Sa Muling Pagparito ni Jesus sa Mga Huling Araw, Paano Siya Babalik?

07.05.2021

Mga Propesiyang Tumutukoy Sa Lihim na Pagparito ng Panginoon

Pagdating sa kung paano si Jesus ay babalik sa muli Niyang pagparito, maraming mananampalataya, ang bumatay lamang sa ilang mga propesiya, naniniwala na kapag si Jesus ay muling pumarito, Siya ay babalik sa mga ulap. Sa totoo lang, sa mga propesiya ng Panginoon, hindi lamang iisang paraan ang Kanyang pagbabalik. Sa usapin ng pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon, kung hindi natin sinaliksik ang iba pang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik, ngunit nilimitahan lamang ang paraan ng pagbabalik Niya sa "pagdating sa mga ulap", hindi ba iyon isang kawalang-katwiran? Sa ganoong paraan, ang mga paglihis at pagkakamali ay tiyak na lilitaw sa ating pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating hanapin at siyasatin sa maraming aspeto kung paano babalik si Jesus sa Kanyang muling pagparito.

Sa pamamagitan ng pagbabasa sa Biblia madali nating matutuklasan na ang pagbabalik ng Panginoon ay naipropesiya sa dalawang magkakaibang paraan. Bukod sa Kanyang pagbaba sa publiko sa isang ulap, Siya rin ay bababa sa lihim. Halimbawa, ang tala ng Biblia: "Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 3:3). "Narito, Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ang mga propesiya na ito ay nagsasabi kung paano darating ang Panginoon nang tahimik gaya ng isang magnanakaw, na nangangahulugang ang Panginoon ay darating nang lihim sa mga huling araw. Bukod dito, binanggit din nila na "ang Anak ng tao ay darating" at "gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan." Ang "Anak ng tao" ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang isang ipinanganak lamang ng tao na may normal na katawang tao ang maaaring tawagin na Anak ng tao. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay Anak ng tao, at Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao bilang isang ordinaryong tao na lihim na dumating sa gitna ng tao upang gumawa. Sapagkat kung Siya ay nagmula sa Espiritu o sa Kanyang nabuhay na mag-uling espiritwal na katawan, na partikular na hindi pangkaraniwan, kung gayon imposible na tawagin Siya na Anak ng tao.

Bukod dito, binanggit ng Banal na Kasulatan na ang bumalik na Panginoong Jesus ay magbabata sa pagdurusa at tatanggihan ng lahing ito. Kung ang Diyos ay magpapakita sa hindi pangkaraniwang Espiritu, kung gayon ang lahat ng mga tao ay tatanggapin Siya at magpapatirapa sa kanilang pagsamba. Kung iyon ang kaso, kung gayon imposible para sa propesiyang "Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" upang matupad. Sa pamamagitan lamang ng lihim na pagparito ng Diyos sa katawang-tao, magpapakita sa karaniwan at normal sa panlabas, at dahil sa mga taong hindi Siya tatratuhin bilang Diyos ay titiisin Niya ang pagdurusa. Nang ang Panginoong Jesus ay gumawa ng lihim sa pagkakakilanlan ng Anak ng tao, halimbawa, nakita lamang ng mga Fariseo ang Kanyang panlabas na anyo at inakalang Siya ay isang Nazareno at nabigong kilalanin Siya bilang ang Mesiyas. Kaya sila ay tumangging tanggapin ang katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus at ipinako Siya sa krus.

Samakatuwid, sa muling pagparito ni Jesus, Siya ay babalik nang lihim bilang Anak ng tao bago pa sumapit ang matitinding sakuna. Kung sasabihin natin na ang Panginoon ay babalik lamang ng lantaran sa mga ulap, kung gayon nanganganib tayo na mapalampas natin ang pagkakataong salubungin Siya.

Ang Nagbalik na Panginoon ay Lihim na Darating Bago Sumapit ang Malalaking Sakuna at Pagkatapos ay Magpapakita nang Lantaran Matapos ang Mga Sakuna

Sa puntong ito ng fellowship, marahil ang ilang mga mananampalataya ay nalilito: "Kung ang Panginoon ay lihim na bababa bago sumapit ang matitinding sakuna, kung gayon paano matutupad ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon sa mga ulap?" Sa katunayan, ang pagbabalik ng Panginoon ay nagaganap nang paunti-unti. Una Siya ay lihim na darating bago sumapit ang malalaking sakuna at pagkatapos ay magpapakita nang hayagan pagkatapos ng mga sakuna. Ganito natutupad ang lahat ng mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ay magiging katulad noong dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa: Siya ay unang dumating ng lihim bilang Anak ng tao. Pagkatapos Siya ay ipinako sa krus at tinapos ang Kanyang gawain, Siya ay nabuhay muli mula sa kamatayan. Nagpakita Siya sa publiko sa loob ng apatnapung araw at pagkatapos ay bumalik sa langit.

Ngayon ang mga propesiya tungkol sa pagparito ng Panginoon nang lihim ay natupad na. Ang Panginoon ay nakababa na ng palihim bago pa sumapit ang malalaking sakuna at Siya ay ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita ng katotohanan at isiniwalat ang misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos. Batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, nagsasagawa Siya ng isang yugto ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, kaugnay nito, pinahihintulutan ang tao na lubusang matanggal ang pagkagapos sa kasalanan at mapadalisay. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang tumupad sa mga propesiya na nagsasabi tungkol sa lihim na pagparito ng Panginoon bilang Anak ng tao, ngunit tinutupad din ang mga propesiya sa Biblia: "Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12: 48). "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol" (Juan 5:22). "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan" (Juan 17:17).

Sa panahon kung saan ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating nang lihim upang ipahayag ang katotohanan at iligtas ang sangkatauhan, lahat ng kumikilala sa tinig ng Diyos at tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang matatalinong dalaga na narapture sa harap ng trono ng Diyos. Sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng salita, magagawa nilang makamit ang pagdadalisay at pagbabago ng kanilang mga tiwaling disposisyon, gagawing mga mananagumpay ng Diyos bago sumapit ang mga matitinding kalamidad, at maging mga unang bunga. Tiyak na tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag kung saan sinasabi: "Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis" (Pahayag 14:4-5).

Kasalukuyang ito ang yugto kung saan ang Makapangyarihang Diyos ay gumagawa nang lihim upang iligtas ang sangkatauhan. Siya ay abala sa pagpapahayag ng Kanyang salita upang hatulan at dalisayin ang sangkatauhan. Sa yugtong ito, hindi natin makikita ang tanawing pagpapakita ng Panginoon nang lantaran. Matapos makagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, ang Kanyang dakilang gawain ay makukumpleto, at ang gawain nang lihim na pagparito ng Diyos sa katawang-tao ay matatapos na. Magsisimula na ang Diyos na pakawalan ang malalaking sakuna upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masasama. Lantaran Niyang ihahayag ang Kanyang sarili sa tao, at ang mga kumondena at lumaban sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malilipol sa mga sakuna, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Ito ang tumpak na pagsasakatuparan ng mga propesiya ng pagdating ng Panginoon nang hayagan na nagsasabing: "At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). "Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya" (Pahayag 1:7).

Sa panahon ngayon, isa-isa nang bumabagsak ang sakuna. Kung nais nating maging mga mananagumpay bago sumapit ang malalaking sakuna at makapasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi natin kailanman hinahangad o tinatanggap ang gawain ng lihim na pagdating ng Makapangyarihang Diyos, kung gayon tayo ay tiyak na mapapasailalim sa mga sakuna at maparurusahan. Tulad ng babala sa atin ng Makapangyarihang Diyos. "Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na 'Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo' ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang."

Matapos basahin ang mga babala ng Diyos para sa ating mga tao, ano ang pipiliin mo? Tanggapin ba natin ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na nagpapasya sa ating mga hantungan at patutunguhan. Ngayon, ang lihim na gawain ng pagliligtas ng Diyos sa Kanyang katawang-tao ay malapit nang magtapos. Dapat tayo maging matatalinong dalaga at magmadali na siyasatin at tanggapin ang gawain nang lihim na pagparito ng Makapangyarihang Diyos, sapagkat sa pamamagitan lamang nito na magkakaroon tayo ng pagkakataon na maging mananagumpay at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung maghihintay tayo hanggang sa magpakita ang Panginoon sa publiko, kung gayon magiging huli na para sa atin na magsisi.


Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot--Mga Senyales ng Paghuhukom ay Lumitaw: Paano Tayo Mara-rapture Bago ang Malaking Kapighatian?

Rekomendasyon:

Online Tagalog Sermons - News of the Lord's Return

katotohanan sa parabula ng sampung dalaga

• Dumating na ang Panginoong Jesus, Kaya Paano Natin Iyon Malalaman?

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar