Alam Mo Ba Kung Paano Inililigtas ng Diyos ang Sangkatauhan?

17.06.2020

Naniniwala tayo na maraming tao ang nakakakita ng katotohanan na ang mundo ngayon ay nagiging mas madilim at masama, puno ng mga kasinungalingan at panlilinlang, at may mga tao na nakikipaglaban sa bawat isa at sinasamantala ang bawat isa, na ang mga tao ay nagpapasasa sa kanilang mga mahahalay na paghahangad at nililinlang ang bawat isa, na ang pagsusugal, pagnanakaw, pagpatay, panghuhuthot at pandaraya ay nangyayari rin ng madalas, at kahit na ang mga mananampalataya sa Diyos ay madalas na nabibigong isagawa ang mga turo ng Panginoon at nabubuhay sa estado ng pagkakasala sa araw at pagkukumpisal sa gabi. Bilang karagdagan, ang sitwasyon sa mundo ay walang kaayusan; ang mga aktibidad ng terorista at mga etnikong salungatan ay patuloy na dumarami; ang mga sakuna ay madalas na nangyayari sa buong mundo; ang mga taong nabubuhay sa mundong ito ay madalas na nakakaramdam ng kalungkutan, kawalang magawa at puno ng takot. Ano ang ugat nito? Sa simula, sina Adan at Eba ay nabubuhay nang maligaya sa Hardin ng Eden, ngunit dahil sa pagtiwali at tukso ni Satanas, ipinagkanulo nila ang Diyos at sa gayon ay pinalayas sa Eden at nawala ang presensya ng Diyos. Simula noon, ang mga tao ay nabuhay sa kasalanan at naging mas tiwali, kaya't nakakaramdam sila ng sakit at kalungkutan sa kalooban. Bagaman tayong mga tao ay nabubuhay sa kasalanan at labis na napatiwali ni Satanas, hindi tayo isinuko ng Diyos, sa halip sinimulan ang isang plano upang mailigtas ang sangkatauhan. Kaya paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan?

——————————————————


Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar