Christian Testimony Video | "Pagkatapos ng mga kasinungalingan"
Ang Pagkatapos ng mga Kasinungalingan ay ang patotoo ng isang Kristiyano na nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagawang maunawaan ng pangunahing tauhan na minamahal ng Diyos ang matapat at kinamumuhian ang mapanlinlang, at ang matapat lang ang ganap na maililigtas at makakapasok sa kaharian ng langit. Dahil dito, sinimulan niyang hangaring maging isang matapat na tao. Pero nang may hinarap siyang mga bagay na maaaring makaapekto sa kanyang reputasyon at katayuan sa pang-araw-araw na buhay, hindi pa rin niya napigilan ang sarili sa pagsisinungaling at pagiging mapanlinlang at may mga pagkakataong pinagtakpan niya ang kanyang mga kasinungalingan pagkatapos gawin ito. Hindi na siya mapalagay at napatunayan niyang ito ay mahirap at nakakapagod na paraan ng pamumuhay. Kalaunan, sa pamamagitan ng paghatol at paghayag ng mga salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting pag-unawa sa kanyang makademonyong disposisyon na naging dahilan para magsinungaling at manlinlang siya. Nakita niya ang ugat, ang kalikasan, at ang mga kahihinatnan ng pagsisinungaling, nagsimula siyang makaramdam ng pagsisisi, at nagsisi siya sa Diyos. Isinagawa niya ang pagiging matapat na tao, at naging bukas siya sa mga kapatid upang ibunyag ang kanyang sariling mga mapanlinlang na motibo, at naranasan niya ang galak sa pagsasabi ng katotohanan at pagiging matapat.
Panoorin ang video tungkol sa short personal testimony in (tagalog) at mahahanap mo ang paraan ng pagiging madalisay ang katiwalian.