Panalangin ng Pagsisisi|Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan

14.08.2020

   Panalangin ng Pagsisisi|Nang Bumagsak ang Simbahan

Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Nagdusa rin ang Three-Self Church na dinaluhan ni Chen Song'en sa pag-uusig ng CCP, at nang wasakin ito muntik nang malibing doon nang buhay ang isang Kristiyano. Gayunman, ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus sa "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig"?


Kadalasan, lahat tayo ay may dasal para sa kahilingan. Gayunpaman, maraming beses, hindi natin makuha ang tugon ng Panginoon. Maaari kayang ang ating panalangin ay hindi kaayon sa kalooban ng Diyos? Kung gayon paano tayo dapat manalangin sa Diyos upang mapakinggan tayo ng Diyos? Mangyaring I-click at basahin: Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar