Salita ng Diyos Ngayong Araw | Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro | Sipi 567
Salita ng Diyos Ngayong Araw | Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro | Sipi 567
Bilang buod, ang pagtahak sa landas ni Pedro sa pananampalataya ng isang tao ay nangangahulugan ng paglakad sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas para tunay niyang makilala ang kanyang sarili at mabago ang kanyang disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng paglakad sa landas ni Pedro mapupunta ang isang tao sa landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isang tao kung paano ba talaga lumakad sa landas ni Pedro, gayundin kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isang tao ang kanyang mga sariling layunin, mga di-wastong paghahangad, at maging ang kanyang pamilya at lahat ng bagay na para sa kanyang sariling laman. Dapat buong-pusong mag-ukol ang isang tao, na ang ibig sabihin, kailangang ganap niyang ilaan ang kanyang sarili sa salita ng Diyos, magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tumutok sa paghahanap sa katotohanan at sa paghahanap sa mga hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba't ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba't ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba't ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos-ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan-mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama't ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok, subalit hindi nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawa ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa mga pagbigkas ng Diyos, nagtuon siya lalo na sa mga hinihiling ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita. Sa alinmang mga aspeto dapat bigyang-kasiyahan ng tao ang Diyos upang makaayon sa kalooban ng Diyos, nagawang magsikap nang husto ni Pedro sa mga aspetong ito at nakamtan ang buong kalinawan; lubhang kapaki-pakinabang patungkol sa sarili niyang pagpasok. Anuman ang pinatungkulan ng Diyos, basta't ang mga salitang iyon ay maaaring maging kanyang buhay at nabibilang ang mga ito sa katotohanan, nakaya ni Pedro na iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na pagbulayan at pahalagahan ang mga ito. Matapos mapakinggan ang mga salita ni Jesus nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Ibig sabihin, nakaya niyang malayang isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at mapahanay sa kalooban ng Diyos, kumilos nang lubusang naaayon sa intensiyon ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ang serbisyo ni Pedro ay kahanay sa kalooban ng Diyos, una sa lahat, dahil ginawa niya na ito.
Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang tinutupad ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kayang pumasok sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong gagawing perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa gayong mga tao, na ang mga salita ng Diyos ay naging mga buhay nila, na nakamit na nila ang katotohanan, at na nagagawa nilang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanilang laman-iyon ay, ang pinakasaligan ng kanilang orihinal na pag-iral-ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, magiging mga bagong tao sila. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay nila, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa sangkatauhan, ang Kanyang mga pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na hinihingi ng Diyos na magawa nila ay maging buhay nila, kung nabubuhay sila alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao, at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas kung paano naghabol si Pedro sa katotohanan; ito ay ang landas ng pagiging ginagawang perpekto, ginagawang perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at nagkakamit ng buhay mula sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan na ipinapahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at sa gayon lamang siya naging isang tao na nakamit ang katotohanan.
Hinango mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo