Salita ng Diyos Ngayong Araw | Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao | Sipi 383

26.06.2021


Salita ng Diyos Ngayong Araw | Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao | Sipi 383

Ang pagbabagong-anyo ng disposisyon ng tao ay hindi pagbabago ng pag-uugali, o pakunwaring panlabas na pagbabago o pansamantalang pag-iiba na ibinunga ng sigasig; bagkus, ito ay isang tunay na pagbabagong-anyo ng disposisyon na nagdudulot ng pagbabago sa pag-uugali. Ang gayong pagbabago sa pag-uugali ay hindi katulad ng mga pagbabagong naipakikita sa mga panlabas na pag-uugali at kilos ng isang tao. Ang pagbabagong-anyo ng disposisyon ay nangangahulugang naunawaan at naranasan mo ang katotohanan, at ang katotohanan na ang naging buhay mo. Sa nakaraan, naunawaan mo ang katotohanan ng bagay na ito, ngunit hindi mo ito naisagawa; ang katotohanan ay doktrina lamang sa iyo na hindi naisabuhay. Ngayong nagbagong-anyo na ang iyong disposisyon, hindi mo lamang nauunawaan ang katotohanan, kundi kumikilos ka rin ayon dito. Nagagawa mo nang talikuran ang mga bagay na nakahiligan mong gawin noong araw, ang mga bagay na dati mong gustong gawin, ang iyong mga paglalarawan sa isip, at ang iyong mga pagkaunawa. Nagagawa mo na ngayong talikuran ang mga bagay na hindi mo nagawang talikuran noong araw. Ito ay pagbabagong-anyo ng disposisyon, at ito rin ang proseso ng pagbabagong-anyo ng iyong disposisyon. Maaaring payak sa pandinig, ngunit sa katunayan, ang sinumang nasa gitna ng prosesong ito ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap, madaig ang kanyang katawan, at talikdan ang mga aspekto ng laman na bahagi ng kanyang likas na pagkatao. Ang gayong tao ay dapat ding makaranas ng pagwawasto at pagtatabas, pagkastigo at paghatol, at mga pagsubok at pagpipino. Pagkaraan lamang maranasan ang lahat ng ito ay saka pa lamang bahagyang mauunawaan ng isang tao ang kanyang sariling kalikasan. Ang pagkakaroon ng kaunting pagkaunawa tungkol dito, gayunman, ay hindi nangangahulugang kaagad nagagawang magbago ng isang tao; dapat magtiis ang tao ng mga paghihirap sa proseso. Gayundin, makakaya mo bang kagyat na magsimula na lamang ng pagsasagawa matapos makapagtamo ng ilang pag-unawa sa isang bagay? Hindi mo makakayang kagyat na magsimula ng pagsasagawa. Bagama't may taglay kang pag-unawa, tinatabas ka ng iba at nagwawasto sa iyo, at pagkaraan ay pinipilit ka at pinupwersa ka na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung minsan, hindi handa ang mga tao na pagdaanan ito, sinasabing, "Bakit hindi ko ito nagagawa sa ganyang paraan? Kailangan bang gawin ko ito sa ganitong paraan?" Ang iba ay nagsasabi, "Kung naniniwala ka sa Diyos, kung gayon ay dapat mong gawin ito sa ganitong paraan. Ang paggawa nito sa ganitong paraan ay ayon sa katotohanan." Kapag naabot ng mga tao ang isang tiyak na punto kung saan dumanas na sila ng ilang pagsubok at nagtapos sa pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at ilang katotohanan, kung gayon ay magiging masaya na sila kahit paano at nahahandang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa pasimula, ang mga tao ay atubiling magsagawa ng katotohanan. Gawing halimbawa ang matapat na pagtupad sa mga tungkulin: May kaunti kang pagkaunawa sa pagtupad sa mga tungkulin at pagiging matapat sa Diyos, at nauunawaan mo rin ang kaugnay na mga katotohanan, subalit kailan mo ganap na iuukol ang iyong sarili sa Diyos? Kailan mo magagawang tuparin ang iyong mga tungkulin sa ngalan at gawa? Mangangailangan ito ng proseso. Sa prosesong ito, maaaring dumanas ka ng maraming hirap. Maaaring iwasto ka ng ilang tao, maaaring punahin ka ng iba. Matutuon ang lahat ng mata sa iyo, at doon mo lamang masisimulang matanto na ikaw ay nasa mali at ang totoo ay ikaw ang nakagawa ng hindi mabuti, na hindi katanggap-tanggap ang kakulangan ng debosyon sa pagtupad sa iyong tungkulin, at hindi ka dapat maging padalos-dalos at mapagwalang-bahala. Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at sasawayin ka kapag ikaw ay nagkamali. Sa prosesong ito, mauunawaan mo ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili, at malalaman mo na labis kang di-dalisay, nagkikimkim ka ng napakaraming personal na motibo, at may napakaraming pagnanasa habang tinutupad ang iyong mga tungkulin. Sa sandaling naunawaan mo na ang diwa ng mga bagay na ito, makakaya mo nang humarap sa Diyos sa panalangin at tunay na magsisi; sa ganitong paraan, malilinisan ka ng mga karumihan. Kung, sa ganitong paraan, madalas mong hinahanap ang katotohanan upang malutas ang iyong mga sariling praktikal na problema, unti-unting tatapak ka sa tamang landas ng pananampalataya. Mas dinadalisay ang tiwaling disposisyon ng sinuman, mas magbabagong-anyo ang disposisyon ng kanilang buhay.

Sa saligan, gaano ninyo tunay na tinutupad ang inyong tungkulin? Gaano ninyo tinutupad ang inyong tungkulin alinsunod sa katotohanan pagkaraang nabago na ang inyong disposisyon? Sa pagsusuri nito, malalaman mo kung gaano aktwal na nagbago ang iyong disposisyon. Ang pagkakamit ng pagbabagong-anyo sa disposisyon ng isang tao ay hindi isang simpleng bagay; hindi ito nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng ilang mga pagbabago sa pag-uugali, pagkakamit ng ilang kaalaman sa katotohanan, kakayahang makapagsabi ng kaunting kaalaman ukol sa karanasan sa bawat aspekto ng katotohanan, o magbago nang kaunti o bahagyang maging masunurin pagkaraang madisiplina. Ang mga bagay na ito ay hindi bumubuo ng pagbabagong-anyo ng disposisyon sa buhay ng isang tao. Bakit Ko sinasabi ito? Bagama't magagawa mong isaisantabi ang ilang bagay, ang ginagawa mo ay hindi pa umaabot sa antas ng tunay na pagsasagawa ng katotohanan. O, dahil marahil sumandaling nasa angkop na kapaligiran ka, at kanais-nais na kalagayan, o napilit ka ng mga kasalukuyang pangyayari, umaasal ka sa ganitong paraan. Dagdag pa rito, kapag matatag ang katayuan ng iyong isip at gumagawa ang Banal na Espiritu, nakapagsasagawa ka. Kung sumasailalim ka sa mga pagsubok, at nagdurusa sa mga ito tulad ng ginawa ni Job, o tulad ni Pedro na hiniling ng Diyos na mamatay, magagawa mo bang sabihin na "Kahit na mamatay ako matapos Kang makilala, ito ay magiging maayos"? Hindi nagaganap nang magdamag ang pagbabagong-anyo sa disposisyon, at kapag naunawaan mo na ang katotohanan ay hindi nangangahulugang makakaya mong isagawa ito sa bawat kapaligiran. Nasasangkot dito ang kalikasan ng tao. Minsan, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang ikinikilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Maraming tao na may ilang pag-uugaling ipinapakita, tulad ng pagsasantabi sa pamilya at trabaho at pagganap ng kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayunpaman, hindi kinikilala ng Diyos na sila ay nagsasagawa ng katotohanan. Kapag ang mga ginagawa mo ay may personal na motibo at hindi puro, hindi mo isinasagawa ang katotohanan; nagpapakita ka lamang nang mababaw na pag-uugali. Ang totoo, malamang na isumpa ng Diyos ang ganitong klaseng pag-uugali; hindi Niya ito pupurihin o maaalala. Kung mas susuriin pa ito, gumagawa ka ng masama at ang pag-uugali mo ay laban sa Diyos. Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng totoong pinsala o nakalabag ng anumang katotohanan. Mukhang makatwiran at makatarungan iyon, subalit ang diwa ng iyong mga kilos ay patungkol sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatuwid ay dapat kang magpasiya kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan sa pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga kilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi iyon nakasalalay sa pananaw ng tao kung ang mga kilos mo ba ay base sa imahinasyon at intensyon ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa; ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Bagkus, nakadepende iyon sa pagsasabi ng Diyos kung sumusunod ka o hindi sa Kanyang kalooban, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihiling at pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihiling ng Diyos ang tama. Ang pagbabago sa disposisyon at pagsasagawa ng katotohanan ay hindi kasingpayak at kasindali ng inaakala ng tao. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? May karanasan ka ba rito? Pagdating sa diwa ng isang suliranin, maaaring hindi ninyo ito maunawaan; labis na mababaw ang inyong pagpasok. Paroo't parito kayo sa maghapon, mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, bumabangon nang maaga at natutulog nang gabing-gabi na, subalit hindi pa ninyo nakakamit ang pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, at hindi ninyo maintindihan kung ano ang kailangan sa gayong pagbabago. Ibig sabihin ay napakababaw ng inyong pagpasok, hindi ba? Gaano katagal man kayo naniniwala sa Diyos, maaaring hindi ninyo madama ang diwa at malalalim na bagay na gagawin sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon. Paano ninyo malalaman kung pinupuri kayo ng Diyos o hindi? Kahit paano, madarama mo ang natatanging katatagan hinggil sa lahat ng iyong ginagawa, at madarama mo na ginagabayan at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu at gumagawa Siya sa iyo habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang anumang gawain sa tahanan ng Diyos, o karaniwan. Ganap na aakma sa mga salita ng Diyos ang iyong pag-uugali, at kapag nagtamo ka na ng ilang antas ng karanasan, madarama mo na naangkop kahit papaano kung paano ka kumilos noong araw. Gayunman, kung makaraang magtamo ng karanasan sa loob ng ilang panahon, nadarama mo na hindi angkop ang ilan sa mga bagay na ginawa mo noong araw, at hindi ka nasisiyahan sa mga iyon, at nadarama mo na talagang walang katotohanan sa mga bagay na iyong ginawa, pinatutunayan nito, kung gayon, na ang lahat ng iyong nagawa ay ginawa bilang paglaban sa Diyos. Katunayan ito na ang iyong paglilingkod ay puno ng pagkasuwail, paglaban, at mga paraan ng pagkilos ng tao.

Hinango mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo


Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar