Madalas Nang Nangyayari ang mga Kalamidad: Kinakailangang Mahanap ang Paraan na Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon
Kamakailan lang ang bagyong Quinta ay tumama sa Luzon, na naging dahilan na pagsuspinde ng mga paaralan at maraming mga tao ang nawalan ng kani-kanilang mga tahanan. Maraming mga kaibigan ang sumulat sa amin, inaasahan na magagawa nating ipanalangin ang mga kapatid sa Pilipinas. Nagtanong din sila: Ano ang nangyayari sa mundong ito, at bakit mas lalong lumalakas ang mga sakuna ngayon? Sa totoo lang, sa buong mundo ang mga kalamidad ay patuloy na lumalaganap tulad ng mga salot, taggutom, at pagbaha, mga nakahihindik na sitwasyon sa iba't ibang mga bansa, at mga nagsisiklabang mga giyera - ang mga palatandaang ito ay tiyak na tinutupad ang propesiya sa Biblia: "At samantalang Siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa Kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin Mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng Iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?", "Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:3, 7-8). Makikita natin mula rito na dapat nakabalik na ang Panginoon. Kung tatanggapin lamang natin ang Panginoon magkakaroon tayo ng pagkakataong matanggap ang Kanyang proteksyon sa gitna ng mga sakuna. Kung palalampasin natin ang pagkakataon na salubungin ang pagparito ng Panginoon, tiyak na tayo ay aabandunahin ng Panginoon at magdurusa sa kaparusahan ng mga sakuna.
Magrekomenda nang higit pa:
- Angparabula ng Sampung Dalaga|Paano Maging mga Matalinong Dalaga Upang Masalubong ang Pagbabalik ng
- Anong gantimpala ang ipinagkakaloob sa matatalinong dalaga? Mapapahamak ba sa kalamidad ang mga mangmang na dalaga?
Ang mabuting balita ng Panginoon: Matagal nang nagkatawang-tao ang Panginoon at palihim na bumaba. Upang masalubong ang Panginoon, dapat nating hanapin at suriin ang mga salita ng Panginoon sa mga huling araw. Sa gayon lamang maaari tayong magkaroon ng pagkakataong masalubong ang Panginoon.