Tagalog Christian Testimony Video | "Pakikinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon"

08.01.2021

Ang pangunahing tauhan ay dating mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang gumawa para sa Panginoon at palaging nananabik na magbalik ang Panginoong Jesus. Matibay ang paniniwala niya na kapag bumalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, lantaran Siyang magpapakita na nakasakay sa ulap sa Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan. Nang marinig ng pangunahing tauhan ang nakakatuwang balita na ang Panginoon ay nagkatawang-tao at nagbalik na sa mga huling araw, hindi niya iyon pinaniwalaan at ni hindi iyon siniyasat. Pagkatapos, sa isang pagtitipon, nakita niyang maraming mga propesiya, gaya ng "ang pagdating ng Anak ng tao," "ang Anak ng tao'y darating," at ang Panginoon ay darating "na gaya ng isang magnanakaw." Itong lahat ay mga propesiyang nagsasabing kapag dumating ang Panginoon sa mga huling araw, gagawin Niya iyon sa katawang-tao at nang palihim. Hindi naglakas-loob ang pangunahing tauhan na panghawakan ang sarili niyang mga pananaw, kaya nagsimula siyang magnilay at maghanap. Kaya sa anong paraan ba talaga dumarating ang Panginoon at nagpapakita sa atin sa mga huling araw? Papaano sasalubungin ng pangunahing tauhan ang Panginoon? Malalaman niyo iyon sa Pakikinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon.


Ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus ay lumitaw na. Upang masalubong ang Panginoon, dapat nating bigyang pansin ang tinig ng Diyos. Ito ang tanging paraan para sa atin na masalubong ang Panginoon.

Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesus

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar