Bakit Hindi Tayo Kailanman Makakatakas sa Mga Gapos ng Kasalanan Bagaman Madalas tayong Manalangin at Magkumpisal sa Panginoon?

10.12.2020
Panalangin
Panalangin

"Madalas akong manalangin at magkumpisal sa Panginoon at ginagawa ang aking makakaya upang pigilan ang aking sarili, ngunit bakit hindi ko pa rin magawang makalaya sa pagkaalipin ng kasalanan? Paano nga ba ako hihinto sa pagkakasala?" Ito ang mensahe na ipinadala sa amin ng isang kaibigan mula sa Pilipinas. Tungkol sa katanungang ito, tingnan muna natin ang mga salita ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang pagpapakita ng pagmamataas ay paghihimagsik at pagsalungat sa Diyos. Kapag ang mga tao'y mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at mapagmalinis, malamang magtayo sila ng kani-kanyang mga nagsasariling kaharian at gawin ang anumang gusto nila. Inaakay din nila ang iba na magpakontrol sa kanila at magpasakop sa kanila. Kapag kayang gawin ng mga tao ang ganitong mga bagay, ang diwa ng kanilang pagmamataas ay yaong sa arkanghel. Kapag naaabot ng kanilang pagmamataas at pagpapahalaga sa sarili ang isang partikular na antas, samakatuwid naaalaman mula rito na sila ang arkanghel at isasantabi ang Diyos. Kung mayroon ka ng ganitong uri ng mapagmataas na disposisyon, kung gayon hindi magkakaroon ng lugar ang Diyos sa iyong puso."

"Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay"

Mula sa mga salita ng Diyos, nakikita natin na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus at pinatawad ang ating mga kasalanan, ngunit ang ating makasalanang kalikasan ay nananatili pa rin sa loob natin. Maraming mga tiwaling disposisyon, tulad ng kayabangan at pagmamataas, kabuktutan at pandaraya, pagkamakasarili at kawalang-dangal, ay nakaugat sa atin. Wala tayong kakayahang mapagtagumpayan ang mga kasalanan, kaya't patuloy tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos nang hindi sinasadya kahit na paano tayo manalangin o pigilan ang ating sarili. Kung gayon paano natin matatanggal ang pagkaalipin ng kasalanan? Ang susi ay tanggapin ang gawain ng pag-aalis ng mga kasalanan na gagawin ng Panginoon pagdating Niya sa mga huling araw. Sa gayon lamang natin mahahanap ang solusyon sa pagkakasala at magkaroon ng pagkakataong madalisay at makapasok sa kaharian ng langit.


Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos? Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar