Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?

04.05.2021

Maraming mga tao, gaano man katagal silang naniwala sa Panginoon, ay nabubuhay pa rin sa kalagayan ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi, at sa gayon sila ay nag-aalala kung pinapatawad ba ng Diyos ang mga kasalanang paulit-ulit nilang ginagawa at kung sa huli ay makakapasok sila sa kaharian ng langit. Sa totoo lang, sinabi na sa atin ng mga salita ng Panginoon ang saloobin ng Diyos sa mga isyung ito, pati na rin ang landas upang malutas ang kasalanan.

Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35). Sabi sa Levitico 11:45, "Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't Ako'y banal." Sabi sa Pahayag 21:27, "At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan." Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na ang Diyos ay banal at matuwid, at ang lahat ng mga gumagawa ng mga kasalanan ay mga alipin ng kasalanan. Samakatuwid, hindi habang buhay na patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng tao na paulit-ulit na ginagawa. Tulad ng nakatala sa Biblia, "Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway" (Mga Hebreo 10:26-27). Kaya, para sa atin na pinatawad sa kasalanan matapos maniwala sa Panginoon ngunit paulit-ulit pa rin na nagkakasala, at hindi isinasagawa ang mga turo ng Panginoon at hindi nakakawala sa mga gapos ng kasalanan, sa huli ay hindi natin matatamo ang walang hanggang kapatawaran ng Diyos at hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. Iyan ang sagot batay sa personal na sinabi ng Panginoon.

Paano Kumawala Mula sa Kondisyon ng Paulit-ulit na Pagkakasala

Kung nais nating makamit ang kapatawaran ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos, magagawa lamang natin iyon sa pamamagitan ng lubusang pag-alis sa mga gapos at pagpipigil ng mga kasalanan at pagkamit ng pagdadalisay. Sa katunayan, itinuro ng Panginoong Jesus sa atin ang landas upang maresolba ang kasalanan. Sinabi ng Panginoon, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). "Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan" (Juan 17:17). Sabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Makikita natin sa mga talatang ito na, sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, batay sa ating tayog at pangangailangan, ipapahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos. Gamit ang katotohanan, hahatulan Niya at lilinisin ang ating makasalanang kalikasan, at ipapakita sa atin ang landas sa pagbabago ng disposisyon, upang lubusan nating maalis ang gapos at pagpipigil ng kasalanan. Kaya, kung gusto nating kumawala sa kalagayan ng paulit-ulit na pagkakasala, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na ginagawa ng Cristo ng mga huling araw.

Ang Panginoon ay Nagbalik na upang Gawin ang Gawain ng Paghatol

Sa kasalukuyan, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan at inilunsad ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang ganap na linisin ang mga kasalanan ng tao. Ngayon, tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, "Bagama't maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

"Sa gawain sa mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Wala kang paraan para kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na matutuklasan mo ang mga ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi ganap na maililigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at hindi rin siya magagawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi pa nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na magawang malinis ang tao sa pamamagitan ng salita na siya ay makakamit ng Diyos at magiging banal."

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na sa panahong iyon ay ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at iniligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Matapos magkaroon ng pananampalataya sa Panginoon, basta ang mga tao ay nagtapat at nagsisi sa Kanya, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan at matatamasa nila ang kapayapaan, kagalakan, at masaganang biyaya na ipinagkaloob Niya. Sa panahong iyon, pinatawad lamang ng Diyos ang mga kasalanan ng tao alinsunod sa kanilang mga pangangailangan, sa halip na gawin ang gawain ng pagdadalisay sa tao. Kaya, sa paniniwala sa Panginoong Jesus ay napatawad lamang ang ating mga kasalanan at hindi na kinondena ng batas. Gayunpaman, paulit-ulit pa rin tayong gumagawa ng mga kasalanan, at gaano man tayo magsikap, hindi natin kayang alisin ang mga gapos at pagpipigil ng kasalanan. Sa mga huling araw, batay sa gawain ng Panginoong Jesus, nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, inilalantad at hinahatulan ang ating panloob na maka-satanas na tiwaling kalikasan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, upang magkaroon tayo ng pag-unawa sa mga maka-satanas na disposisyon at lahat ng uri ng mga maling pananaw na umiiral sa loob ng ating sarili, at malinaw na makita kung gaano kalalim tayong nagawang tiwali ni Satanas, kung paano tayo napuno ng mga maka-satanas na disposisyon tulad ng kayabangan, kapalaluan, pagkamakasarili, pagkakasuklam-suklam, kabuktutan, pandaraya, kasamaan, kasakiman, kalokohan, pagkamalisyoso at pagkapoot sa katotohanan, at kung paano tayo kinulang ng anumang tunay na wangis ng tao. Sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman natin ang katotohanan ng ating katiwalian na mula kay Satanas, nakararamdam ng hiya at pagkakasala, at nagsisimulang kamuhian ang ating sarili. Samantala, nagkakaroon tayo ng kaalaman sa banal, matuwid at hindi maaaring labagin na disposisyon ng Diyos, at nagkakaroon ng paggalang sa Diyos sa ating mga puso. Sa gayon, nagkakaroon tayo ng pagpapasya na talikuran ang laman, hindi na sinusunod ang ating mga maka-laman na kagustuhan at malayang paggawa ng mga kasalanan, at sa halip ay nagsisimulang isagawa ang katotohanan at isaayos ang ating sarili alinsunod sa mga kinakailangan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, maaari nating unti-unting malutas ang suliranin ng ating pagiging makasalanan at maging mga tunay na sumusunod at gumagalang sa Diyos. Ito ang resulta ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng mga salita. Kaya, sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng mga salita sa mga huling araw ay maaari nating malutas ang suliranin ng ating pagiging makasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Tulad ng naipropesiya sa Pahayag 22:14, "Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan."


Kung tunay lamang tayong nagsisisi ay maaari tayong maligtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, paano natin makakamit ang totoong pagsisisi?Mangyaring basahin: Ano ang pagsisisi

Rekomendasyon:

Maging handa sa pagdating ng Panginoon

• Pagbabalik ng Panginoong Jesus

• Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit kung Madalas Tayong Nagkakasala? Paano Natin Mapapalaya ang Ating Sarili sa Kasalanan?

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.


¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar