Paano Makikilala ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Pagbabalik ngDiyos
Tanong: Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.
Sagot: Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Ang kataasan ng ating mga katangian o tagal ng ating karanasan ay hindi kabilang dito. Sa paniniwala kay Panginoong Jesus, ano ang nadarama natin sa pakikinig sa Kanyang salita? Kahit wala tayong alam o karanasan sa salita ng Panginoon, kapag narinig natin ito, dama nating totoo ito, na may kapangyarihan at awtoridad ito. Paano ito nadarama? Dahil ba sa ating karanasan? Epekto ito ng inspirasyon at intuwisyon. Sapat na patunay ito na nadarama ng taong may puso't diwa na may kapangyarihan at awtridad ang salita ng Diyos; ito ang pagdinig sa tinig ng Diyos. At ang pinakamalaking pagkakaiba ng tinig ng Diyos at tinig ng tao ay ang tinig ng Diyos ang katotohanan at may kapangyarihan at awtoridad; agad natin itong nadarama. Kahit nailalarawan natin ito sa salita, damang-dama ito. Mas madaling makilala ang tinig ng tao; pagkarinig natin dito ay dama nating nauunawaan at nakakamit ito. Wala tayong nadaramang kapangyarihan o awtoridad sa salita ng tao, at ni di natin mapagtitibay na katotohanan nito. Ito ang malaking kaibhan ng salita ng Diyos at salita ng tao. Halimbawa, nakikita nating may kapangyarihan at awtoridad ang salita ng Panginoong Jesus; pagkarinig dito'y alam nating katotohanan ito, malalim at mahiwaga ang mga ito. Ngayon, ang salita naman ng mga apostol sa Biblia. Kahit karamihan ay mula sa liwanag na dulot ng Banal na Espiritu, wala itong awtoridad o kapangyarihan. Tama lang ang mga ito, mga salitang pakikinabangan ng tao. Talakayin din natin, mabibigkas ba ng tao ang mga salita ng Panginoong Jesus? Walang makagagawa nito. Ang salita ng Panginoong Jesus ang tinig ng Diyos. Sa ganitong paghahambing, di ba natin nakikita ang kaibhan ng tinig ng Diyos, at ng tinig ng tao?
Kaya panoorin naitn ang video ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Makinig tayo at tingnan kung katotohanan at tinig ng Makapangyarihang Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni't nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa takbuhan ng mga tao nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa't ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa 'Bundok ng mga Olivo' ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang 'sanggol' na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa't bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa't dila, bawa't tao'y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa't tao ay magpasakop sa Akin!" ("Dumadagundong ang Pitong Kulog-Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago-ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy- iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila'y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.
... Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat nang may nakikitang anyo na nagtitipon ayon sa uri nito. Dahil sa malapit nang dumating ang pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang oras ay dumating na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay dapat nang bumagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay dapat hindi na umiral ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming mga bagay ng paglikha! Kayong lahat ay makakakuha ng bagong buhay sa loob ng Aking mga salita, kayo ngayon ay may Pinakamakapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang dungis na bagong mundo! Ikaw ay siguradong muling mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok Zion! Huwag na muling manahimik. Ako'y nagbalik nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisayat Kong mabuti ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsimula ng isang bagong buhay, nagkamit ng bagong pag-asa. Ah, ang Aking bayan! Paanong hindi kayo babalik sa buhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang tubig ay tahimik na may masayahing pagtawa! Ah, ang muling nabuhay na Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng karangalan sa halaga ng Aking paunang patutunguhan? Sino ang umiyak? Sino ang humagulgol? Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! Tiyak hindi mo pa rin kayang manindigan laban sa Akin? Paano mo nagawang samantalahin ang Aking awa at sumubok na makatakas sa Aking kaparusahan? Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan? Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka't ako'y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!" ("Ang Ikadalawampu't-anim na Pagbigkas" ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos; dama nating nagsasalita Siya sa lahat ng tao. Bukod sa Diyos, sino ang makapagsasalita sa sangkatauhan? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa pakay Niyang iligtas ang mga tao? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa plano ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw at sa resulta a t destinasyon ng tao? Sino ang makapagsasabi ng mga batas ng pamamahala ng Diyos? Wala, maliban sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasalita sa lahat ng tao at ipinadarama sa tao ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos; ang Kanyang salita ay direktang pahayag ng Diyos, ito ang tinig ng Diyos! Lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay parang ang Diyos ay nakatayo sa ikatlong langit at nagsasalita sa lahat, nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan bilang Manlilikha, ipinakikita sa tao ang Kanyang di nasasaktang disposisyon ng pagkamakatwiran at pagkamaharlika. Kapag naririnig ng tupa ng Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos, kahit na di nila nauunawaan ang katotohanan nito sa simula, at kahit wala silang karanasan ukol dito, dama nila na bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad at natitiyak na ito ang tinig ng Diyos at ang direktang pagbigkas ng Espiritu ng Diyos. Kailangan lang marinig ng taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos para matiyak na ito ay Kanyang tinig. Bakit kinokondena ng mga pastor at elder na iyon ang Makapangyarihang Diyos? Tungkol sa mga anticristo na di kumikilala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at di inaamin na kayang bigkasin ng Diyos ang katotohanan, kahit nakikita nila ng katotohanang binibigkas ng Diyos at damang may kapangyarihan at awtoridad ang Kanyang salita, di pa rin sila naniniwala na makapagsasalita ang Diyos sa ganitong paraan at hindi inaamin na lahat ng sinasabi ng Diyos ay totoo. Ano ang isyu dito? Alam ba ninyo? Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay nangungusap sa lahat, ngunit ilan ang nakaririnig sa tinig ng Diyos? Sa ngayon maraming relihiyon ang nakakakita na nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos, pero di nila mahiwatigan na ito ang tinig ng Diyos; itinuturing pa nilang salita ng tao ang salita ng Diyos, at lumalayo pa na ginagamit ang mga pagkaintindi ng tao para hatulan, siraan at ikondena Siya. Ang mga tao bang ito'y may takot sa Diyos? Hindi ba sila katulad ng mga Fariseo noon? Galit silang lahat sa katotohanan at kinokondena ang Diyos. Ang salita ng Diyos ay may awtoridad, kapangyarihan, at di nila naririnig kahit kaunti na ito ang tinig ng Diyos. Ang ganito bang tao ay maaaring maging tupa ng Diyos? Ang bulag ang kanilang puso; kahit naririnig nila, hindi nila alam, at kahit nakikita nila, di nila nauunawaan. Paano magiging marapat man lang na madala ang gayong mga tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay bumigkas ng katotohanan, at inilantad ang tao sa mga relihiyon: ang mga tunay na mananampalataya at ang huwad, ang mga nagmamahal sa katotohanan at ang mga nasusuklam dito, ang matatalino at mangmang na dalaga. Lahat ng tao ay nahahati, bawat isa sa kanilang mga uri. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Lahat ng masasama ay kakastiguhin ng mga salita sa bibig ng Diyos, ang lahat ng mabubuti ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig ..." ("Dumating na ang Milenyong Kaharian" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dahil dito, ang mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ay nakasalubong sa ikalawang pagdating ng Panginoon, at dinala sa harapan ng trono ng Diyos at dumadalo sa hapunan ng kasal ng Cordero. Ang mga taong ito ang matatalinong dalaga, at ang pinaka-mapalad sa sangkatauhan.
Para marinig ang tinig ng Diyos dapat tayong makinig sa puso at diwa. Katulad ng mga kaisipan na madaling nauunawaan ng bawat isa. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, may kapangyarihan at awtoridad ang mga ito; ang mga may puso at diwa ay tiyak na madarama ito. Maraming tao, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa loob lamang ng ilang araw, ay mapagtitibay na ito ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga pagbigkas. Sa tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos dumarating Siya upang gawin ang isang yugto ng gawain; hindi tulad ng mga propeta na, sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos, ay inihahatid ang kaunting salita sa isang partikular na konteksto. Kapag nagkakatawang-tao ang Diyos para gumawa, bumibigkas Siya ng maraming salita; ng maraming katotohanan, ibinbunyag ang mga hiwaga at propesiya. Kailangan ng maraming taon o mga dekada para makumpleto. Halimbawa, ang gawain ng pagtubos, unang sinabi ng Panginoong Jesus "Mangagsisi kayo: sapagkat ang kaharian ng langit ay narito na," (Mateo 4:17) at tinuruan ang tao ng pagkumpisal, pagsisisi, pagpapatawad, pagtitiis at pagdurusa at pagpasan ng kanyang krus, at ng iba pang dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinakita Niya ang disposisyon ng pag-ibig at awa ng Diyos, at ibinunyag din ang hiwaga ng kaharian ng langit, at mga kondisyon kung paano tayo papasok dito; noon lang ipako Siya sa krus, nang muli Siyang mabuhay, at umakyat sa langit nakumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay lahat ng katotohanang bigay ng Diyos sa tao sa Kanyang gawain ng pagtubos. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw, at binigkas ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa tao. Ginawa Niya ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at ibinunyag sa tao ang Kanyang likas na disposisyon at pagkamatuwid. Ibinunyag Niya ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala na umabot ng anim na libong taon. Binuksan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay likas na pagbuhos ng diwa ng buhay ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang disposisyon; ito ang buong gawain ng salita ng Diyos sa mga huling araw para lubusang linisin at iligtas ang tao. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakinggan kung ito ang katotohanan at tinig ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian" ("Punong Salita" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba't ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. ... Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos" ("Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali't hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka't pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali't ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawa't isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni't hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni't napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa mga huling araw binibigkas ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang paghatol. Ibinubunyag ng Kanyang salita ang diwa at tunay na kalagayan ng katiwalian ng lahat ng tao; ganap nilang inilalantad ang bawat pagkalaban ng tao sa Diyos at ang pagkababad ng tao sa makademonyong disposisyon, at ipinakikita nito sa tao ang di nasasaktang disposisyon ng kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos. Nakita ng tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at isa-isang bumaling sa Diyos, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan para hatulan ang tao, at nagpapatupad muna ng paghatol at pagkastigo sa Kanyang mga salita sa lahat ng sumasampalataya sa Diyos, at inilalantad ang tunay na kalikasan at totoong pangyayari sa relihiyon na nagsasabing naniniwala sila sa Diyos pero kinakalaban ang Diyos. Tingnan natin kung paano ito ipinaliwanag ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na pag-alala sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia, at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos, ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob ng pagkalaki-laking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa awa ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang humihingi ng walang katapusang pabor sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga suwail sa Akin-paano sila magiging kaayon sa Akin?" ("Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagkakanulo, at panlilinlang. Samakatuwid, gaano karaming hindi dalisay na pag-ibig ang nasa inyo? Naniniwala kayong isinuko na ninyo ang sapat para sa Akin; naniniwala kayo na ang inyong pagmamahal para sa Akin ay sapat, nguni't bakit ang inyong mga salita at kilos ay lagi pa ring nagdadala ng paghihimagsik at panlilinlang? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo kinikilala ang Aking salita. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit tinatakwil ninyo Ako. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo nagtitiwala sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo matanggap ang Aking presensya. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo Ako tinuturing na talagang Ako, at gumagawa ng mga bagay na mahirap para sa Akin sa bawat pagbaling. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit itinuturing ninyo Ako na hangal at nililinlang Ako sa bawat bagay. Maituturing ba ito na pag-ibig? Naglilingkod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo takot sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Tinututulan ninyo Ako sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay. Maituturing ba ang lahat ng ito na pag-ibig? Kayo ay nag-sakripisyo nang malaki, ito ay totoo, gayon pa man hindi ninyo kailanman isinabuhay kung ano ang hinihiling ko sa inyo. Maaari ba itong ituring na pag-ibig? Ipinapakita ng maingat na pagbalik-tanaw na wala kahit isa man lang hiwatig ng pag-ibig para sa Akin ang nasa inyo. Pagkatapos ng maraming taon na ito ng gawain at sa dami ng mga salitang ibinigay ko, gaano ba karami ang aktwal niyong tinanggap? Hindi ba ito nangangailangan ng isang maingat na pagbalik-tanaw?" ("Marami ang mga Tinawag, Datapuwa't Kakaunti ang mga Nahirang" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay upang matupad ang inyong mga motibo sa pamamagitan ng paggamit sa Diyos. Hindi ba ito higit pang patunay nang inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos? Naniniwala kayo sa pagkakaroon ng Diyos na nasa langit ngunit ayaw tanggapin ang Diyos na nasa lupa. Gayunpaman, hindi Ko pinapayagan ang inyong mga palagay. Ang Aking pinapupurihan ay ang mga taong nananatiling matatag na pinaglilingkuran ang Diyos na nasa lupa, hindi kailanman yaong hindi kinilala kailanman ang Cristo sa lupa. Walang halaga kung gaano katapat ang mga tao sa Diyos na nasa langit, sa katapusan, hindi pa rin sila makakaligtas sa Aking kamay na nagpaparusa sa mga makasalanan. Yaong mga taong makasalanan; sila ay makasalanan na lumalaban sa Diyos at hindi kailanman nagalak sa pagsunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi kilala, at lalong higit, hindi kinikilala si Cristo" ("Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin" ("Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nakilala natin mula sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita ang ating pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili at panlilinlang at sa lahat ay pinagtataksilan natin ang ating makademonyong disposisyon. Kahit maaari nating gugulin ang ating sarili, magtiis, at bayaran ang halaga para sa Diyos, wala tayong tunay na pagsunod sa Diyos, at mas lalong wala tayong tunay na pagmamahal para sa Kanya. Kapag may pagsubok at kahirapan, maaaring magreklamo pa tayo sa Diyos, at paghinalaan ang Diyos, at ikaila Siya. Itinutulot nito na makilala natin na tayong lubhang natiwaling mga tao ay mayroon lahat ng likas ni Satanas. Kung ang ating makademonyong likas, at makademonyong disposisyon ay hindi madadalisay, walang paraan para makamit ang tunay na pagsunod sa Diyos, at tunay na pagmamahal sa Diyos. Noon, akala natin naniwala tayo sa Diyos nang maraming taon, isinuko ang mga bagay at ginugol ang ating sarili para sa Diyos, nagtrabahong mabuti, kaya naging mabuti tayo, at naging mga taong nagmahal at sumunod sa Diyos. Pagkatapos lang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos natin nabatid, bagamat sa panlabas ay nagtrabaho tayong mabuti para sa Panginoon, gayunman madalas pa rin tayong nagsisinungaling at nililinlang ang Diyos, naglilingkod sa Diyos sa ating bibig, nananatiling matigas sa ating palagay, nang-aagaw ng pansin, at nagyayabang. Sa huli natanto natin na ang pagsisikap at paggugol natin ay para lang mapagpala, makapasok sa kaharian ng langit, na lahat ng ito ay pakikipagtawaran sa Diyos. Paano ito magiging tunay na pagsunod sa Diyos! Lalong hindi ito pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos! At, di tayo nahiyang magsabi na mahal na mahal natin ang Diyos, at na masunurin tayo sa Diyos. Talagang wala itong saysay; hindi ito tungkol sa Diyos. Sa pahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, nakikita natin na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay, at natatakot at nanginginig ang ating puso kapag nadarama natin ang Kanyang matinding kabanalan, pagkamatuwid at na ang Kanyang disposisyon ay di nasasaktan. Dama nating dahil makademonyo tayo, nahihiya tayong makita ang Diyos, hindi marapat na mamuhay sa Kaniyang harapan, at lumuluhod tayo sa lupa, tumatangis sa pagsisisi, na isinusumpa pa ang ating sarili, at sinasampal ang sarili. Noon lang natin nakikita na namumuhay tayo sa makademonyong disposisyon araw-araw, at di talaga namuhay na tulad ng isang tao, at hindi karapat-dapat na tawaging tao. Kapag naranasan natin ang maraming paghatol at pagkastigo, pagsubok at pagpipino, at ang ilang pagpupungos at pakikitungo, doon natin unti-unting mauunawaan ang ilang katotohanan, at tunay na makikita ang katotohanan ng ating katiwalian. Sa oras na iyon mayroon tayong tunay na kaalaman sa Diyos, at sa wakas ay magsisimulang magpitagan sa Diyos at isuko ang ating puso sa Diyos. Ito lamang ang pagpasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Lahat ng ito ay bunga ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung di dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, di sana natin nakita ang tunay na larawan ng ating matinding katiwalian na gawa ni Satanas, di sana natin nalaman ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos, at di rin sana natin nalaman kung paano palalayain ang ating sarili sa mga gapos ng kasalanan at ng pamumuno nito sa atin upang maging masunurin sa Diyos. Kung hindi dahil sa istriktong paghatol ng salita ng Diyos, di natin malalaman ang Kanyang matuwid, maringal at di nasasaktang disposisyon; ni hindi tayo magkakaroon ng pusong may takot sa Diyos, at ni hindi magiging isang taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ito ang totoo. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, sino ang makagagawa ng paghatol sa mga huling araw? Sino ang makapagpapakita sa tao ng banal, matuwid, at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos? Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, kaninong salita ang magkakaroon ng gayong kapangyarihan at awtoridad para tayo mahatulan, linisin, at iligtas sa ating matinding katiwalian sa kasalanan? Ang salita at gawain ng Diyos ay ganap na nagpapakita ng Kanyang katayuan at identidad bilang Diyos, at nagpapakita sa Kanya bilang Manlilikha, at ang pagpapakita ng isang tunay na Diyos! Nakilala natin ang tinig ng Diyos sa pananalita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita ang pagpapakita ng Diyos. Bakit napakaraming tao sa ilang taon na nakalilipas na iniiwan ang lahat para ipalaganap at magbigay saksi para sa salita ng Makapangyarihang Diyos? Bakit napakaraming tao ang nagsasapalaran kahit mahuli, apihin, at patayin pa ng gobyernong CCP habang wala silang sinasayang na pagsisikap sa pagpapalaganap at pagbibigay ng saksi para sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? Bakit mas minabuti ng napakaraming tao na tiisin ang maiwanan, mapahiya, maglaho, at makondena ng mga tao ng relihiyon para makapunta sila sa bawat pintuan at ipalaganap ang ebanghelyo sa kanila? Ito ay dahil sa narinig nila ang tinig ng Diyos, at sinalubong ang pagpapakita ng Diyos. Natugunan nila ang mga hinihingi ng Diyos, at inihahatid ang mensaheng, "Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Ito ba ang Panginoon na kumakatok sa pintuan? Ito talaga ang Panginoon na kumakatok sa ating pintuan! At bubuksan ba natin ang pinto para sa Panginoon? Kaya nga, kapag nagsugo ang Panginoon ng mga tao upang kumatok sa ating mga pintuan, dapat ba nating hanapin at siyasatin ang totoong daan, at hangaring marinig ang tinig ng Panginoon?
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Rekomendasyon:
• Ano ang Kahulugan ng "Ako ang Daan, at ang Katotohanan, at ang Buhay"?
• Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo: 5 mga Propesiya sa Bibliya Natupad na
• Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon