Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

02.06.2021

Pananalig sa relihiyon ang diwa ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao: Hindi nila kayang magmahal sa Diyos, at maaari lamang sumunod sa Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Tahimik lamang silang sumusunod sa Kanya. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit may mangilan-ngilang nagmamahal sa Diyos; "pinagpipitaganan" lamang nila ang Diyos sapagkat takot sila sa sakuna, o kaya ay "hinahangaan" nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan-ngunit walang pag-ibig o tunay na matinding paghahangad sa kanilang pagpipitagan at paghanga. Sa kanilang mga karanasan, hinahanap nila ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ay ang ilang di-makabuluhang hiwaga. Sumusunod lamang ang karamihan ng tao, nanghuhuli ng mga biyaya sa mga maalimpuyong tubig; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumusunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at naglalaman ng kanilang mga pansariling konsiderasyon at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang mahalin ang Diyos, ngunit upang maging pinagpala. Maraming tao ang kumikilos paano man nila nais; ginagawa nila ang anumang kanilang naisin at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng Diyos, o kung ang ginagawa ba nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi man lamang makayang magkamit ng tunay na paniniwala, lalo na ng pag-ibig sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga yaon na naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang "lihim" na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, 0 sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Sa pagdanas lamang sa Kanyang gawain maaaring matuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, sa kanilang mga tunay na karanasan lamang maaari nilang pahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at kung hindi ito mapagmamasdan sa tunay na buhay, walang sinuman ang makatutuklas sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Napakaraming kaibig-ibig sa Diyos, ngunit kung walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya, walang kakayahan ang mga tao na tuklasin ito. Na ang ibig sabihin, kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, hindi makakaya ng mga tao ang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin nila magagawang maranasan ang Kanyang gawain-at kaya't ang kanilang pagmamahal sa Diyos ay mababahiran ng maraming kasinungalingan at likhang-isip. Ang pagmamahal sa Diyos sa langit ay hindi kasingtunay ng pagmamahal sa Diyos sa lupa, dahil ang kaalaman ng mga tao sa Diyos sa langit ay nabuo sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na sa kung ano ang nakita ng sarili nilang mga mata, at kung ano ang kanilang naging personal na naranasan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nagagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktuwal na mga gawa at ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at nakikita nila ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay ilang libong ulit na higit na totoo kaysa sa kabatiran sa Diyos sa langit. Gaano man kamahal ng mga tao ang Diyos sa langit, walang anumang tunay sa pag-ibig na ito, at puno ito ng mga kaisipan ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pagmamahal para sa Diyos sa lupa, ang pagmamahal na ito ay tunay; kahit ito ay kakaunti lamang, ito ay tunay pa rin. Iniaatas ng Diyos sa tao na kilalanin Siya sa pamamagitan ng tunay na gawain, at sa pamamagitan ng kaalamang ito, nakakamit Niya ang kanilang pagmamahal. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya namuhay kasama si Jesus, magiging imposible para sa kanya na sambahin si Jesus. Kaya, gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang magawa Niya ang tao na mahalin Siya, ang Diyos ay dumating sa mga tao at namumuhay kasama ng tao, at ang lahat ng Kanyang ginagawa na makita at maranasan ng tao ay ang realidad ng Diyos.

Ginagamit ng Diyos ang realidad at ang pagdating ng mga katunayan upang gawing perpekto ang mga tao; tinutupad ng mga salita ng Diyos ang bahagi ng Kanyang pagperpekto sa mga tao, at ito ay ang gawain ng paggabay at pagbubukas ng daan. Na ang ibig sabihin, dapat mong matagpuan sa mga salita ng Diyos ang daan ng pagsasagawa at ang kaalaman sa mga pananaw. Sa pag-unawa sa mga bagay na ito, magkakaroon ang tao ng isang landas at mga pananaw sa kanyang aktuwal na paggawa, at magagawa niyang magkamit ng kaliwanagan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos; magagawa rin niyang maunawaan na ang mga bagay na ito ay galing sa Diyos, at magagawang makabatid nang marami. Matapos ang pag-unawa, dapat na pumasok kaagad ang tao sa realidad na ito, at dapat gamitin ang mga salita ng Diyos upang bigyang-lugod ang Diyos sa kanyang tunay na buhay. Papatnubayan ka ng Diyos sa lahat ng bagay, at bibigyan ka ng landas ng pagsasagawa, at ipadadama sa iyo na Siya ay lalong kaibig-ibig, at hahayaan kang makita na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa iyo ay may layon na gawin kang perpekto. Kung nais mong makita ang pagmamahal ng Diyos, kung nais mong totoong maranasan ang pagmamahal ng Diyos, dapat kang magtungo, sa gayon, sa kailaliman ng realidad, dapat kang magtungo sa kailaliman ng tunay na buhay at makita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig at kaligtasan, na ang lahat ng ginagawa Niya ay upang magawa ng mga tao na iwan ang hindi malinis, at pinuhin ang mga bagay sa loob ng tao na hindi magawang bigyang-lugod ang kalooban ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang makapaglaan sa tao; isinasaayos Niya ang mga pangyayari sa tunay na buhay upang maranasan ng mga tao, at kung kumakain at umiinom ang mga tao ng maraming salita ng Diyos, sa gayon, kapag tunay nilang isinasagawa ang mga ito, malulutas nila ang lahat ng hirap sa kanilang buhay gamit ang maraming salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kailangan mayroon kang mga salita ng Diyos upang makarating nang malalim sa realidad; kung hindi mo kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos, at wala sa iyo ang gawain ng Diyos, sa gayon ay hindi ka magkakaroon ng landas sa tunay na buhay. Kung hindi ka kailanman nakakakain o nakaiinom ng mga salita ng Diyos, malilito ka, sa gayon, kapag may isang bagay na nangyari sa iyo. Alam mo lamang na dapat mong mahalin ang Diyos, ngunit wala kang kakayahan ng anumang pag-iiba-iba at walang landas ng pagsasagawa; naguguluhan at nalilito ka, at kung minsan ay naniniwala ka pa na sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa katawan, ikaw ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos-na ang lahat ng ito ay bunga ng hindi pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kung ikaw ay walang tulong ng mga salita ng Diyos, at nangangapa lamang sa loob ng realidad, sa gayon, ikaw ay walang kakayahan sa simula pa lamang na mahanap ang landas ng pagsasagawa. Ang mga tao na tulad nito ay hindi na lamang nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos, lalong hindi nila nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mahalin ang Diyos. Kung madalas kang manalangin, at magsiyasat, at maghanap, gamit ang kaliwanagan at gabay ng mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan nito ay natutuklasan mo ang nararapat mong isagawa, nahahanap ang mga oportunidad para sa gawain ng Banal na Espiritu, tunay na nakikipagtulungan sa Diyos, at hindi naguguluhan at nalilito, magkakaroon ka, sa gayon, ng landas sa tunay na buhay, at totoong magbibigay-lugod sa Diyos. Kapag nabigyang-lugod mo na ang Diyos, magkakaroon sa loob mo ng gabay ng Diyos, at natatangi kang pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng kasiyahan: Mararamdaman mo na tangi mong ikinararangal na nabigyang-lugod mo ang Diyos, mararamdaman mo na natatangi kang masigla sa kalooban, at magiging maaliwalas at mapayapa ka sa iyong puso. Pagiginhawain ang iyong budhi at malaya sa mga paratang, at makararamdam ka ng kaaya-ayang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagtamasa sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang totoong pagtamasa sa Diyos. Ang pagtamasa ng mga tao sa pag-ibig ng Diyos ay nakakamit sa pamamagitan ng karanasan: Sa pagdanas ng hirap, at pagdanas ng pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit nila ang mga pagpapala ng Diyos. Kung sinasabi mo lamang na mahal ka talaga ng Diyos, na ang Diyos ay nagbayad ng malaking halaga alang-alang sa mga tao, na Siya ay matiyaga at masuyong nangungusap ng maraming salita, at laging inililigtas ang mga tao, ang iyong pagbigkas ng mga salitang ito ay isang bahagi lamang ng pagkalugod ng Diyos. Ngunit ang higit na kaluguran-ang tunay na kaluguran-ay kapag isinasagawa ng mga tao ang katotohanan sa kanilang tunay na buhay, pagkaraan ay mapayapa sila at maaliwalas sa kanilang mga puso. Nadarama nila ang lubhang pagkaantig ng kalooban at nadarama na ang Diyos ay lubos na kaibig-ibig. Madarama mo na ang halagang iyong naibayad ay higit pa sa patas. Sapagkat nakapagbayad nang malaking halaga sa iyong mga pagsusumikap, mamumukod kang masigla sa kalooban: Mararamdaman mo na tunay kang nasisiyahan sa pagmamahal ng Diyos, at nauunawaan mo na nagawa na ng Diyos ang gawain ng kaligtasan sa mga tao, na ang Kanyang pagpipino sa mga tao ay upang dalisayin sila, at sinusubok ng Diyos ang mga tao upang masuri kung tunay nga Siyang minamahal ng mga ito. Kung lagi mong isinasagawa ang katotohanan sa ganitong paraan, unti-unti kang makabubuo, sa gayon, ng isang malinaw na kabatiran ng lawak ng gawain ng Diyos, at sa pagkakataong iyon ay mararamdaman mo na ang mga salita ng Diyos na kinakaharap mo ay kasing linaw ng kristal. Kung kaya mong malinaw na maunawaan ang maraming katotohanan, mararamdaman mo na ang lahat ng bagay ay madaling maisagawa, na makakaya mong pangibabawan ang anumang usapin at pangibabawan ang anumang tukso, at makikita mo na walang anumang suliranin para sa iyo, na higit na magliligtas at magpapalaya sa iyo. Sa sandaling ito, matatamasa mo ang pagmamahal ng Diyos, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos ay darating sa iyo. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may mga pananaw, may katotohanan, may kaalaman, at tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung nais ng mga tao na mamasdan ang pag-ibig ng Diyos, dapat nilang isagawa ang katotohanan sa tunay na buhay, dapat handa sila na tiisin ang sakit at talikuran ang kanilang minamahal upang malugod ang Diyos, at sa kabila ng mga luha sa kanilang mga mata, dapat pa rin nilang magawa na magbigay-lugod sa puso ng Diyos. Sa ganitong paraan, tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, at kung matitiis mo ang paghihirap tulad nito, susundan ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng tunay na buhay, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, magagawang makita ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at kapag nalasap lamang nila ang pagmamahal ng Diyos ay saka nila tunay Siyang mamahalin.

Higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang mag-aangkin ng katotohanan; higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos; at higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang pagpapalain ng Diyos. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, unti-unting magagawa ng pag-ibig ng Diyos na makakita ka, tulad nang makilala ni Pedro ang Diyos: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, may karunungan din Siya na gawin ang tunay na gawain sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang lumikha ng tao, iligtas ang tao, gawing perpekto ang tao, at ibigay ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya sinabi rin ni Pedro na maraming taglay Niya ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: "Ang paglikha ba ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ang tanging dahilan upang maging karapat-dapat Ka sa pag-ibig ng mga tao? Marami pang tinataglay Mo ang kaibig-ibig. Gumaganap at kumikilos Ka sa tunay na buhay, inaantig ng Iyong Espiritu ang kalooban ko, dinidisiplina Mo ako, sinasaway Mo ako-higit pang karapat-dapat ang mga bagay na ito sa pag-ibig ng mga tao." Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon ay dapat mong tuklasin at hanapin ang tunay na buhay at dapat maging handang isaisantabi ang iyong sariling laman. Dapat mong gawin ang kapasyahang ito. Dapat kang maging isang taong may paninindigan na magagawang magbigay-lugod sa Diyos sa lahat ng bagay, nang hindi nagiging tamad o nagnanasa sa mga kasiyahan ng laman, nang hindi nabubuhay para sa laman bagkus ay nabubuhay para sa Diyos. Maaaring may mga pagkakataon na hindi mo nabibigyang-lugod ang Diyos. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos; sa susunod, mangailangan man ito ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang-lugod at hindi dapat bigyang kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo na ang Diyos. Makikita mo na kayang likhain ng Diyos ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay, na Siya ay nagkatawang-tao upang tunay Siyang makita ng mga tao at tunay na makisalamuha sa Kanya; makikita mo na magagawa Niyang lumakad kasabay ng mga tao, na makakaya ng Kanyang Espiritu na gawing perpekto ang mga tao sa tunay na buhay, tinutulutan silang makita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at danasin ang Kanyang pagdidisiplina, ang Kanyang pagpaparusa, at ang Kanyang mga biyaya. Kung lagi kang nakadaranas sa ganitong paraan, hindi ka mawawalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ang ugnayan mo sa Diyos ay tumigil nang maging normal, magagawa mong tiisin ang paninisi at makaramdam ng pagsisisi. Kung may normal kang relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaisin kailanman na iwan ang Diyos, at kung dumating ang araw na sabihin ng Diyos na iiwan ka Niya, matatakot ka, at sasabihin na nanaisin mo pang mamatay kaysa iwan ng Diyos. Sa sandaling may ganito kang mga damdamin, mararamdaman mo na wala kang kakayahang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na matatamasa ang pag-ibig ng Diyos.

Madalas magsabi ang mga tao na hinahayaan nila na ang Diyos ang kanilang maging buhay, ngunit hindi pa umaabot sa puntong iyon ang kanilang karanasan. Sinasabi mo lamang na ang Diyos ang iyong buhay, na ginagabayan ka Niya araw-araw, na kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita sa bawat araw, at nananalangin ka sa Kanya bawat araw, kaya't Siya na ang naging buhay mo. May kababawan ang kabatiran ng mga nagsasabi nito. Walang pundasyon ang marami sa mga tao; naitanim na sa kanilang kalooban ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi pa sumisibol ang mga ito, lalong hindi pa namumunga. Ngayon, hanggang saan na ang iyong naranasan? Ngayon lang, matapos kang pilitin ng Diyos na makarating hanggang dito, nararamdaman mo bang hindi mo kayang iwan ang Diyos. Isang araw, kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang iyong karanasan, kung paaalisin ka ng Diyos, hindi mo ito magagawa. Lagi mong mararamdaman na hindi mo kaya na wala ang Diyos sa iyong kalooban; makakaya mong walang asawa, o mga anak, walang pamilya, walang ina o ama, walang mga kasiyahan ng laman, ngunit hindi mo makakaya na wala ang Diyos. Ang pagiging walang Diyos ay magiging katulad ng pagkawala ng iyong buhay; hindi mo magagawang mabuhay nang walang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa puntong ito, nakamit mo na ang inaasahang bisa ng iyong pananampalataya sa Diyos, at sa ganitong paraan, ang Diyos na ang magiging buhay mo, Siya na ang magiging pundasyon ng iyong pag-iral. Hindi mo na kailanman magagawa pang muling iwan ang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa saklaw na ito, tunay na nasiyahan ka na sa pag-ibig ng Diyos, at kapag may sapat nang lapit ang iyong relasyon sa Diyos, Siya na ang iyong magiging buhay, ang iyong pag-ibig, at pagsapit ng panahong iyan, mananalangin ka sa Diyos at magsasabi: "O Diyos! Hindi Kita makakayang iwan. Ikaw ang aking buhay. Makakaya kong magpatuloy nang wala ang kahit ano pa man-ngunit kung wala Ka, hindi ko makakayang patuloy na mabuhay." Ito ang tunay na tayog ng mga tao; ito ang tunay na buhay. Napilitan ang ilang tao na makarating hanggang sa layo ng narating nila ngayon: Kailangan nilang magpatuloy naisin man nila o hindi, at lagi nilang nararamdaman na naiipit sila sa pagitan ng mga napakahirap na kalagayan. Dapat mong maranasan na ang Diyos ay ang iyong buhay, na kung ilalayo ang Diyos sa iyong puso, matutulad ito sa pagkawala ng iyong buhay; dapat maging buhay mo ang Diyos, at wala ka dapat kakayahang iwan Siya. Sa ganitong paraan, totohanan mo nang mararanasan ang Diyos, at sa oras na ito, kapag minahal mo ang Diyos, tunay mong mamahalin ang Diyos, at ito ay magiging isang natatangi, dalisay na pagmamahal. Isang araw, kapag sa mga ganoong karanasan na nakaabot ang iyong buhay sa isang tiyak na punto, kapag nananalangin ka sa Diyos, at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi mo magagawang alisin ang Diyos sa iyong kalooban, ni hindi mo magagawang kalimutan Siya kahit ibig mo. Naging buhay mo na ang Diyos; maaari mong kalimutan ang mundo, maaari mong kalimutan ang iyong asawa, o mga anak, ngunit magkakaroon ka ng suliranin sa paglimot sa Diyos-ang gawin iyon ay imposible, ito ay ang iyong tunay na buhay, at ang iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos, wala nang ibang makapapantay sa pagmamahal nila sa Diyos; nangunguna ang pagmamahal nila sa Diyos. Sa ganitong paraan, nagagawa mong isuko ang lahat ng iba pang bagay, at kusang tatanggapin ang lahat ng pakikitungo at pagtatabas mula sa Diyos. Kapag nakamit mo na ang pag-ibig sa Diyos na humihigit sa lahat, mamumuhay ka sa katotohanan at sa pag-ibig ng Diyos.

Sa sandaling ang Diyos ay maging buhay ng mga tao, hindi na nila magagawang talikuran ang Diyos. Hindi ba ito ang gawa ng Diyos? Wala nang hihigit pang patotoo! Gumawa ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto; nagsalita na Siya upang maglingkod ang mga tao, ang makastigo o mamatay, at hindi umurong ang mga tao, na nagpapakita na nalupig na sila ng Diyos. Sa kanilang tunay na mga karanasan, ang mga taong may katotohanan ay yaong mga makakayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hinding-hindi umaatras, at magkaroon ng normal na ugnayan sa mga taong nagmamahal sa Diyos, na sakali mang mangyari ang mga bagay sa kanila ay magagawang ganap na sumunod sa Diyos, at makakayang sumunod sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pahayag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, ang mga ito ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pagmamahal ng Diyos; kapag nakaranas ka hanggang sa puntong ito, ang nararapat na bisa ay makakamit na. Nagtataglay ka ng aktwal na pagsasabuhay, at ang bawat kilos mo ay tinitingala ng iba nang may paghanga. Pangkaraniwan ang iyong pananamit at panlabas na anyo, ngunit isinasabuhay mo ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, at kapag ipinababatid mo ang mga salita ng Diyos, ginagabayan at nililiwanagan ka Niya. Nagagawa mong sabihin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng iyong mga salita, naipagbibigay-alam ang realidad, at marami kang nauunawaan tungkol sa paglilingkod sa diwa. Tapat ka sa iyong pananalita, disente at matuwid, ayaw sa hidwaan at mapagpakundangan, nagagawang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa iyong patotoo kapag may nangyayari sa iyo, at ikaw ay payapa at mahinahon anuman ang kinakaharap mo. Ang ganitong uri ng tao ay tunay na nakita na ang pag-ibig ng Diyos. May ilang tao na bata pa, ngunit kumikilos sila na tila may-edad na; may isip na sila, nagtataglay ng katotohanan, at hinahangaan ng iba-at ito ang mga taong may patotoo, at mga manipestasyon ng Diyos. Sa madaling salita, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon sa kanilang kalooban ng isang kaunawaan tungo sa Diyos, at ang kanilang panlabas na disposisyon ay magiging matatag rin. Maraming tao ang hindi nagsasagawa ng katotohanan, at hindi naninindigan sa kanilang patotoo. Walang pag-ibig sa Diyos o patotoo sa Diyos ang mga ganoong tao, at ito ang mga tao na lubos na kinamumuhian ng Diyos. Binabasa nila ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, ngunit ang kanilang isinasabuhay ay si Satanas, at ito ay pagbibigay-kahihiyan sa Diyos, paninirang-puri sa Diyos, at paglapastangan sa Diyos. Sa ganoong mga tao, walang tanda ng pagmamahal ng Diyos, at walang-wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya't ang mga salita at kilos ng mga tao ay kumakatawan kay Satanas. Kung laging payapa ang iyong puso sa harap ng Diyos, at lagi kang nagbibigay-pansin sa mga tao at sa mga bagay sa paligid mo, at sa mga nangyayari sa paligid mo, at kung nagsasaalang-alang ka sa pasanin ng Diyos, at laging may pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ay malimit bibigyang liwanag ng Diyos ang iyong kalooban. May mga tao sa iglesia na mga "tagapangasiwa": sinisimulan nila ang masugid na pagmamatyag sa mga kamalian ng iba, at saka ginagaya at tinutularan ang mga ito. Hindi nila kayang makita ang pagkakaiba, hindi sila nasusuklam sa kasalanan, at hindi namumuhi o nakararamdam ng pagkainis sa mga gawa ni Satanas. Ang ganoong mga tao ay puno ng mga gawa ni Satanas, at sa huli sila ay lubusang tatalikuran ng Diyos. Dapat laging gumagalang ang iyong puso sa harap ng Diyos, dapat kang mahinahon sa iyong mga salita at mga kilos, at hindi kailanman nagnanais na labanan o biguin ang Diyos. Hindi kailanman dapat pumayag na mauwi sa wala ang gawain ng Diyos sa iyo, o tulutan ang lahat ng paghihirap na tiniis mo at lahat ng isinagawa mo na mauwi sa wala. Handa ka dapat na maglaan ng higit na pagsisikap at higit na pag-ibig sa Diyos sa landas na tatahakin. Ito ang mga taong may pangitain bilang kanilang pundasyon. Sila ang mga taong naghahanap ng pagsulong.

Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos, at nararanasan ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ay makikita sa ganoong mga tao ang pagliligtas ng Diyos at pag-ibig ng Diyos. Nagagawa rin ng mga taong ito na magpatotoo sa Diyos; isinasabuhay nila ang katotohanan, at ang kanilang pinatototohanan ay ang katotohanan rin, kung ano ang Diyos at disposisyon ng Diyos. Namumuhay sila sa gitna ng pagmamahal ng Diyos at nakita na ang pagmamahal ng Diyos. Kung nais ng mga tao na mahalin ang Diyos, dapat nilang matikman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at makita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos; sa gayon lamang makakayang gisingin sa kanila ang isang pusong nagmamahal sa Diyos, isang pusong nagbibigay-sigla sa mga tao na matapat na ibigay ang mga sarili para sa Diyos. Hindi ginagawa ng Diyos na ibigin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng mga salita at pahayag o sa pamamagitan ng kanilang imahinasyon, at hindi Niya pinipilit ang mga tao na mahalin Siya. Sa halip, hinahayaan Niyang kusang-loob na ibigin nila Siya, at hinahayaan Niya na makita nila sa Kanyang gawain at mga pagsasalita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at matapos nito ay nailuluwal sa kanila ang pag-ibig sa Diyos. Tanging sa ganitong paraan maaaring tunay na magpatotoo ang mga tao sa Diyos. Hindi minamahal ng mga tao ang Diyos dahil nahimok sila ng iba na gawin ito, at hindi rin ito panandaliang bugso ng damdamin. Minamahal nila ang Diyos sapagkat nakita na nila ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, nakita nila na marami sa Kanya ang karapat-dapat ibigin ng mga tao, sapagkat nakita na nila ang pagliligtas, karunungan, at mga kamangha-kamanghang gawa ng Diyos-at bilang resulta, tunay silang nagpupuri sa Diyos at tunay na hinahangad Siya, at may ganoong simbuyo ng damdamin na nagigising sa kanila na hindi sila maaaring mabuhay nang hindi nakakamit ang Diyos. Ang dahilan kung bakit nagagawang magbigay ng umaalingawngaw na patotoo sa Kanya yaong mga taong tunay na nagpapatotoo sa Diyos ay dahil ang kanilang patotoo ay nakasandig sa pundasyon ng tunay na kabatiran at tunay na paghahangad para sa Diyos. Ang ganoong patotoo ay hindi inihahandog sa isang bugso ng damdamin, ngunit ayon sa kanilang kabatiran sa Diyos at sa Kanyang disposisyon. Sapagkat nakilala na nila ang Diyos, sa pakiramdam nila ay tiyak na dapat silang magpatotoo sa Diyos, at magsilbi sa lahat ng naghahangad sa Diyos na makilala ang Diyos, at magkaroon ng kamalayan sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at sa Kanyang pagiging totoo. Tulad ng pag-ibig ng mga tao sa Diyos, ang kanilang patotoo ay kusang-loob, ito ay tunay, at may tunay na kabuluhan at halaga. Hindi ito pasibo o hungkag at walang-kabuluhan. Ang dahilan kung bakit ang mga umiibig lamang sa Diyos ang may lalong higit na halaga at kahulugan sa kanilang mga buhay, at sila lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, ay dahil nagagawa ng mga taong ito na mamuhay sa liwanag ng Diyos at nagagawang mamuhay para sa gawain at pamamahala ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi namumuhay sa liwanag; hindi sila namumuhay nang walang-kahulugang mga buhay, bagkus ay mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos, sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba't ibang dako ng mundo. Nagsasalita sila ng iba't ibang wika at may iba't ibang kulay ng balat, ngunit ang kanilang pag-iral ay may magkatulad na kahulugan; lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay nagtataglay ng magkatulad na patotoo, at may magkakatulad na kapasyahan, at magkatulad na mithiin. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos, at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.


I-click at basahin ang artikulong ito, at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Rekomendasyon:

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw

Daily Devotional (Tagalog) - Draw Closer to God Every Day

• Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar