ng tao, na hindi pinahihintulutan ang mga kasalanan ng tao, at kinapopootan ang mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng Kanyang disposisyon sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim-na-libong taong labanan kay Satanas-ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan at ang pagkawasak sa sinaunang Satanas!
-mula sa "Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
21. Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw-iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis-ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na dako ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka't sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap.
-mula sa "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
————————————————
Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.