Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?
Matapos ang agahan, naglakad ang mag-asawang Zhong Cheng at Chen Hua sa daan sa gilid ng burol. Tumingala si Chen Hua sa mga puting ulap sa langit at pabuntong-hiningang sinabing, "Ilang taon na tayong naglalakad sa mga burol na ito at tumitingin sa langit, pero kailanman ay hindi natin nakita ang Panginoong Jesus sa kahit anong ulap. Nasa mga huling araw na tayo, lumalala na ang mga sakuna, at hindi pa rin natin nasasalubong ang Panginoon. Nag-aalala ako!"
Saglit na pinag-isipan ito ni Zhong Cheng at sinabing, "Sa loob ng ilang taon, nanalangin tayo sa umaga at gabi, at isinasagawa ng iglesia ang 24-oras salitan na pagmamatyag at panalangin. Nagtayo din ng bantayan ang iglesia upang makatingin ang mga tao sa langit at umaasang maghintay para sa pagbabalik ng Panginoon, ngunit hindi pa rin natin nasalubong ang Panginoon. Iniisip ko na ngayon kung mali ba ang pagsasagawa natin. Minsan akong dumalo sa pagpupulong ng isang katrabaho sa ibang lugar at nakarinig ako ng isang magandang balita. Sinabi ng katrabaho kong si Liu na nagbalik na ang Panginoon at nagpapahayag ng maraming katotohanan upang iligtas ang tao. Binasa niya rin sa amin ang ilan sa mga salita ng Diyos, at talagang naramdaman kong nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad ang mga salita, na tila ba ang Lumikha Mismo ang nakikipag-usap sa amin, at naisip ko...."
Hindi ito hinihintay na matapos, huminto si Chen Hua at sumingit, "Ano? Nagbalik na ang Panginoong Jesus? Malinaw na sinasabi sa Biblia, 'Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit' (Mga Gawa 1:11). 'At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian' (Mateo 24:30). Kapag dumating ang Panginoon, darating Siya sakay ng mga ulap nang may dakilang kaluwalhatian at makikita Siya ng lahat. Hindi pa natin Siya nakitang dumating sakay ng mga ulap, kaya paano mo masasabing nagbalik Siya?"
"Ganyan din ang iniisip ko, ngunit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng lahat at pag-uusap tungkol sa bagay na ito, naunawaan ko na sa wakas na hindi lamang nagtataglay ng mga propesiya ang Biblia na sinasabing darating ang Panginoon nang hayagan sakay ng mga ulap, ngunit nagtataglay din ito ng mga propesiyang nagsasaad na darating ang Panginoon ng palihim. Halimbawa: 'Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo' (Pahayag 3:3). 'Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating' (Lucas 12:40). 'Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito' (Lucas 17:24-25). Ang mga salitang, 'gaya ng magnanakaw,' sa propesiyang ito ay nangangahulugan na darating ng palihim at tahimik ang Panginoon. Pagkatapos ay nariyan ang mga salitang 'Anak ng tao' at 'itakuwil ng lahing ito.' Ang kahulugan ng 'Anak ng tao' ay isang tao na ipinanganak na tao, na tila may taglay na normal na pagkatao ngunit siyang kinatawan ng Diyos Mismo. Hindi maaaring tawagin Anak ng tao ang Espiritu ng Diyos, hindi rin matatakwil ng henerasyong ito ang Espiritu. Magagawa lamang tratuhin ng tao si Kristo na para bang isa Siyang ordinaryong tao, sa puntong magagawa nilang itakwil at hatulan si Kristo, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao at pagdating upang gumawa ng gawain at sambitin ang Kanyang mga salita sa lupa, tila ordinaryo at normal sa labas. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang kanyang gawain, halimbawa, ay dinala Siya ng Banal na Espiritu, ipinanganak na tao, namuhay ng normal na buhay at kumain at namuhay kasama ng tao. Gayunman, ang Kanyang diwa ay ang Diyos Mismo. Taglay Niya kung ano ang mayroon ang Diyos. Nagawa niyang ipahayag ang disposisyon ng Diyos. Nagawa niyang tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan at umpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya, at nagawa niyang ipahayag ang katotohanan upang ibigay sa tao ang landas ng pagsisisi, dahilan upang matubos ang buong sangkatauhan. Ngunit ang mga Fariseo, mga eskribo at ang ordinaryong mga Hudyo ay trinato si Jesus na tila ba isa Siyang ordinaryong tao. Hindi lamang nila basta hindi tinanggap ang katotohanang sinambit ni Jesus, ngunit siniraan at nagsalita sila laban sa Kanya at ipinako nila Siya sa krus. Ngayong mga huling araw, kung darating ang Diyos sakay ng mga ulap sa anyong Espiritu, walang magtatangkang lumaban o tumanggi sa Kanya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagiging Anak ng tao sa mga huling araw magagawa ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain at sabihin ang Kanyang mga salita Siya itatakwil ng henerasyong ito. Makikita natin sa mga propesiyang ito na ang pagdating ng Panginoon ay nahahati sa dalawang paraan-ang pagdating Niya ng palihim at ang pagdating Niya ng hayagan. Idagdag pa, hindi kailanman nabibigo ang mga salita ng Diyos, kaya naman ang dalawang magkaibang propesiya na ito ay magaganap. Sa mga huling araw, unang darating ng palihim ang Diyos upang iligtas ang mga maaaring iligtas at upang gumawa ng grupo ng mga tao na maging mananagumpay. Oras na matapos ang lihim na gawain ng Diyos, noon magpapakita ng hayagan ang Diyos sa lahat ng tao, at sa puntong iyon ay matutupad na ang lahat ng mga propesiya tungkol sa Kanyang pagdating ng hayagan," paliwanag ni Zhong Cheng.
Nag-isip ng malalim si Chen Hua: "Anak ng tao" at "itakuwil ng lahing ito." Oo, ang Anak ng tao ay nangangahulugang isang tao na ipinanganak na tao, at ang Espiritu ng Diyos ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao, hindi rin maaaring itakwil ng henerasyong ito ang Espiritu. Tila ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoon ay hindi lamang nakakulong sa pagdating Niya sakay ng mga ulap, ngunit mayroon ding mga propesiya na nagsasabing darating ng palihim ang Panginoon. Paanong hindi ko nalaman ang lahat ng ito sa loob ng ilang taong pagbabasa ko ng Biblia?
Habang naglalakad siya, sinabi ni Zhong Cheng, "Nang magbahagi kami ng katrabaho kong si Liu at pinag-usapan ang bagay na ito kasama ang iba, naintindihan ko sa wakas na darating ang Panginoon sa dalawang paraan. Parehong palihim at hayagan. Na ang paggawa Niya ng palihim ay maililigtas ang tao, at na, kapag nagpakita Siya ng hayagan, matatapos ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa tao, gaya ng prinopesiya sa Pahayag 1:7 nang sinabi nitong: 'Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.' Isipin natin ito. Makatwirang sabihin na matutuwa ang mga tao kapag nakita nila ang pagdating ng Panginoon sakay ng mga ulap, ngunit sinasabi ng bersikulong ito na ang lahat ng mga tao sa lupa ay mananaghoy kapag nakita nilang bumababa ang Panginoon sakay ng mga ulap. Ito ay dahil hindi nila tinanggap ang Panginoong Jesus na dumating ng lihim, dahil nilabanan at tinanggihan nila ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, dahilan upang mawala ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw.
"Ikinumpara din ng Panginoong Jesus ang mga araw ng Kanyang pangalawang pagdating sa panahon ni Noe. Sinabi ng Panginoong Jesus, 'At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat' (Lucas 17:26-27). Gaya ng alam nating lahat, nang ipakalat ni Noe ang mensahe ng pagdating ng malaking baha upang wasakin ang mundo, hindi naniwala ang mga tao sa panahong iyon dahil wala silang nakitang ulan na bumabagsak mula sa langit at, sa huli, wala ni isang tao ang naniwala sa ebanghelyo na ipinapangaral ni Noe sa loob ng ilang daang taon. Nang nabuo na ang arko, natapos na ang mga araw ng pasensiya ng Diyos at paghihintay Niya na magsisi ang mga tao, at nag-umpisang umulan ng malakas mula sa langit at dumating ang baha. Nakita ng mga tao na maganap ito sa paligid nila, ngunit huli na ang lahat-nagsara na ang tarangkahan ng biyaya. Tulad nito, darating ang Diyos sa mga huling araw upang iligtas tayo, at kapag nagpakita na ng hayagan ang Diyos, matatapos na ang Kanyang gawain ng pagliligtas at dumating na ang oras ng pagbibigay ng gantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama."
Matapos makinig sa pagbabahagi ng kanyang asawa, naisip ni Chen Hua sa sarili niya: Oo, makatwirang sabihin na ang eksena kapag dumating ang Panginoon ay tiyak na labis na matutuwa at patuloy na magpapalakpakan ang mga tao, at lahat kaming nanampalataya sa Panginoon ay magpapatunog ng mga gong at tambol at sasalubungin ang pagdating ng Panginoon nang may maraming kantahan at sayawan. Kung ganoon ay bakit sinasabi sa bersikulo na mananaghoy ang lahat ng tao? Naiintindihan ko na sa wakas lahat ngayon na dahil tinanggihan at nilabanan ng mga tao ang lihim na gawain ng Diyos at mawawala sa kanila ang kaligtasan ng Diyos.
Nagpatuloy si Zhong Cheng, sinasabing, "Nang makipagkita ako sa katrabaho kong si Liu, binasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa amin na labis na yumapos sa akin." Habang sinasabi niya ito, inilabas ni Zhong Cheng ang isang notepad mula sa kanyang bulsa at binasa: "Maaaring walang-pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, nguni't nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakikita ninyo ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa iyo, subali't dapat mong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagka't magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan." ("Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay ang Panahon Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa").
Puno ng emosyon, sinabi ni Zhong Cheng, "Nang marinig ko ang mga salitang ito, naramdaman kong puno sila ng kamahalan, awtoridad at kapangyarihan, na tila ba ang Diyos Mismo ang nagsalita sa kanila. Ang mga salitang ito ang naging dahilan upang maintindihan ko sa wakas na unang darating ang Diyos upang gawin nang lihim ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, upang bigyan ng katotohanan at buhay ang tao, upang hayaan sila na alisin ang mga gapos ng kasalanan at sa wakas ay makamit ang tunay na kaligtasan at madalisay. Pagkatapos lamang nito hayagang darating sakay ng mga ulap ang Diyos upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Palagi akong tumitingin sa langit, iniisip na, kung hindi ko nakitang bumababa ang Panginoong Jesus sakay ng mga ulap, kung ganoon ay pinapatunayan nito na hindi pa Siya bumabalik. Sa huli, nang marinig ko ang isang taong pinapangaral ang ebanghelyo ng pagdating ng Panginoon, hindi ako nagkusang saliksikin o imbestigahan iyon. Hindi ko tinanggap ang katotohanang ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos at pinagsarhan ko ang nagbalik na Panginoon. Sa halip, ginugol ko lamang ang lahat ng mga araw ko sa pag-iisip na darating ang Panginoon sakay ng mga ulap upang tipunin tayo papasok sa langit, ngunit ang lahat ng mga ito ay kahilingan lang at ni hindi naaayon sa kalooban ng Panginoon. Hinangad ng mga Fariseo noon ang pagdating ng Mesiyas, ngunit nang dumating nga ang Panginoong Jesus, sa halip ay nangunyapit sa kanilang mga sariling paniniwala. Pinaniniwalaan na hindi maaaring maging Kristo ang Panginoong Jesus o ang Panginoon dahil hindi Siya ipinanganak sa isang mayamang pamilya, dahil hindi Siya mukhang maharlika at marangal at dahil hindi Mesiyas ang Kanyang pangalan. Kaya naman nilabanan at hinatulan nila Siya. Tumanggi silang tanggapin ang katotohanang sinambit Niya, at sa wakas ay ipinako nila Siya sa krus, isinasagawa ang napakalaking kasalanan na naging dahilan upang isumpa at parusahan sila ng Diyos. Ngayon, pagdating sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ay hindi natin sundan ang landas na tinahak ng mga Fariseo at labanan ang Diyos."
Labis na natuwa si Chen Hua sa mga salita ng kanyang asawa, at sinabi niya, "Sa mga nakalipas na taon, nangunyapit ako nang husto sa Banal na kasulatang nagsasabi na darating ang Panginoon ng hayagan sakay ng mga ulap, at palagi akong tumitingin sa langit. Dahil hindi ko nakita ang pagbaba ng Panginoon sakay ng mga ulap, hindi ako naniwala na nagbalik na ang Panginoon. Kahit nang marinig kong nagbalik na ang Panginoon, hindi ako nagkusang hanapin o saliksikin iyon. Ngayon na nagbahagi ka sa akin sa araw na ito, naiintindihan ko nang ginagawa ang lihim na gawain ng Diyos upang bigyan tayo ng pagkakataon na makamit ang tunay na kaligtasan, at kapag nagpakita na ng hayagan ang Diyos, noon magsasara ang tarangkahan ng biyaya at wala nang pagkakataon. Kailangang gawin nating prayoridad ang paghahanap sa ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw!"
Sinabi ni Zhong Cheng, "Tama ka! Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan' (Mateo 7:7). Kalooban ng Panginoon na magkusa tayong hanapin ang Kanyang daan. Sinabi din Niya: 'Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya' (Mateo 25:6). 'Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko' (Pahayag 3:20). Maraming beses na prinopesiya sa Pahayag, 'Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia' (Pahayag 2, 3). Ang mga propesiyang ito ay napakalinaw: Kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, sasabihin Niya ang Kanyang mga salita, at dapat tayong maging matatalinong birhen at sundin ang mga salita ng Diyos. Noon lamang natin masasalubong ang pagdating ng Panginoon."
Habang pababa sila ng burol, pareho nilang sinabi, "Salamat sa Panginoon, ngayon ay alam na natin ang paraan upang salubungin ang pagdating Niya. Hindi na natin kailangang umakyat ng burol at tumingin sa langit...."
Ang mga sakuna ay palala ng palala. Paano tayo maraptured sa mga sakuna? Basahin ang rapture bible verse tagalog at pagkatapos ay maaari mong hanapin ang landas at maraptured sa harap ng Diyos sa lalong madaling panahon.
Inirekomendang pagbabasa:
• Mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo: 5 mga Propesiya sa Bibliya Natupad na