Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?
Tulad ng alam nating lahat, ang iglesia ng Philadelphia na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag ay isang iglesia na na-rapture bago ang mga malalaking sakuna. Sa kasalukuyan, ang mga sakuna ay nasa lahat ng dako, at tanging sa pamamagitan ng pagtuklas sa iglesia ng Philadelphia tayo maaaring ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos bago dumating ang mga malalaking sakuna. Alam mo ba kung sa anong mga katangian nakikilala ang iglesia ng Philadelphia? At paano natin mahahanap ang iglesiang ito? Ating talakayin at tuklasin ang isyung ito sa ibaba.
Mga Katangian ng Iglesia ng Philadelphia
Iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag, "At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo ... Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 3:7-13). Makikita natin mula sa siping ito na ang iglesia ng Philadelphia ay may tatlong katangian.
Ang unang katangian ay katulad nito: "Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios ... ang aking sariling bagong pangalan." Tulad ng alam natin, ang Aklat ng Pahayag ay aklat ng mga propesiya, at "ang Aking sariling bagong pangalan" ay maliwanag na tumutukoy sa pagkakaroon ng bagong pangalan ng Panginoon kapag Siya ay bumalik, at yamang mayroon Siyang bagong pangalan, hindi na Siya maaaring tawaging "Jesus" ulit-ito ay tiyak. Samakatuwid, ang dinadalanginan at tinatawag ng mga tao ng iglesia ng Philadelphia ay hindi ang pangalang "Jesus," ngunit sa halip ito ang pangalan ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ito ay tulad din nang pumarito ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain sa pasimula, noong ang mga yaong tumanggap ng Kanyang pagtubos ay hindi na tumawag sa pangalan ng Panginoong Jehova, ngunit sa halip ay nanalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus. Kaya't maaari nating matiyak na ang iglesia ng Philadelphia ay ang iglesia na tumatanggap sa bagong pangalan ng Diyos. Ito ang unang katangian ng iglesia ng Philadelphia.
Ang ikalawang katangian ay na ang iglesia ay nakikinig sa "sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ito ay nangangahulugan na, kapag bumalik ang Panginoong Jesus, Siya ay bibigkas ng mas marami pang mga salita sa mga iglesia, bubuksan Niya ang maliit na balumbon para sa sangkatauhan, at ang lahat ng Kanyang sasabihin ay bago. Ang iglesia ng Philadelphia, samakatuwid, ay magiging ang iglesia na tumatanggap sa mga bagong pagbigkas ng Diyos, at yaong mga nasa iglesia ay maaaring makatamo ng pagtutubig at panustos ng kasalukuyang mga salita ng Diyos, tulad nang sinasabi sa propesiya, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu" (Joel 2:29). Ito ang ikalawang katangian ng iglesia ng Philadelphia.
Ang panghuling katangian ay tulad lamang ng sinasabi sa taludtod na, "Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon." Makikita natin mula dito na ang mga mananagumpay ay babangon mula sa iglesia ng Philadelphia. Ang mga mananagumpay na ito ay kayang sumunod sa daan ng Diyos, at kahit na ano pa ang sitwasyon na kinaroroonan nila, lagi nilang matatalikdan ang kanilang laman at namumuhay sa mga salita ng Diyos. Sa huli, hindi na sila nakagapos sa marami at iba't-ibang tiwaling disposisyon ni Satanas, at nagpapatotoo sila sa harap ni Satanas. Mayroong ilan na, kahit na sa ilalim ng pag-uusig ng satanikong rehimen, ay hindi napipigilan ng kamatayan at tumatanggi na ipagkanulo ang Diyos kahit na ipambayad ang kanilang sariling buhay. Ang nasabing mga tao ay nagtataglay ng matagumpay at matinding patotoo sa harap ng mga masasamang pwersa ni Satanas-sila ang mga mananagumpay na gagawing kumpleto ng Diyos sa mga huling araw. Samakatuwid, ang anumang iglesia na maaaring gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay ay ang iglesia ng Philadelphia. Ito ang pangatlong katangian ng iglesia ng Philadelphia.
Sa pamamagitan ng pagtingin sa tatlong katangian sa itaas, malalaman natin na ang iglesia na maaaring tumanggap ng bagong pangalan ng Diyos, na naririnig ang tinig ng Diyos at nakukuha ang pagtutubig at pagtustos ng mga bagong salita ng Diyos, at maaaring makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay ay walang pag-aalinlangan na ang iglesia ng Philadelphia. Sa kabaligtaran, ang anumang iglesia na hindi kinikilala ang tinig ng Diyos, na hindi tinatanggap ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at hindi tinatanggap ang bagong pangalan ng Diyos, ay tiyak na hindi ang iglesia ng Philadelphia.
Ang Iglesia ng Philadelphia ay Lumitaw
Sa pamamagitan lamang ng paghahanap sa iglesia ng Philadelphia maaari tayong ma-rapture bago ang mga malalaking sakuna. Kaya nasaan eksakto ang iglesia ng Philadelphia? Sa totoo lang, ang iglesia ng Philadelphia ay lumitaw na, at ito ay ang Kidlat ng Silanganan na naririnig ng lahat-ito ay Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nagkahugis na ang iglesia ng Philadelphia, dahil lamang sa biyaya at awa ng Diyos. Nagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ang puso ng napakaraming banal, na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos, na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay: Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan! Hindi ito magbabago kailanman!" Ang iglesia na bumangon mula sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tunay na tinutupad ang mga propesiya sa Pahayag hinggil sa iglesia ng Philadelphia. Makakatiyak tayo dito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga tatlong punto sa ibaba.
1. Ang bagong pangalan ng Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, at na Siya ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos. "Ang Makapangyarihan" ay nabanggit sa maraming mga taludtod sa Pahayag. Halimbawa, sinasabi sa Aklat ng Pahayag na, "Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat." Sabi sa Pahayag 19:6, "At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat." At sa maraming mga taludtod, tulad ng Pahayag 16:14, iprinopesiya na ang bagong pangalan ng Panginoon ay "ang Makapangyarihan," na nangangahulugang Makapangyarihang Diyos. Kaya't makatitiyak tayo na ang pangalang "Makapangyarihang Diyos" ay tunay na ang bagong pangalan ng Diyos na iprinopesiya sa Pahayag, at ito ay ang pangalan ng Diyos habang Siya ay gumagawa sa mga huling araw.
Nang may paggalang sa puntong ito, tayo ay magbasa ng sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos, "Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka't minahal at iginalang nila Ako. Subali't ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon-Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma'y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw nguni't nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay mapapagpala dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali't sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos-Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan." Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapakita sa atin na kung Siya man ay tinawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas, Siya ay palaging ang Diyos Mismo, at na ang mga ito ay magkakaibang mga pangalan lamang na kinukuha Niya sa iba't ibang kapanahunan. Katulad nito, sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay bumalik sa katawang-tao at binago ang Kanyang pangalan, at dala-dala ang bagong pangalan na Makapangyarihang Diyos. Ito ay dahil sa mga huling araw, gagawin ng Diyos ang gawain ng paghihiwalay sa bawat tao alinsunod sa kanilang uri at paggantimpala ng mabuti at pagparusa ng mga masasama, at ililigtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang lubusan at dadalhin ang anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan sa katapusan. Sa mga huling araw, kung gayon, ipapahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa tao sa Kanyang matuwid, marilag, galit na disposisyon na hindi kinukunsinti ang paglabag at ginagawa ang Kanyang likas na disposisyon at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya na hayag sa lahat. Kaya't ang Diyos ay kumuha ng isang pangalan na maaaring kumatawan sa Kanyang disposisyon-ang puspos ng kapangyarihan na Makapangyarihang Diyos Mismo-upang makita ng lahat ng sangkatauhan ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Makikita ng sangkatauhan na hindi lamang maaaring likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay, kundi na maaari rin Niyang pamahalaan ang lahat ng mga bagay, at makita na hindi lamang ang Diyos ay maaaring maging handog para sa kasalanan ng tao, kundi maaari rin Niyang baguhin at dalisayin ang tao; Siya ang Una at Huli, at walang makaka-arok sa Kanyang pagiging kamangha-mangha at mga gawa. Sinasabi sa atin nito na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, ang natatanging Diyos Mismo, at na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na lumitaw mula sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay talagang ang iglesia ng Philadelphia na iprinopesiya sa Bibliya.
2. Kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang Panginoong Jesus ay minsang nagpropesiya, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan" (Juan 17:17). Sinasabi sa atin ng mga taludtod na ito na kapag bumalik ang Panginoon, ipapahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng tao. Bagaman maaaring tinanggap natin ang pagtubos mula sa Panginoong Jesus, hindi tayo napalaya mula sa mga kadena ng kasalanan at patuloy tayong namumuhay sa isang paulit-ulit na estado ng pagkakasala at pagkukumpisal. Dahil dito, upang mailigtas tayo mula sa kasalanan ng lubusan, at sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, sa mga huling araw ay nagpahayag ang Diyos ng milyun-milyong mga salita at inilulunsad ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ginagawa Niya ito upang ang tao ay maaaring ganap na madalisay at mapalaya mula sa mga kadena ng kasalanan. Sa gayon, ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tumpak na tinutupad ang mga propesiya na ginawa ng Panginoong Jesus.
Magkakaroon tayo ng mas mabuting pagka-unawa dito pagkatapos nating basahin ang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos."
Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na gumagamit Siya ng marami na iba't-ibang aspeto ng katotohanan upang hatulan at upang dalisayin tayo, at sinasabi Niya sa atin ang mga katotohanan na kailangan natin upang makamtan ang buong kaligtasan bilang tiwaling sangkatauhan, gaya ng "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan," "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?" "Kanino Ka Matapat?" "Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos," "Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)," "Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)," "Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao," at marami pang iba. Bukod dito, inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga ng anim-na-libong-taong pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, gaya ng "Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw," "Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos," "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan," "Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos," "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1-4)," at iba pa. Inihayag din Niya ang Kanyang mga pangako sa tao at kung paano Niya tinutukoy ang kahahantungan at mga destinasyon para sa tao, gaya ng "Pagpapanumbalik ng Wastong Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan," "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan," "Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot," "Ang mga Paglabag ay Aakay sa Tao Patungong Impiyerno," at iba pa. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay naitala sa Aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang mga katotohanang ito ay nagbubunyag ng mga hiwaga ng libu-libong taong pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, at ipinapakita nila sa atin ang paraan upang madalisay at matamo ang buong kaligtasan. Isipin natin ito: Kung ang mga pagbigkas na ito ay hindi mula sa Banal na Espiritu, magagawa ba nating maintindihan ang bagay na ito? Bukod sa Banal na Espiritu at bukod sa Diyos, sino pa ang kayang bumigkas ng mga gayong salita? Sino pa ang kayang magbunyag ng mga ganitong katotohanan at mga hiwaga? Sino pa ang kayang magpahayag ng ganitong mga katotohanan upang iligtas at dalisayin ang sangkatauhan? Ito ay sapat na upang ipakita na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang salita ng paghatol na ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw, tunay na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia sa mga huling araw, at ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao mula sa Makapangyarihang Diyos ay ang maliit na balumbon na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag.
3. Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw upang makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ang lahat ng mga piniling tao ng Diyos na sumunod sa katotohanan at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na nakita ang katotohanan ng kanilang sariling katiwalian sa mga kamay ni Satanas; nagawa nilang tunay na malaman ang lahat ng iba't-ibang mga tiwaling disposisyon ni Satanas na namamalagi sa loob nila, at handa nilang talikuran ang kanilang laman at tunay na magsisi. Sa huli, nagawa nilang maisagawa ang mga salita ng Diyos, magsagawa ng kanilang sarili alinsunod sa katotohanan, at sumunod at gumalang sa Diyos, na nangangahulugang napagtagumpayan nila ang madilim na impluwensya ni Satanas. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, "Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos." Naranasan nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kanilang mga disposisyon sa buhay ay nabago sa iba't ibang antas, at nagpapatotoo sila sa pagpapalaya ng kanilang sarili mula sa pagiging mapagmataas at kapalaluan, tungo sa pagiging matapat na tao, sa pagtanggal ng mga tanikala ng pagiging mapagpasaya ng tao tungo sa pagpapalaya sa kanilang sarili mula sa paninibugho, at higit pa. Ang mga patotoo na ito ay bunga ng mga piniling tao ng Diyos matapos nilang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, mayroon ding maraming mga tao na nahaharap sa malupit na pag-uusig ng satanikong rehimen, na hindi iniisip ang kanilang sariling buhay at kung sino, na nang halos wala ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, ay umaasa sa patnubay ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nagbunga ng matunog na patotoo na napagtagumpayan si Satanas para sa Diyos. Ang mga patotoo na ito ng mga mananagumpay ay matagal nang nailathala para makita ng lahat sa online, at hayag na nagpapatotoo sa buong mundo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Makikita natin mula dito na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay bumangon sa loob ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga bagay na ito ay ang pagiging ganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sila ang eksaktong katuparan ng propesiya sa Pahayag na nagsasabing, "Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon" (Pahayag 3:12).
Nakikita natin mula sa fellowship sa itaas na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay eksaktong tinutupad ang propesiya sa Pahayag na sinasabing, "At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo ... Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 3:7-13). Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia, ang natatagong manna. Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay ang bagong pangalan ng Diyos at ang lahat ng nananalangin at tumatawag sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at ang mga tumatanggap sa patnubay ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mara-rapture lahat sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga taong ito ay may pagkakataon na tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at kanilang ganap na matatamo ang katotohanan at magiging mga mananagumpay na nagawa bago ang mga sakuna. Ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay tumpak na tinutupad ang mga propesiya sa Pahayag, at ito ay patunay na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang iglesia ng Philadelphia.
Ang Makapangyarihang Diyos ay gumawa na ngayon ng grupo ng mga mananagumpay at ang gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan ay malapit ng magtapos-ang daan ng biyaya ay malapit ng magsara. Kaya, ngayon na nahaharap ka sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, ano ang pipiliin mo?
Ang pag-raptured bago ang sakuna ay ang pag-asa ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon. Ngayon ay nagsimula na ang malaking sakuna, ngunit bakit hindi pa tayo naraptured? Mag-click sa rapture in bible tagalog at pagkatapos ay mahahanap mo ang sagot.
Inirekomendang pagbabasa: