Maaari Ba Tayong Tunay na“Mabago sa isang Kisap-mata” at Ma-rapture sa Makalangit na Kaharian?

09.03.2021

Ang sabi sa Biblia, "Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin. Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan" (1 Corinto 15:52-53). Maraming mga tao ang naniniwala na kahit na nagkakasala pa rin tayo, ang Diyos ay makapangyarihan, at sa muling pagparito ng Panginoon ay babaguhin Niya tayo sa isang kisap-mata, babaguhin ang makasalanan patungo sa walang kasalanan, at pagkatapos ay ira-rapture tayo patungo sa kaharian ng langit. Ngunit mayroon bang anumang batayan para sa pananaw na ito sa mga salita ng Panginoon? Sa muling pagparito ng Panginoon, gagawin ba talaga Niya ang iniisip natin na gagawin Niya? Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain upang dalisayin ang tao sa mga huling araw? Ang mga katanungang ito ay direktang nauugnay sa mga mahahalagang isyu ng ating kapalaran at ng ating pangwakas na hantungan. Pagbabahagian natin ang bagay na ito sa ibaba.

"Ang Mabago sa Isang Kisap-mata" ay Salungat sa mga Salita ng Panginoon

Naniniwala tayo, ayon sa 1 Mga Taga-Corinto 15: 52-53, na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, babaguhin Niya tayong lahat sa isang kisap-mata, gawing banal tayo, at i-rapture tayo sa kaharian ng langit. Ngunit tama ba ang pananaw na ito? Sinabi ba talaga ng Panginoong Jesus ang gayong bagay? Sinabi ba talaga ng Banal na Espiritu ang gayong bagay? Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan, at ang mga salita lamang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad. Si Pablo ay isang tao lamang; hindi siya si Cristo. Ang mga salitang kanyang sinalita ay hindi ang katotohanan, at kaya hindi maiiwasan na mahaluan ito ng kalooban ng tao. Tungkol sa bagay na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at mai-rapture pataas sa makalangit na kaharian, dapat lamang nating sundin ang mga salita ng Diyos-ito lamang ang tamang bagay na dapat gawin. Kung ibabatay natin ang ating pag-unawa sa mga salita ni Pablo, gayunpaman, pinaniniwalaan na hindi aalalahanin ng Diyos kahit gaano pa tayo nagkakasala, at na sa pagbabalik ng Panginoon tayo ay agad Niyang babaguhin, gawing tayong banal, at i-rapture tayo patungo sa makalangit na kaharian, kung gayon paano matutupad ang propesiyang ito sa Pahayag? "Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa" (Pahayag 22:12). Ayon sa talatang ito, sa pagbabalik ng Panginoon, gagantimpalaan o parurusahan Niya ang bawat tao depende sa kanilang mga pagkilos. Nangangahulugan ito na mayroong direktang kaugnayan sa pagitan ng ating mga pagkilos at kung makakapasok o hindi tayo sa kaharian ng langit. Ayon sa ating sariling mga pananaw, gayunpaman, kahit na hindi natin sinusunod ang daan ng Panginoon at nabubuhay tayo sa kasalanan, wala pa ring dapat ikatakot. Naniniwala tayo na sa pagbabalik ng Panginoon, babaguhin Niya tayo sa isang kisap-mata at gagawin tayong banal, pagkatapos ay ira-rature tayo patungo sa kaharian ng langit. Walang kaugnayan anumang koneksyon sa pagitan ng kung gaano kabuti o ka-matuwid ang ating mga pagkilos at kung makakapasok o hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ngunit hindi ba maiiwan nito ang mga salita ng Panginoon na hindi natutupad, nang sinabi Niya, "upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa"? Bukod dito, iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag na darating ang Diyos sa mga huling araw upang paghiwalayin ang mga tupa mula sa mga kambing, trigo mula sa mga pansirang damo, at ang mabubuting lingkod mula sa masasamang mga lingkod. Kung ang lahat ay nagbago ng uri at na-rapture patungo sa kaharian ng langit, kung gayon ang pahayag tungkol sa mga kambing at tupa, ang trigo at mga pansirang damo ay magiging walang kahulugan, at paano kung gayon matutupad ang gawain ng Diyos na paghihiwalay ng bawat isa ayon sa kanilang uri sa huling mga araw? Samakatuwid makikita natin na kung hindi natin ibabatay ang ating pananalig sa Panginoon sa sariling mga salita ng Panginoon, ngunit sa halip ay ibase ito sa mga salita ni Pablo, taimtim na hinihintay ang Panginoon na dumating upang baguhin tayo sa isang kisap-mata at i-rapture tayo sa kaharian ng langit, kung gayon ang ating pananaw ay tumatakbo taliwas sa sariling mga salita ng Panginoon at iba sa Kanyang kalooban.

Paano Gumagawa ang Diyos upang Dalisayin ang Tao sa mga Huling Araw

Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus noon kung anong gawain ang gagawin Niya at kung paano Niya mababago ang mga tao upang sila ay madalisay sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw. Sabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Hindi ko idinadalangin na alisin Mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan Mo sila mula sa masama. ... Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan. ... At dahil sa kanila'y pinabanal Ko ang Aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan" (Juan 17:15-19). Bilang karagdagan, sinasabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Sinasabi sa atin ng mga talatang ito na sa pagbabalik ng Panginoon, gagawin Niya, alinsunod sa ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, ipapahayag ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos; Gagabayan Niya ang mga tao na maunawaan at makapasok sa lahat ng katotohanan, at gagamitin Niya ang katotohanan upang baguhin at dalisayin ang mga tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsasa-ilalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos maaari nating maiwaksi ang mga gapos ng kasalanan, madalisay, at makapasok sa kaharian ng langit. Ang Panginoong Jesus ay matagal na mula nang bumalik bilang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, ay ipinahayag Niya ang maraming mga katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay ng mga tao, na nagpapahintulot sa atin na malutas ang ating makasalanang kalikasan ng lubusan, maiwaksi ang kasalanan, at makapasok sa kaharian ng langit. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na tinutupad ang mga iprinopesiya na sinasalita ng Panginoong Jesus.

Paano nga ba ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol upang dalisayin at mailigtas ang mga tao? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos."

"Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay."

Ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos na maunawaan na ang Kanyang gawain ng paghatol upang dalisayin at mailigtas ang mga tao sa mga huling araw ay hindi kasing simple ng iniisip natin. Sapagkat malalim tayong napinsala ni Satanas at mayroon tayong mga satanikong disposisyon na tulad ng pagmamataas at pagmamayabang, pagkamakasarili at kabuktutan, kasamaan at kasakiman na malalim na nakaugat sa loob natin, madalas na hindi natin maiwasan na magkasala at labanan ang Diyos. Lubusan tayong lilinisin at babaguhin ng Diyos, ang lubhang tiwaling tulad natin, at gagawin tayong mga taong gumagalang at sumusunod sa Diyos, at kaya ay kinakailangan Niyang ipahayag ang katotohanan upang hatulan at linisin tayo. Upang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang maalis natin ang ating sarili sa katiwalian at madalisay ay nangangailangan ng isang pangmatagalang proseso. Sa mga huling araw, samakatuwid, at ayon sa ating mga pangangailangan, ipinapahayag ng Diyos ang lahat ng mga aspeto ng katotohanan upang hatulan at dalisayin tayo. Hindi lamang huhusgahan at ilalantad ng Diyos ang ating satanikong kalikasan na naghihimagsik at sumasalungat laban sa Diyos, ngunit sinabi rin sa atin kung ano ang hinihiling Niya sa atin, tulad ng kung paano tayo dapat mamuhay ng may normal na wangis ng tao, kung paano natin dapat sundin at igalang ang Diyos, at paano tayong maging matapat na tao. Tanging pagkatapos lamang na sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ay makikilala natin ang katotohanan ng ating katiwalian at magsimulang makilala ang ating mga satanikong disposisyon tulad ng pagmamataas at pagiging makasarili. Kasabay nito, nalalaman din natin ang banal na sangkap ng Diyos at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi tinatanggap ang anumang pagkakasala, at sa gayon lamang ang ating determinasyon na mapoot sa ating sariling laman ay lilitaw, at tayo ay handang tunay na magsisi sa Diyos at pangasiwaan ang ating mga sarili at gumawa ng mga bagay alinsunod sa katotohanan. Sa ganitong paraan at kahit na hindi natin sinasadya ito, maiwawaksi natin ang mga gapos ng kasalanan at magawang mabuhay ng may tunay na wangis ng tao.

Ngayon ay halos 30 taon na mula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain. Nakagawa na Siya ng isang pangkat ng mga mananagumpay bago dumating ang mga malaking sakuna, at maraming mga karanasang patotoo ng mga nakaranas ng gawain ng paghatol ng Diyos at yaong ang tiwaling disposisyon ay sumailalim sa pagbabago ay makikita na ngayon sa pampubliko sa online-ito ang mga bunga na dala ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kumpara sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang maikling panahong ito nang halos 30 taon ay maaaring ilarawan bilang mabilis, tulad ng sinasabi nito sa Biblia: "Ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw" (2 Pedro 3:8). Kung sasabihin natin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay babaguhin Niya ang mga tao sa isang iglap at sa kisap-mata, ang nasabing pahayag ay ganap na naaangkop kapag tinutukoy ang mga bunga ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ito ay buong inihahayag ang karunungan at kadakilaan ng Diyos.

Sa pagkakaloob ng fellowship hanggang sa puntong ito, nagtitiwala ako na maiintindihan ng lahat na, kung nais nating madalisay at makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon ang tanging paraan upang gawin ito ay ang pagtanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kaya't hindi ba natin maiwawaksi ngayon ang ating mga di-pangkaraniwan na imahinasyon at tanggapin ang kasalukuyang gawain ng Diyos?


Ang mga sakuna ay palala ng palala. Paano tayo maraptured sa mga sakuna? Basahin ang rapture bible verse tagalog at pagkatapos ay maaari mong hanapin ang landas at maraptured sa harap ng Diyos sa lalong madaling panahon.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar