Mga Kwento sa Bibliya: Ang Karunungang Natamo Ko Mula sa Nakamit ng Diyos Kay Abraham
May isang kwento sa Biblia: Pinangako ng Diyos na bibigyan Niya ng anak na lalake si Abraham kapag isandaang taong gulang na 'yon. Kahit inakala ni Abraham na imposible 'yon, tinupad ng Diyos ang pangako Niya at nagbigay nga Siya ng anak na lalake. Gayunpaman, nang lumaki ang anak ni Abraham, hiniling ng Diyos na ialay niya ang bata. Sinunod ni Abraham ang Diyos at walang pasubaling inilagay ang nag-iisa niyang anak sa altar. Gayunpaman, sa huli, bukod sa hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham ang kanyang anak, binigyan din siya ng maraming biyaya, na nagpahintulot sa kanyang mga inapo na maging dakilang mga bansa. Kung gano'n ano'ng karunungan ang matututunan natin mula sa nakamit ng Diyos kay Abraham? Ngayon, gusto kong ibahagi sa lahat ang tungkol sa kung ano'ng nakamit ko sa pagbabasa ng kwentong ito.
1. Ang mga salita ng Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan at tiyak na matutupad.
Nakatala sa Biblia: "At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya. Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?" (Genesis 17:15-17).
Sabi ng Diyos, "Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating" (Genesis 17:21).
"At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya. At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara" (Genesis 21:2-3).
Mula sa mga bersikulong ito makikita nating sinabi ng Diyos na bibigyan niya ng anak na lalake si Abraham, inisip ni Abraham na imposible 'yon dahil lagpas na ang edad nila ni Sarah para sa pagkakaro'n ng anak. Pero sinabi ng Diyos, "Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating" (Genesis 17:21). At umayon nga sa mga salita ng Diyos ang katotohanan na nanganak ng lalake si Sarah. Mula rito nakita kong tapa tang Diyos, at hindi mauunawaan nating mga tao ang awtoridad ng Kanyang mga salita. Gaya nang likhain ng Diyos ang mundo, ginamit Niya ang salita para gawin ang langit at ang lupa at lahat ng naroroon, at nagkatotoo agad ang bawat salitang sinabi Niya. Pero dahil kulang sa karanasan tayong mga tao at maliit ang pananampalataya natin sa Diyos, lagi tayong bumubuo ng paniwala tungkol sa mga salita ng Diyos. Gayon pa man, lahat ng gustong tapusin ng Diyos ay hindi maaapektuhan ng ating mga pagkaunawa. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, "Kung ano ang ginagawa o iniisip ng tao, kung ano ang nauunawaan ng tao, ang mga plano ng tao-wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga panahon at yugtong itinalaga ng Diyos. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi humahadlang sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, ngunit hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang gawain, dahil ang tao ay hindi naniniwala o nakauunawa. Ang mga katotohanan ay sa gayon naisasagawa nang ayon sa plano at pag-iisip ng Diyos. Ito ang tiyak na nakikita natin sa Biblia: Hinayaan ng Diyos si Isaac na ipanganak sa panahong itinakda Niya. Pinatutunayan ba ng mga katotohanan na ang asal at pag-uugali ng tao ay humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi humadlang ang mga ito sa gawain ng Diyos! Naapektuhan ba ang gawain ng Diyos ng maliit na pananampalataya ng tao sa Diyos, at ng kanyang mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa Diyos? Hindi, walang naging epekto ang mga ito! Ni kahit kaunti man! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, bagay, o kapaligiran ang plano sa pamamahala ng Diyos. Lahat ng Kanyang pinagpapasiyahang gawin ay makukumpleto na at matatapos sa oras at ayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao. Hindi binibigyang pansin ng Diyos ang ilang kahangalan at kamangmangan ng tao, at kahit ang ilan sa paglaban at pagkaintindi ng tao tungo sa Kanya ay hindi pinapansin; sa halip, ginagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin nang walang pag-aalangan. Ito ang disposisyon ng Diyos, at isang larawan ng Kanyang pagka-makapangyarihan." Mula sa siping ito makikita natin na nababasa ng Diyos ang puso ng tao. Alam Niyang gusto nating mga masamang tao na ituring ang mga salita mula sa Kanyang bibig na may tinatawag na likas na batas at ang ating mga pagkaunawa at imahinasyon. Pero hindi magbabago ang kapangyarihan Niya dahil sa mga imahinasyon at ideya natiin, at hindi mababago nino man o ng ano man ang mga bagay na itinalaga niyang matupad. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at higit pang isang larawan ng awtoridad ng Lumikha.
Pinagmumulan: Sundan ang mga Yapak ni Jesus
Ang haligi ng pag aaral ng bibliya ay magbibigay ng mga sagot sa lahat ng uri ng mga katanungan sa Bibliya, na makatutulong sa iyo na madaling mabasa ang Bibliya upang ang iyong espiritwal na buhay ay mabilis na lumago.
Rekomendasyon:
• Tagalog Bible App-Pag-aralan ang Biblia Anumang Oras at Mapalapit sa Diyos
• Ang Kwento ni Job: 3 Mga Paghahayag ng Kanyang Takot sa Diyos