Naganap Na ang Mga Kalamidad na Propesiya sa Bibliya: Paano Hahanapin ang Kalooban ng Diyos

15.06.2021

Sa mga nagdaang panahon, ang mga sakuna tulad ng lindol, pagbaha, mga pulutong ng mga balang, sunog, epidemya, at mga taggutom ay patuloy na lumalaganap, at ang saklaw ng pagkalat na ito ay lalong mas palawak nang palawak. Ang partikular na tala ay ang coronavirus, isang salot na nagawang makapasok sa bawat bansa sa mundo na maraming tao ang namamatay bilang resulta. Kapag nakikita natin ang gayong mga sakuna na nangyayari nang madalas, tayo ay napupuno ng takot at nakakaramdam ng kawalan, at ang tangi nating magagawa ay patuloy na tumawag sa Panginoon para sa pangangalaga. Maaari bang ang dahilan kung kaya pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang mga sakuna ay dahil nais Niyang tumawag tayo sa Kanya at humiling sa Kanya ng Kanyang pangangalaga? Ano ba ang hangarin ng Diyos? Paano natin makakamit ang pangangalaga ng Diyos kapag naganap ang sakuna? Ngayon, pag-usapan at tuklasin natin ang isyung ito upang maunawaan natin ang hangarin ng Diyos at mahanap ang landas sa pagkamit ng Kanyang pangangalaga.

Sa katotohanan, pinapahintulutan ng Diyos ang mga sakuna na mangyari sa atin upang magsilbing paalala at mga babala sa atin. Ngunit ano ang binabalaan Niya sa atin? Alam nating lahat na sa mundong ito ngayon, ang mga tao ay naging mas masasama at tiwali. Lahat ay ginugugol ang kanilang buhay sa pagpapasasa sa katakawan, paghahanap ng kasiyahan at kamunduhan, mga sensuwal na pagnanasa. Ang mga tao ay nakikipagtalo sa isa't isa sa paghahabol ng kita at puno ng kasinungalingan at karahasan. Nawala ang kanilang dignidad at integridad, kanilang konsensya at kanilang katuwiran matagal na, at kung minsan ay hindi rin kinikilala ang pagkakaroon ng Diyos, at iilan lamang ang nauuhaw sa katotohanan at nananabik para sa tunay na liwanag na magpakita. Maging ang mga naniniwala sa Panginoon ay sumusunod din sa mga kalakaran ng mundo sa paghahabol ng pera, katanyagan at kapalaran; gusto nila ang kasiyahan ng laman at nabubuhay sa kasalanan, hindi makatakas. Ang mga tao sa mundong ito ngayon ay kasing sama at tiwali gaya sa mga panahon ni Noe. Ang Panginoong Jesus ay minsan ng nagpropesiya, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:37). Alam natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na sa oras ng mga huling araw kung kailan ang tao ay magiging kasing tiwali tulad ng sa panahon ni Noe, ang Panginoon ay babalik na. Ngunit ang mga tao ay naging masyadong tiwali, na walang sinumang aktibong naghahanap sa Diyos o sa Kanyang pagpapakita at gawain, at kahit na naririnig nila ang isang tao na nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, hindi pa rin nila aktibong hinahanap ang katotohanan o mas masuri pa ito. Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga sakuna na ito na mangyari, ang Diyos ay nagpapadala sa atin ng mga babala upang pukawin ang ating mga di-mabuting puso upang malinaw nating makita na ang propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natutupad na at ang Panginoon ay matagal nang bumalik. Dapat nating hanapin ang pagpapakita ng Diyos nang walang pagkaantala. Kung hindi natin masasalubong ang Panginoon bago dumating ang matinding kapighatian, magdaranas lamang tayo ng matinding kapighatian at parurusahan.

Matagal ng sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan" (Mateo 7:8). Nangangahulugan ito na ang mga tao ay mangangaral at magpapatotoo kapag ang Panginoon ay bumalik. Kapag narinig ang mga salitang "ang kasintahang lalaki," dapat na aktibong maghanap at suriin ng mga tao ang pagbabalik ng Panginoon, sapagkat tanging sa pamamagitan lamang nito nila masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Tulad ngayon, sa buong mundo, tanging ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus. Nagpahayag Siya ng katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, sa gayon tinutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48). At sabi sa 1 Pedro 4:17, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios." Isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa batayan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Kahit na tayo ay naniniwala sa Panginoon at nakatanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, ang ating makasalanang kalikasan ay nasa loob pa rin natin. Kaya, ang ating isinasabuhay ay pagmamataas at kapalaluan, kabuktutan at katusuhan, pagkamakasarili at imoral na pag-uugali, kasamaan at kasakiman at iba pang satanikong disposisyon. Tayo ay palaging nagkakasala, at naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, hindi kayang makawala sa gapos ng kasalanan. Samakatwid, kapag bumalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, Siya ay magsasagawa pa rin ng gawain ng paghatol at pagdadalisay ng tao, kumpletong aalisin sa sangkatauhan ang ating makasalanang kalikasan, inililigtas tayo sa impluwensya ni Satanas, inililigtas tayo mula sa mga sakuna, at dinadala tayo sa kaharian ng Diyos. Gaya ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

Nakaharap sa ebanghelyo na ito tungkol sa pagdating ng kaharian ng langit, gaano karaming mga tao ang aktibong naghahanap at nagsisiyasat sa totoong daan? Maraming mga tao ang walang malasakit at nagpapatuloy sa kanilang pagiging suwail. Hindi nila sinasaliksik at sinisiyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at hindi rin sila nakatuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos upang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Ano ang problema dito? Ipinapakita nito na tayong mga tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan; nais lamang nating madala sa kaharian ng langit at makatanggap ng mga pagpapala. Hindi natin ninanais na makaranas ng paghatol at pagkastigo, bagkus ay puno ng lahat ng uri ng tiwaling satanikong disposisyon. Kaya paano tayo malilinis kung hindi mararanasan ang paghatol at gawain ng paglilinis ng Diyos sa mga huling araw? Ang mga tao ay namumuhay pa rin sa kasalanan, lumalaban sa Diyos at naghihimagsik laban sa Diyos sa anumang oras, kahit saan, at ang ilan ay sinusubukan pa ring lubusang hatulan at kalabanin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Maaari bang makatakas ang gayong tao sa matinding kapighatian? Sabi ng mga salita ng Diyos, "Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa isang nakapanghihinang punto, kinailangan ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Nguni't dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba't ibang mga paraan upang tubusin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos." "Sa kalawakan ng mundo, napakaraming pagbabago nang nangyari, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng bagay sa sansinukob, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Isang sangkatauhan na nagwasak sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo: Napag-isipan na ba ng sinuman ang direksyong maaaring patunguhan ng sangkatauhang ito? Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip-dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo-tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala't pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa."

Mauunawaan natin mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos ay nagtataglay ng kakanyahan ng kabanalan at kinasusuklaman ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Yamang ang tao ay masyadong naging tiwali, ang Diyos ay walang ibang pagpipilian kundi pahintulutan ang mga sakuna na mangyari sa sangkatauhan; gayunpaman, yamang ginawa ng Diyos ang tao, hindi rin Niya makaya na makita ang tao na mawasak sa ganitong paraan, kaya samakatuwid, bago isagawa ng Diyos ang matinding kapighatian, bibigyan Niya ang bawat tao ng pagkakataon na tanggapin ang Kanyang kaligtasan sa mga huling araw. Ito ay katulad ng panahon na hinayaan ng Diyos na ipangaral ni Noe ang ebanghelyo, sa loob ng halos higit na isang siglo, binigyan ng Diyos ang tao ng pagkakataon na lumapit sa Kanya upang matanggap ang Kanyang kaligtasan, ngunit dahil hindi maunawaan ng tao ang hangarin ng Diyos na mailigtas ang tao sa oras na yaon, matigas na kumalaban at sumalungat ang tao. Hindi tinanggap ng tao ang kaligtasan ng Diyos at sa huli ay nawasak sa baha. Ang kahalintulad ay totoo sa ikalawang pagparito ng Panginoon sa mga huling araw. Ang tao ay binigyan ng maraming oras, ang Makapangyarihang Diyos ay gumawa nang halos 30 taon mula noong taong 1991. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pati na rin ang iba't ibang mga pelikula ng ebanghelyo, comic sketches, mga gawang koro, at lahat ng uri ng mga patotoo ng mga piniling tao ng Diyos na sumailalim sa pagbabago ng kanilang mga disposisyon-lahat ng ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-ay nailathala din online, at naroon para gamitin ng mga tao mula sa buong mundo sa kanilang mga paghahanap at pagsisiyasat. Ginagamit din ng Diyos ang mga taong nangangaral sa atin at sumasaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang ebanghelyo ng pagdating ng kaharian ng langit ay kumakalat sa buong mundo. Gaano karaming mga tao ang aktibong naghahanap at nagsisiyasat sa totoong daan? Paano maiiwasan ng gayong mga tiwaling tao na lumalaban at tumatanggi sa Diyos ang Kanyang poot? Sa ngayon, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malapit nang matapos, at ang matinding kapighatian, ang katulad nang hindi pa nakikita sa loob ng milenyo, ay malapit na. Tulad ng iprinopesiya ng Panginoong Jesus, "Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man" (Mateo 24:21). Ang oras na pinahintulutan ng Diyos para sa tao ay nauubos na, at ang pintuan ng biyaya ay malapit nang isara. Kung patuloy na kumakalaban at sumasalungat ang tao sa Diyos, at tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, masasaktan niya ang dangal ng Diyos, na magdudulot sa kanya na lumago ang galit ng Diyos, at siya ay pupuksain ng Diyos sa matinding kapighatian, ang katulad nang hindi pa nakita sa loob ng milenyo. Samakatuwid, nauunawaan na natin ngayon na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang mga sakuna na ito bilang isang paraan upang balaan tayo at para paalalahanan tayo. Ipinapakita nito sa atin na ang Diyos ay maawain at nagmamalasakit sa atin, at na binigyan Niya tayo ng pagkakataon na magsisi. Ang magagawa natin ay 'wag palampasin ang napakahalagang oportunidad na ito upang hanapin at saliksikin ang pagpapakita ng Diyos at gawain sa mga huling araw, tanggapin ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga salita sa mga huling araw, at magawang malinis ang ating mga tiwaling disposisyon. Kapag nakikita ng Diyos ang ating sinseridad, dadalhin Niya tayo sa ilalim ng Kanyang pangangalaga sa gitna ng mga sakuna.


Ang mga sakuna ay lumalaki sa antas, at ang Panginoon ay dapat nagbalik na. Ngunit paano darating ang Panginoon? Kung hindi ka malinaw tungkol sa katanungang ito, kung gayon paano ito posible sa iyo na matanggap ang Panginoon? Huwag mag-alala! Ang Mga Paksa sa Pag-aaral ng Bibliya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga paraan ng pagdating ng Panginoon at maagang masalubong ang Panginoon!

Rekomendasyon:

Mabuting Balita ng Panginoon: Kung Paano Kakatok sa Pinto ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik

Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw: Ang Paraan upang masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar