Bakit ilalagay ng Diyos ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos sa kalagitnaan ng mga kalamidad?

22.02.2020

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng lumalaban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako'y isang mapanibughuing Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan ko ang buong daigdig, at, nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

-mula sa "Kabanata 26" ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawat tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat ninyong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinaparusahan ay pinaparusahan nang gayon dahil sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa. ...

Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, ang taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali't nakasunod na sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagbabayad ng kanilang mga kasalanan; sila man, na nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita na sa milyon-milyong taon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang kalagayan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan.

-mula sa "Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa naitalang ito na kuwento ni Noe, may nakikita ba kayong bahagi ng disposisyon ng Diyos? May hangganan ang pagpapasensiya ng Diyos para sa katiwalian, karumihan at karahasan ng tao. Kapag umabot Siya sa hangganang iyon, hindi na Siya magiging mapagpasensiya at sa halip ay sisimulan na ang Kanyang bagong pamamahala at bagong plano, sisimulan nang gawin ang dapat Niyang gawin, ibunyag ang Kanyang mga gawa at ang kabilang bahagi ng Kanyang disposisyon. Ang pagkilos Niyang ito ay hindi upang ipakita na hindi Siya dapat saktan kailanman ng tao o ipakita na Siya ay puno ng awtoridad at poot, at hindi upang ipakita na kaya Niyang wasakin ang sangkatauhan. Ito ay dahil ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang banal na diwa ay hindi na maaaring pahintulutan, ubos na ang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan na mabuhay sa Kanyang harapan, mabuhay sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Ang ibig sabihin, kapag ang buong sangkatauhan ay laban sa Kanya, kapag wala Siyang maaaring iligtas sa buong mundo, wala na Siyang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan, at isasagawa nang walang anumang pag-aalinlangan ang Kanyang plano-ang wasakin ang ganitong uri ng sangkatauhan. Ang ganitong kilos ng Diyos ay itinakda ng Kanyang disposisyon. Ito ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan, at isang kahihinatnan na dapat tiisin ng bawat nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos.

-mula sa "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga yugto ng gawain ng Diyos, ang paraan ng pagliligtas ay sa pamamagitan pa rin ng iba't ibang uri ng mga sakuna at lahat niyaong napabilang ay hindi matatakasan ang mga ito. Sa katapusan lamang ang kalagayan na "kasingpayapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa 'mga pagtatalo ng bibig at dila'" ay makakayang lumitaw sa daigdig. Ang isang aspeto ng gawain ng Diyos ay ang malupig ang buong sangkatauhan at makamit ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang isa pang aspeto ay ang malupig ang lahat ng anak ng paghihimagsik sa pamamagitan ng iba't ibang sakuna. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa paraan lamang na ito maaaring lubusang matatamo ang kaharian sa daigdig na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng gawain ng Diyos na tulad ng dalisay na ginto.

-mula sa "Kabanata 17" ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, kaya't nanginginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Aking inihahagis pababa? Saanman Ako pumunta nagpakalat na Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung paano Ako gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas para sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Inaasam Kong magkaroon pa ng mas maraming tao na makakilala sa Akin, makakita sa Akin, at sa ganitong paraan igalang ang Diyos na hindi pa nila nakita sa loob ng maraming taon nguni't sino, ngayon, ay tunay.

-mula sa "Kabanata 10" ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa yugtong ito ng gawain, dahil nais ng Diyos na ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa sa buong daigdig upang ang buong sangkatauhan na nagkanulo sa Kanya ay bumalik muli para yumuko sa pagpapasakop sa harap ng Kanyang trono, kaya mayroon pa ring kahabagan at pag-ibig ng Diyos sa loob ng paghatol ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga kasalukuyang pangyayari sa buong mundo upang yanigin ang mga puso ng mga tao, inaantig silang hanapin ang Diyos upang maaaring dumaloy sila sa Kanya. Kaya sinasabi ng Diyos, "Isa ito sa mga paraan kung saan Ako ay gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig."

-mula sa "Kabanata 10" ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/gospel/refuse-to-accept-almighty-god-into-the-disasters.html 


¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar