Araw-araw na mga Salita ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin | Sipi 416
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Dati-rati ay wala sa loob ang mga panalangin at basta matapos na lang iyon ng tao sa harap ng Diyos, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang panalangin sa Diyos? Ang panalangin ay nagmumula sa pagsasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nananalangin sa maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o hindi nagninilay ng mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng panalangin-at kahit na manalangin ka, hindi naman tapat ang sasabihin mo, kaya't hindi ka talaga nananalangin.
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig ng Diyos-at mapapatunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?
At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: "O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin." Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapapalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos. Ang panalangin ay napakahalaga para sa inyo. Kapag ikaw ay nananalangin, tinatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, ang iyong puso sa gayon ay inaantig ng Diyos, at ang lakas ng pag-ibig para sa Diyos sa loob mo ay lumalabas. Kung hindi ka mananalangin gamit ang iyong puso, kung hindi mo bubuksan ang iyong puso para makipagniig sa Diyos, kung gayon hindi magkakaroon ng paraan ang Diyos na makagawa sa loob mo. Kung, sa pananalangin, nasabi mo na ang lahat ng mga salita sa loob ng iyong puso at ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumana, kung hindi nararamdaman na inantig ka sa loob, kung gayon ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi masigasig, na ang iyong mga salita ay hindi tunay, at hindi pa rin dalisay. Kung, sa pananalangin, ikaw ay nalulugod, kung gayon ang iyong mga panalangin ay natanggap na ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay gumana na sa loob mo. Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagkaalipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa bawat araw at lahat ng araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung nagdarasal ka nang may dalisay na puso at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos na gaya nito, lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo ito araw-araw, kung araw-araw mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakikipagniig at nakikipag-usap ka sa Kanya, siguradong madaragdagan ang iyong kaalaman ukol sa Diyos, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: "O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maialay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa Ka sa loob namin, para tunay kong maiibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad." Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para rin sa pagganap sa kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nananalangin ka ba upang magampanan ang kalooban ng Diyos?
Noong una, hindi ninyo alam kung paano manalangin, at nakaligtaan ang panalangin; sa kasalukuyan, dapat ninyong gawin ang inyong makakaya na sanayin ang inyong mga sarili na manalangin. Kung hindi mo nagagawang tawagin ang lakas sa loob mo upang ibigin ang Diyos, kung gayon paano ka makakapanalangin? Dapat mong sabihin: "O Diyos! Ang aking puso ay walang kakayahan na ibigin Ka nang tunay, nais kong ibigin Ka ngunit wala akong lakas. Ano ang dapat kong gawin? Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahubaran ako sa lahat ng walang kibong mga kalagayan, at 'di mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ganap na ipinapahayag ko sa harap Mo, anupa't ang aking buong pagkatao ay inaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay. Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at, higit sa rito, ang aking buhay ay pinamamahalaan ng Iyong mga kamay. Ngayon, hinahangad ko ang aking pag-ibig sa Iyo, at hindi alintana kung hahayaan Mo man akong ibigin Ka, at hindi alintana kung paano man manghimasok si Satanas, determinado ako na ibigin Ka." Kapag nakasagupa ka ng gayong mga bagay, manalangin ka sa ganitong paraan. Kung gagawin mo iyon araw-araw, ang lakas upang ibigin ang Diyos ay unti-unting tataas.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nagsasagawa ka ba ng panalangin sa umaga sa bawat araw? Alam mo ba kung paano pumasok sa tunay na panalangin at mamuhay sa harap ng Diyos sa buong araw? Makinig sa 10 napiling mga himno upang malaman ang landas.
Rekomendasyon:
• Tagalog Devotional Topics: Tips to Get Close to God
• Ang Normal na Espirituwal na Buhay ay Inaakay ang mga Tao Patungo sa Tamang Landas | Sipi 413