Ang Madalas na Pangyayari ng mga Kalamidad: Alam Mo Ba Kung Paano Magpapakita ang Panginoon at Gagawa sa Kanyang Ikalawang Pagparito?
Pansin ng Patnugot: Maraming mga kapatid ang nag-iisip na kapag bumalik ang Panginoon, magpapakita Siya sa publiko sa mga tao na nakasakay sa isang puting ulap sa anyo ng Kanyang Espiritu pagkatapos na Siya ay muling nabuhay. Ngayon, ang mga sakuna ay naging isang karaniwang pangyayari sa buong mundo, at ang mundo ay nasa isang estado ng patuloy na karahasan at kaguluhan. Natutupad ang mga propesiya patungkol sa pagdating ng Panginoon, ngunit bakit hindi pa natin natatanggap ang pagbabalik ng Panginoon? Paano magpapakita ang Panginoon upang gumawa? Mangyaring basahin ang tekstong ito upang malaman ang higit pa.
Kapag ang ilang mga tao ay nagpapatotoo na ang Diyos ay naging laman at isinagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, maraming mga kapatid ang hindi matanggap ito, iniisip na kapag ang Panginoon ay bumalik, Siya ay darating sa mga puting ulap bilang muling nabuhay na espirituwal na katawan at hayag na magpapakita sa tao, at hindi Siya posibleng darating sa laman bilang Anak ng tao, sapagkat sinasabi ng Bibliya, "At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Ngayon madalas na nangyari ang mga sakuna, at lumitaw na ang apat na mga blood moon. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing nagkatotoo na, at ang Panginoon ay dapat nang bumalik, ngunit bakit hindi pa natin siya nasalubong? Ang pananaw ba na "hinihintay lamang na dumating ang Panginoon sa mga ulap upang mai-rapture tayo sa langit" ay tama?
Ang Mga Biblikal na Propesiya ay Inihula Kung Paano Magpapakita at Gagawa ang Panginoon Kapag Siya ay Nagbalik
Sa totoo lang, kung paano magpapakita ang Panginoon sa mga huling araw ay may hindi maiiwasang koneksyon sa kung ano ang gagawin ng Diyos kapag Siya ay bumalik. Sa Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang Diyos ay pangunahin na inihayag ang mga kautusan upang magkaroon ng kamalayan ang tao sa kanyang mga kasalanan at pamunuan ang buhay ng tao sa mundo, kaya hindi Niya kailangang personal na maging laman, ngunit direktang ginamit si Moises upang gawin ang Kanyang gawain. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus para sa sangkatauhan. Tayong mga tiwaling sangkatauhan ay hindi kayang isagawa ang gawain, at hindi rin maipako sa krus ang espirituwal na katawan ng Diyos. Kaya, ang Panginoong Jesus ay naging laman upang gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Kung gayon anong gawain ang gagawin ng Panginoon sa mga huling araw? Tingnan natin ang mga talata ng Bibliya, "At Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao" (Isaias 2:4). "Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48). Sabi ng Pahayag 14:7, "At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng Kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig." Sabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Ang lahat ng mga talatang ito ng Bibliya ay binabanggit ang "hatol" o "paghatol," at bukod dito, mayroong higit sa dalawang daang mga talata sa Bibliya tungkol sa paghatol, na nakikilala ng sinumang pamilyar sa Bibliya. Ipinapakita nito na kapag bumalik ang Panginoon, tiyak na gagawin Niya ang gawain ng paghatol at ipahahayag ang katotohanan upang hatulan at linisin ang tao. Iyon ay, kapag bumalik ang Panginoon, marami pa Siyang mga salitang sasabihin at gagamitin ang salitang binanggit Niya upang hatulan at ilantad ang kasalanan ng tao, na nagpapahintulot sa tao na magnilay-nilay sa kanyang sarili, na tunay na magsisi at malinis at magbago. Tayong mga tiwaling tao ay labis na napinsala ni Satanas; kahit na tinubos tayo ng Panginoon, pinatawad sa ating mga kasalanan, at hindi na hinatulan ng batas, ang pinagmulan ng ating kasalanan ay nakaugat pa rin sa loob natin. Kinokontrol ng ating makasalanang kalikasan, madalas tayong namumuhay sa pagdurusa ng pagkaka-gapos sa kasalanan. Sa mga huling araw, ang Diyos, ayon sa hinihingi natin, ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng Kanyang gawain ng paghatol para linisin ang ating mga kasalanan upang hindi na tayo magapos sa kasalanan. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). Sabi ng Juan 17:17, "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan."
Ngayon nakaka-siguro tayo na kapag bumalik ang Panginoon, ipapahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol. Kung gayon paano gagawin ng Panginoon ang Kanyang gawain? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol.... At binigyan Niya Siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't Siya'y anak ng tao" (Juan 5:22-27). Mula sa mga talatang ito, makikita natin na kapag bumalik ang Panginoon, magiging laman Siya upang magpahayag ng katotohanan upang hatulan at linisin ang mga tao, sapagkat ang "Anak ng tao" ay tumutukoy sa Diyos sa laman, na may normal na katauhan. Kunin ang Panginoong Jesus bilang halimbawa. Siya ang Espiritu ng Diyos na nakasuot ng laman at nagiging isang ordinaryong tao upang gumawa kasama ng mga tao. Bagaman ang espirituwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus ay may imahe ng Anak ng tao, ang Kanyang espiritwal na katawan ay higit sa karaniwan, na maaaring magpakita sa mga tao sa hangin at tumagos sa mga pader, kaya hindi Siya matatawag na Anak ng tao. Samakatuwid, kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, Siya ay magiging laman bilang Anak ng tao upang gawin ang gawain ng paghatol.
Bakit Babalik ang Panginoon sa Katawang-Tao upang Gawin ang Gawain ng Paghatol
Marahil ang ilang mga tao ay hindi mauunawaan kung bakit ang gawain ng paghatol ng Diyos ay maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, tingnan natin ang ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos, "Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni't ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain."
"Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, nguni't para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin na mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, sa kabilang banda, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin at mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain-ito ay isang malinaw na katotohanan."
"Kung ang gawain na ito ay ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka't ang gawain ng paghatol ay natutupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbubunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na pagsisiwalat ng gayong hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni't ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu."
Alam nating lahat na ang espirituwal na katawan ng Diyos ay hindi pangkaraniwan at walang porma. Hindi natin nakikita o madarama Siya, at hindi rin tayo makakalapit sa Kanya. Sa hitsura, ang espiritwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng muling pagkabuhay ay hindi naiiba sa Kanyang nagkatawang-taong laman, ngunit ang Kanyang espirituwal na katawan ay hindi napipigilan ng materyal na mundo, espasyo, at lugar, at Siya ay maaaring tumagos sa mga pader, at lumitaw at mawala kung nanaisin, mag-iiwan sa tao ng pagkagulat at pagkamangha. Bukod dito, tayong sangkatauhan ay mga mortal na tao, nabubuhay sa materyal na mundo at may normal na katauhan at pag-iisip. Kung makikipag-ugnay tayo sa pambihira at dakilang espiritwal na katawan, matatakot tayo at mababalot ng panic, at ang ating mga kaisipan ay mau-ulol at mababaliw. Dahil ang kakanyahan ng tao ay naiiba sa kakanyahan ng Espiritu ng Diyos at nang espiritwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus, ang tao ay hindi mabubuhay kasama ng Diyos nang normal, at hindi rin maayos na makakapag-salita ang Diyos sa sangkatauhan at pamunuan sila, at hindi rin makukuha ng tao ang pagtutubig at paggabay ng mga salita ng Diyos ng malinaw. Tanging kapag ang Diyos ay nagsuot mismo ng laman at naninirahan sa Kanyang normal na sangkatauhan na maaari Niyang praktikal na ipahayag ang katotohanan, at gayon ay maaaring maging epektibo ang gawain ng Diyos sa pagliligtas ng tao. Halimbawa, bago ipinako sa krus, ang Panginoong Jesus ay naging laman at nanirahan sa gitna ng tao; nang ginawa Niya ang Kanyang gawain, nagsalita ng mga salita, at nagpakita ng mga palatandaan at kababalaghan, nararamdaman ng mga tao ang katotohanan at normalidad ng Kaniyang laman, nakakasalamuha nang mabuti sa Kanya at naghahanap sa Kanya kapag hindi nila nauunawaan ang ilang bagay. Ang Panginoong Jesus ay maaari ring gumamit ng malinaw na mga salita upang turuan ang mga tao. Halimbawa, nang makita ng Panginoon ang mga kakulangan sa mga tao, Siya, ayon sa kanilang mga pangangailangan, nagturo sa kanila na patawarin ang iba ng pitumpu't pitong beses, maging mapagparaya at mapagpasensya, at mahalin ang kanilang kapwa tulad ng kanilang sarili. Bilang resulta, madaling natanggap ng mga tao ang Kanyang mga turo, at tumpak nilang nauunawaan ang kalooban ng Panginoon at nagkaroon ng landas ng kasanayan. Katulad nito, sa mga huling araw ay ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa laman, at Siya, ayon sa mga pangangailangan ng tao, ay nagpapahayag ng katotohanan upang hatulan ang tao para ilantad ang ating mga tiwaling disposisyon at ipakita sa atin ang landas nang malinis ang kasalanan, upang tayo ay maaaring magkaroon ng isang normal na pakikipag-ugnayan sa Diyos, tumpak na makilala ang ating mga tiwaling disposisyon at maunawaan kung paano pangangasiwaan ang ating sarili alinsunod sa salita ng Diyos, kung paano makatakas sa ating mga tiwaling disposisyon, at kung paano maalis ang mga kadena ng kasalanan. Ang ganitong mga epekto ay makakamit lamang sa pamamagitan ng nagkakatawang-taong Diyos.
Pangalawa, kapag ang Diyos ay naging isang ordinaryo at normal na laman upang gawin ang Kanyang gawain sa lupa sa mga huling araw, maaaring malantad ang lahat ng uri ng mga paniwala ng tao, at ang paghihimagsik at paglaban ng tao ay malalantad. Ito ay tulad ng panahon na ang Panginoong Jesus ay naging laman upang magsagawa ng gawain. Dahil ang Panginoong Jesus ay karaniwan at normal sa hitsura, hindi alam ng mga Hudyo ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay ang darating na Mesiyas at kaya sila ay puno ng mga paniwala tungkol sa Panginoong Jesus at kinondena at nilabanan Siya. Sa oras na ito, kung ito ay ang Espiritu ng Diyos ang gumawa nang direkta, hindi nakikita o nahihipo, at bukod dito ang Kanyang gawain ay umaayon sa mga paniwala ng mga tao, kung gayon ang mga tao ay magsisiluhod sa lupa upang sambahin Siya at ang gawain na ito ay hindi magagawang ibunyag ang pagsuway at paglaban ng mga Hudyo. Sa mga huling araw, kapag ang Diyos ay naging laman at ipinahayag ang katotohanan upang ilantad at hatulan ang katiwalian ng tao, hindi Niya ito ginagawa nang walang pundasyon, ngunit inilalantad Niya ang paghihimagsik at paglaban ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao at hinuhusgahan ang mga tao ayon sa katiwalian na inihayag nila. Ang mga sumusunod at tumatanggap ng paghatol ng Diyos ay tunay na makakakilala sa kanilang sarili, magkaroon ng totoong pagsisisi, unti-unting nalilinis, nakakakuha ng higit pang kaalaman tungkol sa Diyos at sa wakas ay maliligtas ng Diyos. Kung ginawa ng Diyos ang paghahatol sa mga huling araw bilang ang muling nabuhay na espiritwal na katawan, kung gayon ang ating paghihimagsik at pagtutol ay hindi malalantad, sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay dakila, kagalang-galang, nagtataglay ng awtoridad, at naaayon sa mga kaisipan ng tao. Kahit na ipunto ng Diyos ang ating mga tiwaling diwa, hindi natin ito aaminin, at kung gayon, paano makakamit ang mga resulta ng Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao? Kaya, ang Diyos na nagiging laman upang ilantad ang hindi pagkamatuwid ng tao ay kamangha-manghang karunungan.
Bukod dito, maraming mga propesiya sa Bibliya ang naghuhula na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, gagawin niya ang gawain ng pag-aani at pagtatahip, iyon ay, ang gawain ng paghihiwalay ng mga tao ayon sa kanilang uri, tulad ng paghihiwalay ng mga tupa sa mga kambing, ang trigo mula sa mga pansirang-damo, ang mabubuting lingkod mula sa masasamang lingkod. Ang gawaing ito ay maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Halimbawa, ang Panginoong Jesus na nagiging laman upang gawin ang Kanyang gawain ay talagang inilalantad ang lahat ng uri ng mga tao: Ang isang uri ng mga tao ay ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos at sumunod sa Kanya, tulad nina Pedro at Juan; ang mga Pariseo na sumalungat sa Diyos ay ang isa pang uri ng mga tao na tumanggi at kumalaban sa Panginoon; ang mga taong Hudyo, na puno ng kalituhan sa kanilang paniniwala sa Panginoon, nang walang taros na sumusunod sa mga Pariseo at hindi tinanggap ang Panginoon ay isa pang uri ng mga tao. Sa ganitong paraan, ang trigo at ang ipa ay inihayag at pinaghiwalay. Katulad nito, sa mga huling araw kapag ang Diyos ay naging laman, ang mga yaong tumatanggap sa gawain ng Diyos at sa mga yaong hindi tumatanggap nito, ang mga sumusunod sa Diyos at ang mga kumakalaban sa Kanya, ang mga umiibig sa katotohanan at sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan, ay unti-unting inilalantad sa pag-unlad ng gawain ng paghatol ng Diyos, kaya ang mga tao ay naiuuri ayon sa uri. Kung ang Panginoon ay dumating sa isang ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, iyon ay, kung Siya ay nagpakita sa mga tao bilang muling nabuhay na espiritwal na katawan, kung gayon ang lahat ay magsisiluhod sa harap Niya, kahit pa sila ay mananampalataya sa Diyos o yaong mga nagmula kay Satanas. Kung gayon, maiihiwalay ba ang kasamaan sa mabuti? Paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghihiwalay ng mga tupa sa mga kambing at trigo sa mga pansirang-damo? Kaya, sa mga huling araw, upang lubos na mailigtas ang tao at pag-uri-uriin ang tao ayon sa uri sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol, ang Diyos ay kailangang maging laman at gumawa sa normal na katauhan. Sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ay maaaring maging epektibo ang Kanyang gawain.
Paano Matutupad ang Propesiya ng Pagdating ng Panginoon Sa mga Ulap
Ngayon ang ilang tao ay maaaring magtanong, "Ang Bibliya ay nagpopropesiya na ang Panginoon ay darating sa mga ulap. Paano matutupad ang gayong mga hula?" Tapat ang Diyos, kaya tiyak na matutupad ang Kanyang mga propesiya-ito'y ayon sa oras lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay unang naging laman at ipinahayag ang katotohanan upang gawin ang paghatol bago ang kapighatian. Ang mga yaong tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw habang ang nagkakatawang-taong Diyos ay isinasagawa nang lihim ang Kanyang gawain, ay yaong mga na-rapture sa harap ng Diyos at na nadalisay at naligtas ng Diyos. Ang mga taong ito, matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ay may totoong pag-unawa sa katotohanan ng kanilang katiwalian na mula kay Satanas pati na rin ang kanilang tiwaling kalikasan, at maaari nilang kapootan ang kanilang sarili sa loob ng kanilang mga puso, tunay na nagsisisi, handang talikuran ang kanilang mga tiwaling disposisyon at sa wakas ay makapamuhay sa pamamagitan ng mga salita at katotohanan ng Diyos. Ang mga taong ito ay unti-unting makakatakas sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, at maaaring sumunod, mahalin at sumamba sa Diyos sa ilalim ng anumang mga kalagayan; at sila ang mga nagawang mananagumpay ng Diyos at ang 144,000 na batang anak na iprinopesiya sa Pahayag, at sila rin ang yaong makakapasok sa kaharian ng langit at makakatamo ng buhay na walang hanggan. Tinutupad nito ang Pahayag 14:4, "Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero." Gayunpaman, ang mga hindi naghahanap o tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit lumalaban pa rin, sinisiraan at lumalapastangan laban sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay malalantad. Sa oras na iyon, ang mabubuting lingkod at masamang lingkod, matalinong mga dalaga at mangmang ng mga dalaga, ang mga nagmamahal sa katotohanan at sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay maiuuri ayon sa kanilang uri. Pagkatapos ang Diyos ay darating ng hayagan sa mga puting ulap at magpapakita sa lahat ng mga tao, magpapaulan ng mga sakuna at pagkawasak sa mundong ito, at gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang kasamaan, na kung saan tumutupad ng mga salita ng Panginoon, "At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Kapag ang Diyos ay nagpapakita ng hayagan sa tao, ang gawain ng Diyos na magligtas ng tao ay makukumpleto na. Yaong mga nananatili lamang sa paniwala na ang Panginoon ay bababa sa isang ulap ngunit hindi naghahanap o nagsisiyasat sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at yaong mga lumalaban at kumondena kay Cristo sa mga huling araw, ay ang mga Pariseo, mga anticristo na nailalantad ng gawain ng Diyos sa ang mga huling araw. Mahuhulog sila sa malubhang kapighatian at tatanggap ng kaparusahan, tatangis at nagngangalit ng mga ngipin. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, "Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan."
Samakatuwid, ang Diyos ay bababa sa lihim bago ang kapighatian at pagkatapos ay lilitaw sa mga tao sa publiko pagkatapos ng kapighatian. Ang Diyos ay nagliligtas ng tao sa panahon kung saan Siya ay gumagawa nang palihim, at pagkatapos makagawa ang Diyos ng isang pangkat ng mga mananagumpay sa panahon ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, magpapadala Siya ng mga sakuna upang puksain ang lahat ng hindi tumatanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ngunit kinakalaban at tinatalikuran si Cristo ng mga huling araw. Ito ang oras na kung saan tutukuyin ng Diyos ang kahahantungan ng tao. Kaya, paano natin dapat itrato ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw? Ito ay isang bagay na direktang nauugnay sa ating hantungan at patutunguhan.