Ang Paghatol ng Diyos sa Mga Huling Araw Ay Kaligtasan at Pag-ibig para sa Tao

Nang makita ang pamagat na ito, ang ilang mga tao ay maaaring malilito: "Kung hinatulan ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila hinuhusgahan at pinarusahan? Paano masasabi na ang ganitong uri ng paghatol ay kaligtasan at pag-ibig? " Sa mga pahiwatig ng mga tao, iniisip nila na ang kaligtasan ng Diyos ay awa, biyaya at mga pagpapala lamang, kaya nahihirapan silang tanggapin ito kapag naririnig ang isang tao na nagpatotoo na ang Panginoon ay bumalik upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Basahin natin ang mga salita ng Diyos ng sabay at mauunawaan natin mula sa mga salita ng Diyos na ang paghahatol ng Diyos ay talagang Kanyang tunay na kaligtasan at pagmamahal sa mga tao.
Sinasabi ng salita ng Diyos na, "Bago sa pagtatapos ng Kanyang 6,000 taon ng plano sa pamamahala-bago Niya gawing karaniwan ang katapusan ng bawat kategorya ng tao-ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa kapakanan ng kaligtasan, ang lahat ay upang lubos na gawing ganap yaong mga umiibig sa Kanya, at dalhin sila sa pagsasailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi alintana kung paano nagliligtas ng mga tao ang Diyos, ang lahat ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtulot sa kanila na humiwalay mula sa kanilang lumang mala-satanas na kalikasan; iyon ay, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng papangyarihin sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila hinahangad ang buhay kung gayon ay hindi sila magkakaroon ng paraan upang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Ang pagliligtas ay gawain ng Diyos Mismo at ang paghahangad sa buhay ay isang bagay na dapat taglayin ng tao upang tanggapin ang kaligtasan. Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, at pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag inaantig Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang magpapasailalim ang tao sa pangalan ng Diyos, at magsisikap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay naparito na para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay ang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at awa, anupa't ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng inyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, nguni't talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumasapit sa inyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa inyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay kayo sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong pagpipino at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong pagpipino ay upang linisin ang tao, ang masasakit na salita o pagkastigo ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasa
Basahin ang paghuhukom bible verse upang malaman kung ano ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw!
