"Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X" | Sipi 193

18.10.2020

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ''Ang kamatayan ng isang buhay na nilalang-ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay-nagpapahiwatig na ang buhay na nilalang ay nakaalis mula sa materyal na mundo patungo sa espirituwal na mundo, habang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na isang buhay na nilalang ay dumating mula sa espirituwal na mundo patungo sa materyal na mundo at nagsimulang gawin ang papel nito, upang gampanan ang papel nito. Maging ito man ay pag-alis o pagdating ng isang nilalang, kapwa sila hindi maihihiwalay mula sa gawain ng espirituwal na mundo. Kapag ang isang tao ay dumating sa materyal na mundo, ang mga angkop na pagsasaayos at mga pakahulugan ay naisagawa na ng Diyos sa espirtuwal na mundo para sa pamilya na kanilang pupuntahan, ang panahon na kanilang pupuntahan, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. At kaya ang buong buhay ng taong ito-ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak-ay magpapatuloy alinsunod sa mga pagsasaayos ng espirituwal na mundo, nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay, samantala, at ang paraan at ang lugar kung saan ito magwawakas, ay malinaw at namamalas sa espirituwal na buhay. Pinamamahalaan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamamahalaan Niya ang espirituwal na mundo, at hindi Niya pinatatagal ang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya makagagawa ng anumang mga pagkakamali sa pagsasaayos ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa. Ang bawat mga namamahala sa opisyal na mga puwesto sa espirituwal na mundo ay tinutupad ang kanilang mga pananagutan, at ginagawa ang kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga patakaran ng Diyos. At kaya, sa mundo ng sangkatauhan, ang bawat materyal na pangyayari na nakikita ng tao ay nasa ayos, at hindi naglalaman ng kaguluhan. Ang lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at dahil din sa ang awtoridad ng Diyos ang namamahala sa lahat, at kabilang sa lahat ng mga bagay na pinamamahalaan Niya ang materyal na mundo na tinitirhan ng tao, at, mangyari pa, ang hindi nakikitang espirituwal na mundo sa likod ng sangkatauhan. At kaya, kung nagnanais ang sangkatauhan na magkaroon ng mabuting buhay, at nagnanais na manirahan sa magandang mga kapaligiran, bukod sa paglalaan sa buong materyal na mundo na nakikita, ang tao ay kailangan ding paglaanan ng espirituwal na mundo, na walang sinumang nakakakita, na siyang namamahala sa bawat buhay na nilalang sa ngalan ng sangkatauhan, at ito ay maayos.''

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang salita ng Diyos ang kailangan natin sa ating buhay. Ang Daily Bread Tagalog ay nagbibigay-daan sa inyo na magkaroon ng isang malapit na ugnayan sa Diyos.

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar