Nabasa Mo Na Ba Ang Salita ng Diyos Ngayon?
Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw ay isang kinakailangan ng Diyos sa bawat isa sa atin na mga Kristiyano. Ikaw ba ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw?
Sabi ng Diyos , "Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios" (Mateo 4:4). "Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw" (Juan 6:35).
"Kaya't nararapat mong kainin at inumin ang salita ng Diyos sa lahat ng oras, kung ikaw man ay abala o hindi, kung ang mga kalagayan man ay masama o mabuti, at kung ikaw man ay sinusubukan o hindi. Sa kabuuan, ang salita ng Diyos ang saligan ng pag-iral ng tao. Walang maaaring tumalikod sa Kanyang salita at nararapat kumain ng Kanyang salita gaya ng ginagawa nilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw."Ang mga salita ng Diyos ay katotohanan at kayang magbigay sa atin ng buhay. Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kaniyang mga salita upang magkaroon tayo ng pag-usad kapag kinakaharap ang lahat ng mga uri ng paghihirap. Bilang mga Kristiyano, kailangan natin na magbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, upang ang ating mga espiritu ay hindi makaramdam ng pagka-uhaw, at mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos, at madali na malagpasan ang mga tukso ni Satanas. Nais mo ba na mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos at lumago ang espiritwal na buhay? Mangyaring I-click ang link upang mabasa ang mga salita ng Diyos ngayon.
Nagsasagawa ka ba ng panalangin sa umaga sa bawat araw? Alam mo ba kung paano pumasok sa tunay na panalangin at mamuhay sa harap ng Diyos sa buong araw? Makinig sa 10 napiling mga himno upang malaman ang landas.
