Tagalog Rapture: Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Diyos Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?
Ang pinakamalaking pag-asam nating mga naniniwala sa Panginoon ay ang makapasok sa kaharian ng langit, kaya madalas nating iniisip kung gaano ba kaganda roon. Siyempre, kompyansa rin tayo tungkol sa ating pagpasok sa langit, dahil sinasabi sa Biblia: "Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan" (Colosas 1:14). Samakatuwid naniniwala tayo na ang mga kasalanan natin ay pinatawad na matapos tayong magkaro'n ng pananampalataya sa Panginoon, at hindi na tayo makasalanan. Naniniwala rin tayo na, pagdating ng Panginoon, iaangat tayo kaagad sa kaharian ng langit. Ang pag-iisip sa mga bagay na ito ang labis na nakakapagpasabik sa atin, at inaasam natin na magmadali na sa atin ang Panginoon. Ito rin ang inaasam ko noon. Pero kinalaunan, matapos makipagbahagi at makipagtalakayan tungkol sa bagay na ito kasama ang aking mga kapatid, meron akong bagong natuklasan, at gusto kong ibahagi sa inyo rito kung ano ang nakamit ko ...
Ang Tunay na Kahulugan ng Mapatawad ang Ating mga Kasalanan
Una sa lahat, kailangan nating maunawaan ang isang bagay: Ano ba ang eksaktong kahulugan mapatawad ang ating mga kasalanan? Pagdating sa bagay na ito, alam nating lahat na inihayag ng Diyos ang Kanyang mga batas at kautusan sa pamamagitan ni Moises sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa pamamagitan ng mga batas, ipinaalam Niya sa mga tao ang kasalanan, at pinahintulutan Niya ang mga tao ng panahong 'yon na malaman kung paano mamuhay sa lupa, paano mamuhay kasama ng iba at kung, nagkasala sila, dadanasin nila ang parusa ng Diyos. Tanging sa pag-aalay ng sakripisyo sa Diyos na Jehova maaaring mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Kagaya ng sinasabi sa Biblia, "Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ni Jehova na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila; Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya kay Jehova dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan" (Levitico 4:2-3). Kahit maaaring mapatawad ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa paggawa ng handog para sa kasalanan, sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, mas lalo pang nagiging tiwali ang sangkatauhan dahil kay Satanas, kaya hindi nila nasunod ang mga batas ng Diyos, wala nang ano mang handog para sa kasalanan ang magagawa nila na makakapagtubos sa kanila, at nasa panganib silang lahat na mapatay ng mga batas.
Ayaw ng Diyos na makita tayong lahat na pinapatay ng mga batas, kaya naging laman Siya at gumawa sa gitna ng tao sa anyo ng Panginoong Jesus. Pinangaral Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at hiniling Niya sa mga tao na magsisi at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan, hanggang sa wakas ay ipinako Siya sa krus at naging handog para sa kasalanan para sa lahat ng sangkatauhan. Gaya ito ng sinasabi sa Biblia, "Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan" (Mga Hebreo 10:10-11). Dahil sa pagtubos ng Panginoon, pinatawad ang ating mga kasalanan, at natakasan natin ang panganib na mapatay ng mga batas. Sa tuwing inaalala natin ang mga gawaing ito, nakakaramdam tayo ng hindi kapani-paniwalang pakiramdam ng sigla sa ating mga puso, dahil ang awa at kaluwagan ng Diyos ang nagpahintulot sa atin, sa sangkatauhan, na makaligtas hanggang sa mismong araw na 'to. Sinasabi ng Biblia, "Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya" (Efeso 1:7). Malinaw na pinatawad ang ating mga kasalanan dahil tinubos tayo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagpapapako alang-alang sa atin. Hindi na tayo pinarusahan ng mga batas ng Diyos at hindi na tayo tinangi bilang makasalanan, at sa wakas ay naging angkop na tayong lumapit sa Diyos at manalangin sa Kanya, para aminin ang ating mga kasalanan at magsisi, at tamasahin ang kasaganaan ng biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng mapatawad ang ating mga kasalanan.
Ang Mapatawad ba ang Ating mga Kasalanan ay Nangangahulugang Makakapasok tayo sa Kaharian ng Langit?
Pinatawad ng Panginoon ang mga kasalanan natin at hindi na tayo kinikilala ng Diyos bilang makasalanan. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na malaya na tayo sa kasalanan at karumihan. Kung iisipin natin itong mabuti, kahit naniniwala tayo sa Panginoon, nakakagawa at nakakapagsikap para sa Panginoon at nakikitang kumikilos tayo nang maayos sa panlabas, namumuhay pa rin tayo kung saan nagkakasala tayo sa araw at nagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa gabi-hindi pa natin naitatakwil ang katiwalian ng ating laman o napapalaya ang ating mga sarili mula sa impluwensya ni Satanas. Upang itala ang ilan lang sa mga halimbawa: Kapag gumagawa ang ibang tao ng isang bagay na laban sa ating mga interes, palagi nating inuuna ang sarili nating mga interes dahil sa ating makasarili at napakasamang kalikasan, at maaaring lumitaw ang poot sa atin para sa ibang tao, at hindi natin nagagawang mahalin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating mga sarili; kapag gusto nating isagawa ang mga salita ng Diyos at maging mga tapat na tao, tinatangka nating linlangin at lokohin ang iba nang hindi sinasadya alang-alang sa sarili nating mga interes; alam nating lubos na hinihiling sa atin ng Panginoon na maging mapagkumbaba, pero madalas pa rin tayong mapagmataas at mayabang, at hindi tayo nakikinig kanino man; alam nating lubos na sinabi ng Panginoong Jesus na hindi tayo makakapaglingkod sa parehong Panginoon at Mammon, pero naghahari pa rin sa atin ang kayamanan at mga kasiyahang materyal, minsan hindi tayo palaging nananalangin o dumadalo sa mga pagpupulong, at ilang mga kapatid ang sumusunod sa mga kalakaran ng mundo at nagiging mga maling mananampalataya na mga Kristiyano sa pangalan lamang.... Hindi ba pinatutunayan ng mga pag-uugaling ito na nabubuhay pa rin tayo sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at nabubuhay sa gitna ng katiwalian at kasalanan? Paano tayo, na nababalot ng karumihan sa kabuuan, ay makakatingin sa mukha ng Diyos? Sinasabi sa Biblia: "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35). Malinaw na nagsasalita rito ang Panginoon. Nabubuhay tayo sa isang masamang ikot ng pagkakasala at pangungumpisal, mga lingkod tayo ng kasalanan, at hindi tayo papapasukin ng Diyos sa Kanyang kaharian.
Kaya Paano Tayo Makakapasok sa Kaharian ng Diyos?
Sinasabi ng Diyos, "Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal" (1 Pedro 1:16). Sinasabi sa Pahayag 14:5: "At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis." At sinasabi sa Pahayag 3:18: "Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita." Nakikita natin mula sa mga salita ng Diyos at mula sa mga propesiya sa Pahayag na banal ang Diyos, at ang mga dinalisay lang ng Diyos at nagtanggal ng lahat ng karumihan at katiwalian ang makakapasok sa kaharian ng Diyos. Katulad nito, alam natin bilang katotohanan na imposible para sa atin na itakwil ang pagkaalipin ng kasalanan sa pag-asa lang sa ating mga sarili. Maaari ko bang itanong, sino ba sa atin mga kapatid sa Panginoon ang nais mabuhay sa kasalanan? Ayon sa ating sariling mga personal na kagustuhan, walang kahit isa sa atin ang nagnanais na mabuhay sa kasalanan. Pero palagi tayong gumagawa ng kasalanan nang hindi sinasadya at kinukumpisal 'yon at nakakaramdam ng sakit at kahinaan. Samakatuwid, kung gusto nating maalis ang ating mga sarili sa mga gapos at pagpigil ng kasalanan at madalisay, kailangan natin ang higit pang pagliligtas ng Diyos.
Sa pamamagitan ng isang maingat na pagsusuri sa Biblia, nakikita natin na iprinopesiya sa maraming lugar na magsasagawa ang Panginoon ng gawain ng paghatol sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan, halimbawa sa Unang Sulat sa Pedro 4:17, sinasabing: "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Sinasabi sa Juan 12:47-48: "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw." At sa Juan 16:8, sinasabing: "At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol." Mula sa mga kasulatang ito, nakikita natin na ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos sa mga huling araw ay gagawin ng nagbalik na Panginoong Jesus, at ang mga ugat ng kasalanan at makasalanang kalikasang dinadala natin sa loob natin ay dapat sumailalim sa paghatol at pagdalisay ng Diyos bago 'yon lubos na maalis.
Pero paano isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagdadalisay, at paano natin 'yon dapat maranasan? Hindi malinaw na sinasabi sa Biblia ang mga sagot sa mga tanong na ito, pero iprinopesiya ng Panginoon noong unang panahon: "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48). "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:11). Nakikita natin mula sa mga propesiyang ito na marami pang mga sasabihin sa atin ang Panginoon, at ang Espiritu ng katotohanan at darating sa mga huling araw para sabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan at misteryo, para hatulan ang ating mga kasalanan at ipakita sa atin ang paraan para makalaya sa kasalanan. Ang dapat nating gawin sa mahalagang panahong ito ay makinig sa mga salitang sinabi ng Diyos at hanapin at pag-aralan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dahil sa paggawa lang nito tayo magiging gaya ng mga matatalinong dalaga at masasalubong ang pagdating ng Panginoon, makakapagpiging kasama ang Panginoon, at madadalisay ng Diyos at maaakay sa kaharian ng Diyos.
Mahal na mga kapatid, sabihin natin ang panalanging ito sa Panginoon:
"O Panginoon! Hinihiling kong gabayan Niyo kami at pahintulutan kaming marinig ang mga salitang Inyong binibigkas at salubungin ang Iyong pagbabalik sa mga huling araw ..."
Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot--Mga Senyales ng Paghuhukom ay Lumitaw: Paano Tayo Mara-rapture Bago ang Malaking Kapighatian?
Rekomendasyon: