Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit kung Madalas Tayong Nagkakasala? Paano Natin Mapapalaya ang Ating Sarili sa Kasalanan?
T: Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit kung Madalas Tayong Nagkakasala?
S: May ilang mga kapatid ang nag-iisip, "Ang handog sa kasalanan ng Panginoong Jesus ay mabisa magpakailanman. Hindi alintana kung ano ang kasalanan na ating nagagawa, basta't ikinukumpisal at nagsisisi tayo sa Panginoon, gayon ay matatamo natin ang kapatawaran ng Panginoon at sa huli ay makakapasok tayo sa kaharian ng langit." Ngunit tama ba ang pananaw na ito? Mayroon bang batayan para sa pananaw na ito sa mga salita ng Diyos? Ayon sa pananaw na ito, parang, sa sandaling naniniwala tayo sa Panginoon, walang dapat alalahanin kahit gaano pa tayo nagkakasala, sapagkat palagi tayong patatawarin ng Panginoon at ang handog sa kasalanan ng Panginoong Jesus ay mabisa magpakailanman. Kung totoo ito, kung gayon paano maipapaliwanag ang mga sumusunod na talata? "Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway" (Mga Hebreo 10:26-27). Bukod pa, ito'y nabanggit sa Pahayag, "Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa" (Pahayag 22:12). Kapag bumalik ang Panginoon, gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang masama depende sa mga gawa at pag-uugali ng bawat indibidwal. Ipinropesiya din ng Panginoong Jesus na darating Siya sa mga huling araw upang paghiwalayin ang mga tupa sa mga kambing, trigo mula sa mga pansirang-damo, at ang mabubuting lingkod mula sa masasamang lingkod, at kung sa huli ay pupunta tayo sa langit o sa impiyerno sa ating paniniwala sa Diyos ay direktang nauugnay sa kung nagsasagawa ba tayo ng mga salita ng Panginoon at sumusunod sa paraan ng Panginoon. Ayon sa ating mga pananaw, gayumpaman, tila sinasabi natin na patatawarin tayo ng Panginoon di alintana kung sinusunod man natin o hindi ang Kanyang paraan at anuman ang mga kasalanan na ating ginagawa. Hindi ba iyan nagpapawalang-saysay sa mga salita ng Panginoong Jesus na "upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa?" Dahil pinanghahawakan nila ang ganitong uri ng pananaw, maraming mga kapatid ang hindi nagbibigay pansin sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o pagsunod sa mga utos ng Panginoon. Mas lalo pa silang nagiging mas tiwali, mas iniiwasan pa nila ang Panginoon, at namumuhay sila sa isang estado ng pagkakasala at pagkumpisal kung saan hindi nila matakasan. Naaayon ba sa kalooban ng Diyos na magpatuloy sa ganitong paraan? Sabi ng Diyos, "Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35). Sinasabi rin ng Biblia, "Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan" (Pahayag 22:15). "Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios" (Efeso 5:5). Mauunawaan natin mula dito na ang Diyos ay banal at na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay walang pagkakasala. Kung hindi natin maiwaksi ang mga gapos ng kasalanan at madalas na may kabatirang nakagagawa ng kasalanan, gayon kamumuhian at tatanggihan tayo ng Diyos dahil sa pagkakasala at paglaban sa Kanya. Tayo'y hindi makapapasok sa kaharian ng langit magpakailanman.
Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa ating mga kasalanan, ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin ng "mga kasalanan" dito? Kadalasan, nangangahulugan ito ng mga makasalanang gawa na lumalabag sa mga batas at utos ng Diyos at sumasalungat sa mga salita ng Diyos. Ito ay tiyak dahil ang mga tao ay may kakayahang lumabag sa mga batas at utos ng Diyos at nahaharap sa pagkondena at kaparusahan ng mga batas na dumating ang Panginoong Jesus upang maisagawa ang gawain ng pagtubos at ipinako sa krus para sa lahat ng sangkatauhan, na dinala sa Kanyang sarili ang lahat ng ating mga kasalanan. Pagkaraan nito, hangga't ang isang tao ay nananalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkumpisal at nagsisi, kung gayon ang kanilang mga kasalanan ay pinatatawad at hindi na sila napapailalim sa pagkondena at mga pagparusa ng mga batas. Hindi na rin ituturing ng Diyos ang taong iyon na isang makasalanan, at maaari na silang manalangin at tumawag sa Diyos nang direkta at matamasa ang saganang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Ito ang kaligtasan na nakamit ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, "Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni't sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa." "Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon."
Nauunawaan natin mula sa talatang ito na ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagtubos na kung saan pinatawad lamang ang mga kasalanan ng tao na lumalabag sa mga batas, at hindi pinatawad ang tao sa kanyang panloob na makasalanang kalikasan. Sa ilalim ng pagkontrol ng ating satanikong, makasalanang kalikasan, napupuno tayo ng lahat ng uri ng mga satanikong disposisyon, tulad ng pagmamataas, kapalaluan, kabuktutan, panlilinlang, pagiging makasarili at kawalang-dangal. Lahat ng mga bagay na tinatamasa natin at ipinapamuhay ay mga bagay na sumasalungat sa Diyos, at hindi ni isa man sa mga ito ay naaayon sa Diyos. Kunin ang ating panloob na pagkamakasarili at kasuklam-suklam na disposisyon, halimbawa. Kapag nagsasalita tayo at kumikilos, nagagawa lamang natin ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang at paggawa ng mga plano para sa ating sariling interes, at nagdurusa at ginugugol natin ang ating mga sarili sa pananampalataya sa Diyos upang makakuha ng mga pagpapala. Kapag ang lahat ay komportable at madali sa ating kapaligiran at lahat ay maayos sa bahay, pinasasalamatan natin ang Diyos, ngunit sa sandaling tamaan tayo ng sakit o kahirapan, nagsisimula nating sisihin ang Diyos, at ang ilang mga tao ay umaabot hanggang sa pagtalikod sa Diyos. Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, nabubuhay tayo ayon sa ating mapagmataas na mga disposisyon at lagi nating ninanais na pakinggan ng iba ang sinasabi natin, ngunit kapag ang iba ay hindi nakikinig sa atin, nagagalit tayo at sinisiraan sila. Sapagkat mayroon tayong malisyosong kalikasan, nagseselos tayo kapag nakikita na ang isang tao ay mas magaling kaysa sa atin, at maaari ring hindi sila isali at salakayin sila. Ilan lamang ito sa mga halimbawa. Maliwanag na ang ating panloob na mga satanikong disposisyon tulad ng pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili, kasakiman, kabuktutan at panlilinlang ay mga bagay na mas malalim at higit pa kaysa sa kasalanan, at ang mga ito ang ugat na sanhi ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos. Kung ang mga satanikong tiwaling disposisyon na ito ay nananatiling hindi nalulutas, gayon ay may kakayahan tayong madalas na magkasala, labanan ang Diyos at ipagkanulo ang Diyos, hanggang sa huli ay hindi na tayo makapapasok sa kaharian ng langit. Tulad ng sinasabi ng Biblia, "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan" (Roma 6:23).
T: Paano Natin Mapapalaya ang Ating Sarili sa Kasalanan?
S: Kaugnay sa katanungang ito, tingnan natin ang ilang mga talata sa Biblia: "Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya" (Mga Hebreo 9:28). "Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon" (1 Pedro 1:5). Makikita mula sa mga talatang ito na inihanda ng Diyos ang Kanyang kaligtasan para sa atin sa mga huling araw upang mapalaya natin ang ating sarili sa kasalanan, at na ang kaligtasan na ito sa mga huling araw ay napakahalagang kaligtasan na lulutas sa ating makasalanang kalikasan. Kaya ano itong kaligtasan sa mga huling araw? Minsang iprinopesiya ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). At sabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Sabi ng mga salita ng Diyos, "Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni't hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni't ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan." "Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag." Malinaw na sinabi ng mga salita ng Diyos. Upang hayaan tayo na makalaya mula sa mga gapos ng ating satanikong kalikasan nang lubusan, ang Diyos ay maglulunsad ng isang yugto ng gawain sa mga huling araw upang hatulan at linisin ang tao. Ipapahayag Niya ang maraming mga aspeto ng katotohanan upang ilantad ang mga tiwaling disposisyon na nakatago sa loob natin upang malaman natin ang ating satanikong kalikasan at sa gayo'y mapoot sa ating tiwaling disposisyon, magsanay alinsunod sa mga salita ng Diyos at unti-unting makamit ang pagbabago. Kapag nangyari iyon, magkakaroon tayo ng pag-unawa sa mga di-makatarungang bagay na ito, at malalaman natin kung ano ang nakalulugod sa Diyos at kung ano ang kinamumuhian ng Diyos; nagkakaroon tayo ng totoong kaalaman tungkol sa Diyos, ang ating satanikong kalikasan ay hindi na kokontrol sa atin, ang ating panloob na mga tiwaling disposisyon ay mahahalinhinan ng katotohanan, tayo ay nakapamumuhay sa mga salita ng Diyos, hindi na tayo magrerebelde o kumakalaban sa Diyos, at tayo ay tunay na nagpapasakop at gumagalang sa Diyos. Ito ang mga epekto na nakamit sa atin ng Diyos sa pagsasagawa ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Halimbawa, kapag nagkamali ang isang bata, nais ng mga magulang ng bata na iwasto ang kanilang pagkakamali. Kung gayon kinakailangan nilang magsalita sa bata nang napakahusay at kung minsan pati na magsalita ng mabagsik at pagkastigo at disiplinahin ang kanilang anak. Ang kanilang tunay na layunin sa paggawa nito ay palaging upang ipagbigay-alam sa bata ang kanilang pagkakamali at kung ano ang dapat nilang gawin upang maiwasan na magawa ang kaparehong pagkakamaling iyon, at iba pa. Ganito rin gumagawa ang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng higit pang mga salita upang hatulan at linisin ang tao, iniligtas ng Diyos ang tao mula sa impluwensya ni Satanas nang lubusan at ginagawa ang tao na mga taong malapit sa Kanyang sariling puso, at sa katapusan ang mga taong ito ay hahantong sa kaharian ng Diyos at makararating sa magandang patutunguhan na inihanda ng Diyos para sa tao.
Maaaring magtanong ang ilang mga tao, "Maaari bang malutas ang ating satanikong kalikasan sa pamamagitan lamang ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Hindi ba natin malulutas ang ating satanikong kalikasan sa pamamagitan ng pagdurusa, pagbabayad ng halaga, pagpigil sa sarili at pagpigil sa ating sariling mga kagustuhan?" Siyempre hindi natin kaya. Kung hindi sa pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan upang hatulan at ilantad ang ating kalikasan at diwa, wala sa atin ang tunay na makakaalam ng ugat na dahilan kung bakit natin nilalabanan ang Diyos at walang sinuman sa atin ang makakabunot sa ating mga satanikong disposisyon. Sa buong kasaysayan, maraming mga apostol ang nagbayad ng higit na halaga at nagsagawa ng pagpipigil sa sarili, lahat ay may pag-aasam na makalaya sa mga gapos at pagpigil ng kasalanan at mapagtagumpayan ang laman. Ngunit sino sa kanila ang nagawang talunin ang kanilang satanikong kalikasan, tumigil sa pagkakasala, at naging tunay na masunurin sa Diyos? Kahit si Paul ay nagsabi, "Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?" (Roma 7:24). "Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala. Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin" (Roma 7:18-20). Malinaw mula dito na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain ng pagtubos, nagbibigay-daan ang Panginoong Jesus para sa gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw. Tanging sa paggawa ng Diyos ng gawain ng paghatol sa mga huling araw na ganap na masusupil ang ating makasalanang kalikasan at malinis tayo sa ating mga kasalanan upang hindi na tayo magkasala-ito ang dahilan kung bakit ipinangako ng Panginoong Jesus na babalik sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol. Dapat nating tanggapin at maranasan ang paghatol, pagsubok at pagpipino ng Diyos, sapagkat sa pamamagitan lamang nito na mabubunot nang tuluyan ang ating satanikong kalikasan, malilinis at mababago ang ating mga tiwaling disposisyon, maipapamuhay natin ang isang tunay na wangis ng tao, hahantong tayo sa tunay na paggalang at pagsunod sa Diyos, magagawa nating isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at mahalin at paluguran ang Diyos. Ito ang natatanging landas upang mapalaya ang ating sarili sa kasalanan at matamo ang kaligtasan ng Diyos.
Kaugnay sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, binanggit ng Aklat ng Pahayag, "At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol" (Pahayag 14:6-7). Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang walang-hanggang ebanghelyo na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Itong "walang-hanggang ebanghelyo" ay ang ebanghelyo ng Diyos na dumarating sa mga huling araw upang ganap na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan; ito ang ebanghelyo na magdadala ng buong kapanahunan sa isang katapusan. Kaya kapag may naririnig kang nangangaral ng ebanghelyo ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, ano ang pipiliin mong gawin?
Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos? Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?
Rekomendasyon:
• Bakit Mahalaga ang Kaligtasan? Paano Makakamtan ang Walang-Hanggang Kaligtasan
• Paano Maiiwasan ang Kasalanan: Nahanap Ko ang Landas
• Ano ang Tunay na Kahulugan ng "Magsisi Kayo: Sapagka't Malapit Na ang Kaharian ng Langit"