Ano ang Piging ng Kasal ng Cordero at Paano Makadadalo Dito
Ipinopropesiya ng Aklat ng Pahayag, "Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at Siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang Kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya'y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal. At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios" (Pahayag 19:7-9).
Alam nating lahat na ang mga talatang ito ay mula sa isang pangitain na nakita ni Juan sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Sinabi ng mga ito sa atin na ang lahat ng mga makapupunta sa piging ng kasal ng Cordero ay masasalubong ang Panginoon at magiging pinakamapalad. Kung gayon ano ang piging ng kasal ng Cordero? Paano tayo makadadalo sa piging ng kasal ng Cordero? Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang mga sagot.
Ano ang Piging ng Kasal ng Cordero?
Ano ang piging ng kasal ng Cordero? Ano ang piging ng kasal na inihanda ng Diyos para sa mga tao? Sa katunayan, maraming mga propesiya sa Biblia ang nagsabi sa atin ng tungkol dito. Halimbawa, ipinropesiya ng Panginoon, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan" (Pahayag 22:14). Ipinropesiya sa Isaias 2:4, "At Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao." At sabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." At iba pa.
Mula sa mga talatang ito maaari nating makita na dahil ang espiritwal na katayuan ng mga nasa Kapanahunan ng Biyaya ay masyadong maliit, hindi ibinigay sa kanila ng Panginoong Jesus ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan upang ganap na mailigtas ang tiwaling sangkatauhan. Marami pa ring malalalim, mas matataas na katotohanan, iyon ay, mayroong maraming katotohanan ang hindi ibinigay ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan na siyang magpapahintulot sa mga tao na palayain ang kanilang sarili mula sa mga gapos ng kasalanan at linisin ang kanilang katiwalian. Iyon ang dahilan kung bakit ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik upang sabihin sa tao ang lahat ng mga katotohanan na hindi nila nauunawaan at mga bagay na darating, at gagamitin ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ito ay upang linisin at iligtas ang mga lumalapit sa harap ng Kanyang trono, upang ganap nilang maiwaksi ang mga kadena ng kasalanan, malinis, maperpekto bilang mananagumpay ng Diyos at maiakay sa kaharian ng Diyos.
Malinaw, ang piging ng kasal ng Cordero ay tumutukoy sa lahat ng mga katotohanan na inihanda ng Diyos alinsunod sa kung ano ang kailangan ng tiwaling sangkatauhan at ibibigay sa kanila sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng pagsalubong sa Panginoon at pagdalo sa piging ng kasal ng Cordero maaari nating matamasa ang pagdidilig at pagtutustos ng buhay na tubig ng buhay, makamit ang kaligtasan na iginawad sa tao ng Diyos sa mga huling araw, malinis ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng Diyos.
Paano Tayo Makadadalo sa Piging ng Kasal ng Cordero?
Kung gayon paano tayo makadadalo sa piging ng kasal ng Cordero? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). At sabi sa Pahayag 2:7, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Sabi sa Pahayag 3:20, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko." Ipinapakita ng mga talatang ito na kung nais nating tanggapin ang Panginoon at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero, kinakailangan na maingat tayong nakikinig sa tinig ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik upang ipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, hindi natin ito maaaring tanggihan o kondenahin nang batay sa ating mga kuru-kuro at sariling kaisipan. Sa halip, dapat nating gawin ang sinasabi ng Panginoon, maagap na saliksikin at siyasatin ito, at magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos upang makita kung ang mga salitang ito ay may katotohanan at kung ang mga ito ay ipinahayag ng Diyos. Tanging ito lamang ang pagiging matalinong dalaga. Kapag nakilala natin ang tinig ng Diyos at tinanggap at nagsumite, hindi ba iyon ang pagtanggap sa Panginoon, pagiging nadala sa harap ng trono ng Diyos, at pagdalo sa piging ng kasal ng Cordero?
Sa kasalukuyan, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagan na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan at ginawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang ganap na malinis at mailigtas ang mga tao. Ganap nitong natutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus na nabanggit sa itaas. Opisyal na sinimulang isagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang ministeryo, ipinahayag ang Kanyang mga salita, at isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos noong 1991. At Siya ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita, mas higit sa lahat ng mga salita sa Biblia. Ang piging ng kasal ng Cordero ay handa nang mabuti para sa sangkatauhan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay masagana, at isinisiwalat ng mga ito ang misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, hinahatulan ang tiwaling kalikasan ng sangkatauhan, ipinapakita sa mga tao ang paraan ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan, ihinuhula ang hinaharap ng kaharian at ang mga patutunguhan ng lahat ng uri ng mga tao, at higit pa. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan upang madalisay at ganap na mailigtas ang tiwaling sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos ay "ang Espiritu ng katotohanan," at ang Kanyang mga pagpapahayag ay "kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" at ang masaganang piging na ipinagkaloob sa tao ng Diyos sa mga huling araw.
Basahin natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa pagbabalik ng Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bagama't maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."
"Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba't ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. ... Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos."
Ipinapakita ng mga salita ng Diyos na sa oras na iyon ay ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, at bagaman tayo ay napatawad sa pamamagitan ng ating paniniwala sa Panginoon, ang ating makasalanang kalikasan ay nananatiling hindi nalulutas, at samakatuwid ay maaari pa rin tayong magkasala nang hindi sinasadya at labanan ang Diyos. Ang pagkakaroon natin ng satanikong kalikasan ang ugat na sanhi ng ating paglaban sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay nagpapahayag ng katotohanan mula sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus upang linisin at iligtas ang mga tao. Sa panahon na tinanggap at naranasan natin ang paghatol sa harap ng trono ng Cristo ng mga huling araw, ito ay pagdalo sa piging ng kasal ng Cordero.
Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay binubuo ng pagpapahayag ng maraming mga aspeto ng katotohanan, na nagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, inilalantad ang lahat ng mga misteryo, hinahatulan ang satanikong kalikasan ng tao na paglaban sa Diyos at pagtataksil sa Diyos, inilalantad at sinusuri ang pagsasalita at pag-uugali ng tao, at naghahayag ng banal, matuwid, at hindi maaaring saktan na disposisyon ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan. Lahat ng mga may kakayahang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero ay hindi lamang masisiyahan sa pagkakaloob ng buhay na tubig ng buhay ng Diyos, ngunit malinaw ding makikita ang diwa at katotohanan ng kanilang katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos. Kasabay noon, magkakaroon sila ng ilang totoong pag-unawa sa matuwid at banal na disposisyon ng Diyos na hindi pinahihintulutan ang pagkakasala, unti-unting mabubuo ang pusong may takot sa Diyos, pusong mapagmahal sa Diyos, at sa gayon ay unti-unting makakamtan ang pagbabago at pagdadalisay sa kanilang mga tiwaling disposisyon, at sa huli ay makakamit ang kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Malalaman natin ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon ang Diyos at ano ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at malalaman din natin ang katotohanan ng ating sariling katiwalian, mahahanap ang landas upang linisin ang ating mga kasalanan, at makikita ang pagpapakita ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos-hindi ba ito ang pagharap sa Diyos at pagdalo sa piging ng kasal ng Cordero?
Mula pa nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol ng mga huling araw, parami nang parami ang mga tao na nauuhaw sa katotohanan at pagpapakita ng Diyos ang nakilala ang Kanyang tinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sunod-sunod, tinanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Dinala sila sa harap ng trono ng Diyos upang makipagtagpo sa Kanya nang harapan at tinanggap ang pagdidilig at pagtutustos ng Kanyang mga salita. Nakamit nila ang totoong kaalaman sa Diyos. Ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nalinis. Ang mga taong ito ay nagawang mananagumpay bago ang matitinding sakuna. Sila ay nakamit ng Diyos bilang unang mga bunga. Ganap nitong natutupad ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag, "Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis" (Pahayag 14:4-5). "Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon" (Pahayag 3:12).
Ngayon, nagsimula na ang malalaking sakuna; sa pagtanggap lamang sa gawain ng paghatol sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos at pagdalo sa piging ng kasal ng Cordero maaari tayong malinis, makatanggap ng proteksyon ng Diyos sa panahon ng mga sakuna, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya, ang ating kagyat na gawain ay maging matatalinong dalaga na maagap na nakikinig sa tinig ng Diyos upang batiin ang Panginoon. Sa pamamagitan lamang nito makadadalo tayo sa piging ng kasal ng Cordero at matatamasa ang lahat ng mga katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Kung hindi tayo magsisiyasat o mag-iimbestiga kapag naririnig natin ang isang tao na nagpatotoo na ang Panginoon ay bumalik, sa gayon tayo ay magiging mga hangal na dalaga, hindi lamang di-magkakaroon ng pagkakataon na dumalo sa piging ng kasal ng Cordero, ngunit mapapalampas din natin ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, at mahuhulog sa sakuna sa huli, iiyak at magngangalit ng ating mga ngipin.