Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit?
Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: "Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka't tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin" (1Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). "... kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.
Sagot: Noong araw, dati-rati'y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa salita ni Pablo na manalig sa Panginoon at kumilos para sa Panginoon. Sumunod tayo sa salita ni Pablo kahit tungkol sa pagbalik ng Panginoon, pero iwinaksi natin ang salita ng Panginoong Jesus. Hindi ba problema nga ito? Kapag nananalig tayo sa Diyos, dapat ba tayong makinig sa salita ng Diyos o ng tao? Tungkol naman sa salita ni Pablo sa Biblia, salita ba iyon ng Diyos o ng tao? Tungkol sa kung paano matutukoy kung salita ito ng Diyos o ng tao, isantabi muna natin iyan. Pero matitiyak natin na ang mga salita ni Jehova at ng Panginoong Jesus sa Biblia ay mga salita ng Diyos. Walang makakapagkaila niyan. Ang mga salita ng mga apostol na gaya ni Pablo ay siguradong mga salita ng tao. Kahit sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu, mga salita pa rin iyon ng tao, lubos na hindi salita ng Diyos. Dahil hindi pinatotohanan ng Panginoong Jesus ni ng Banal na Espiritu na ang salita ng mga apostol, gaya ni Pablo, ay salita ng Diyos. Kahit ang mga apostol mismo ay hindi sinabi na ang isinulat nila ay salita ng Diyos. Hindi ba iyan ang totoo? Ang mga salita ng tao sa Biblia ay mga salita ng tao at hindi maituturing na salita ng Diyos, ni magagamit bilang batayan na para bang salita ito ng Diyos dahil ang ilan sa mga salita ng tao ay nagmula sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu samantalang ang ilan ay may halong kagustuhan ng tao. Hindi pagpapahayag ng katotohanan ang mga iyon. Kung ituturing nating katotohanan ang salita ng tao, madali itong magsasanhi ng pagkalito at walang kahihinatnan para sa tao. Bakit naglitawan ang libu-libong denominasyon sa buong komunidad ng mga relihiyon? Ang ugat nito ay dahil ipinakahulugan ng tao ang salita ng tao sa Biblia bilang salita ng Diyos, kaya nagkaroon ng napakalaking pagkalito. Tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit, dapat ay sa salita ng Panginoong Jesus lamang tayo sumunod sa huli I dahil ang Panginoong Jesus ang Cristo na nagkatawang-tao. Ang Panginoong Jesus lamang ang Tagapagligtas. Ang salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan. Ang salita lamang nPanginoong Jesus ang may awtoridad. Si Pablo ay tao lamang. Hindi siya si Cristo. Hindi niya maipahayag ang katotohanan. Kaya hindi naiwasang mahaluan ng kagustuhan at imahinasyon ng tao ang kanyang salita. Kahit si Pablo ay hindi nangahas na sabihin na binigyang-inspirasyon ng Diyos ang kanyang salita, ni ang kanyang mga sulat ay salita ng Diyos. Hindi ba katawa-tawa kung ituturing nating salita ng Diyos ang salita ni Pablo? Kaya sumusunod man tayo sa kalooban ng Diyos o karapat-dapat tayong madala sa kaharian ng langit o hindi, dapat ay sa salita lamang ng Panginoong Jesus tayo sumunod para siyasatin ang ating sarili at hanapin ang katotohanan para malaman ang tamang sagot.
Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos para mas malinawan dito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay Biblia. Kaya naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita lamang na binigkas ng Diyos, at na lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama't lahat sa animnapu't anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, I lahat ng ito ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga binigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling paliwanag ng mga tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa paliwanag ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resultang lahat ito ng paliwanag ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu- hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Philadelphia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito direktang binigkas ng Banal na Espiritu. ... Lahat ng sinabi niya na nakakasigla at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga binigkas ng Banal na Espiritu, at hindi niya maaaring katawanin ang Diyos. Kapansin-pansing pag-unawa, at malaking kalapastangan sa Diyos, ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! ... Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa lang siyang nagtatrabahong apostol, at isa lang siyang apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya isang propeta, ni isang manghuhula. Kaya para sa kanya, ang sarili niyang gawain at ang buhay ng mga kapatid ang pinakamahalaga. Sa gayon, hindi siya makapagsasalita sa ngalan ng Banal na Espiritu. Ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng Banal na Espiritu, at lalong hindi masasabi na mga salita iyon ng Diyos, sapagkat si Pablo ay nilalang lamang ng Diyos, at tiyak na hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi kapareho ng kay Jesus. Ang mga salita ni Jesus ang mga salita ng Banal na Espiritu, ito ang mga salita ng Diyos, sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay kapareho ng kay Cristo-ang Anak ng Diyos. Paano Siya makakapantay ni Pablo? Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga binigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang walang delikadesa. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito'y wala nang iba kundi kalapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang binigkas na para bang ang mga ito ay isang 'banal na aklat,' o isang 'aklat na makalangit'? Maaari bang bigkasin ng tao na parang balewala ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?" ("Patungkol sa Biblia (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba. ... Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may substansya ng Diyos, at ang tao ay may substansya ng tao. Kung tinitingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, kung gayon ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o sabihin ang mataas bilang mababa, o sabihin ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan" ("Punong Salita" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sigurado, maraming nananalig sa Panginoon na sumusunod sa salita ni Pablo habang naghihintay na magpakita ang Panginoon: "Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka't tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin" (1Corinto 15:52). Masyadong katawa-tawa at malaking kalokohan ito. Kasi ang salita ng tao ay hindi kumakatawan sa salita ng Diyos, at ang salita ng tao ay nahaluan ng mga layunin ng tao. Kahit ang ilan sa mga ibig sabihin niyon ay medyo bumabanggit sa salita ng Diyos, hindi iyon lubos na salita ng Diyos. May sinabi ba ang Panginoong Jesus na kahalintulad nitong pahayag ni Pablo? May kahalintulad na pahayag ba ang mga propeta? Pinatotohanan ba ng Banal na Espiritu na ang mga sulat ni Pablo ay salita ng Diyos? Sinabi ba sa pahayag ng Banal na Espiritu sa tao na sumunod sa salita ni Pablo para masalubong nila ang Panginoong Jesus sa Kanyang ikalawang pagparito? Hindi nga! Wala tayong makikitang gayong katotohanan o patotoo. Kaya, ang salita ni Pablo ay maaari lamang gamitin bilang reperensya, hindi bilang batayan. Patungkol sa paghihintay sa Panginoon na dalhin at ipasok tayo sa kaharian ng langit, kung susunod tayo sa salita ni Pablo sa halip na sa salita ng Diyos bilang batayan, na tinatanggap ang ating pantasiya at maghihintay sa Panginoon na dumating at agad baguhin ang ating imahe, napakadaling magkamali at baka pabayaan tayo ng Panginoon. Sa katunayan, pagdating sa klase ng gawaing gagawin ng Panginoong Jesus kapag nagbalik Siya sa mga huling araw, kung paano babaguhin at gagawing banal ng Panginoon ang tao, ipinropesiya ang mga ito sa Biblia. Let's read some verses.
"Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1Pedro4:17).
"At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48).
"Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13).
"Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. ... Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. ... At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan" (Juan 17:15, Juan 17:17, Juan 17:19).
Mula sa mga talatang ito nakikita natin, ang pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw ay para ipahayag ang katotohanan, isagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at gabayan ang tao upang maunawaan at mapasok ang lahat ng katotohanan. Sa pagkakaroon lamang ng karanasan sa paghatol ng salita ng Diyos natin mauunawaan ang katotohanan, matatanggap ang paglilinis, at magiging karapat-dapat tayong pumasok sa kaharian ng Diyos. Samakatwid, ang sinabi ni Pablo na, "Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin" (1Corinto 15:52), mali ang pahayag na ito, masyado nitong ililigaw ang tao. Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naghihintay lang nang ganito sa Panginoon na dumating at baguhin ang kanilang imahe at dalhin sila sa kaharian ng langit. Hindi man lang nila isinasagawa ang salita ng Panginoon at hindi nila alam kung paano sundin ang kalooban ng Diyos. Sumusunod lang sila sa sarili nilang kasigasigang gumugol at magtrabaho para sa Panginoon, mamuhay sa ilalim ng mga kundisyon ng pagkakasala at pagsisisi araw-araw nang hindi man lang tunay na nagsisisi o lumalayo sa gumagapos at kumokontrol na makasalanang pag-uugali. Ang mga taong ito ay sumusunod sa salita ni Pablo na maghintay sa pagpapakita at pagbaba ng Panginoon. Praktikal ba iyan? Maaari bang kumilos nang ganito ang Panginoon? Sinasabi ba ninyo na may mga pakinabang sa "propesiya" na ito ni Pablo para sa atin sa pagpasok sa buhay? Kung lahat tayo ay susunod sa salitang ito ni Pablo na maghintay sa pagdating ng Panginoon, matutupad ba ang sinabi ng Panginoon sa Kanyang propesiya? "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). Paano matutupad ang propesiyang ito? Sino pa ang maaaring aktibong maghanap at mag-aral ng tunay na daan, maghanap sa mga yapak ng Diyos, at makinig sa tinig ng Diyos?
Sa pagkakaroon ng karanasan sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, isang katotohanan ang nakikita nating lahat, na talagang nakagawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay bago mangyari ang sakuna. Malapit na ang sakuna. Mula sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw hanggang sa pagdating ng sakuna, may mga tatlumpung taon. Kahit hindi masyadong matagal ang panahong ito, hindi ito katulad ng sinabi ni Pablo na sa isang kisap-mata, magbabagong-anyo ang tao at magiging banal. Ang malabong salitang sinabi ni Pablo ay parang himala sa mga tao, kung saan hindi binanggit ang propesiya ng Panginoong Jesus na maririnig ang tinig ng Diyos at madadala sa hapunan. Ang mga propesiya ng Panginoong Jesus lalo na ay praktikal, tumpak at lubos na nakaayon sa mga katotohanan. Halos hindi natin maunawaan kapag nagkakatotoo ang mga propesiya. Kapag nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos at nagsisimulang magsagawa at magsalita, maraming nakakarinig sa tinig ng Diyos at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Ang proseso ng kanilang karanasan sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay lubos na tumutupad sa mga propesiya sa Aklat ng Pahayag: "Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero" (Pahayag 19:9). Pero ang "propesiya" ni Pablo ay hindi natupad kailanman. Bukod pa riyan, hindi propeta si Pablo. Ang sinasabing kanyang "propesiya" ay nagmula marahil sa mga ideya at imahinasyon ng tao. Ang mga propesiya ng Panginoong Jesus ay natutupad samantalang ang mga salita ni Pablo ay hindi nagkatotoo kailanman. Napakalaki ng pagkakaiba ng dalawa! Ito ang pagkakaiba ng salita ng tao sa salita ng Diyos. Kaya, hindi maaaring gawing batayan ang salita ni Pablo para makapasok tayo sa kaharian ng langit. Natatakot ako na kung sumusunod ang mga taong relihiyoso sa salita ni Pablo, naghihintay na dumating ang Panginoon at agad baguhin ang kanilang anyo at dalhin sila sa kaharian ng langit, magiging mga hangal na birhen sila na pababayaan ng Panginoon.
Nakikita nating lahat iyan. Kapag nagkatotoo ang mga propesiya sa Biblia, makikita ito ng halos lahat ng nananalig sa Panginoon. Pero walang paraan para makita natin kung paano nagkakatotoo ang mga salita ni Pablo. Anong problema ito? Sapat nang sabihin na ang salita ni Pablo ay lubos na hindi binigyang-inspirasyon ng Diyos. Lubos itong hindi maituturing na salita ng Diyos. Nakikita nating lahat na bawat pahayag ng Panginoong Jesus ay nagkakatotoo, at walang hindi nagkakatotoo. Hindi ba totoo iyan? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagpahayag ng maraming katotohanan, na naitala sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nailathala na ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Matapos mabasa ang maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, maraming mabubuting tupa at pinunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta ang nakatuklas na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at tinig ng Diyos, kaya sinusunod nilang lahat ang Makapangyarihang Diyos. Sila ang matatalinong birhen na dinala sa harapan ng luklukan ng Diyos bago dumating ang sakuna. Lahat sila ay dumadalo sa hapunan sa kasal ng Kordero. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan ..." (Juan 16:12-13). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Nakikita ba ninyo na lubos nang natupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus? Anumang salitang sinabi ng Panginoon, anumang salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay matutupad na lahat. Tiyak 'yan. Tulad nga ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas" (Mateo 24:35). Kung gayo'y tingnan ang mga salita ni Pablo, alin sa mga ito ang nagkatotoo na? Patungkol sa kung inspirado ng Diyos ang mga salitang sinabi ni Pablo, kung salita ng Diyos ang mga ito, hindi ba malinaw na ang lahat ng ito ngayon? Kung sa salita ni Pablo lang tayo susunod, at sobra-sobra nating hinihintay ang pagdating ng Panginoon sa ibabaw ng mga ulap at agad baguhin ang ating imahe sa halip na maghanap at makinig sa tinig ng Panginoon, ni hindi hinahanap ang mga yapak ng gawain ng Diyos, palagay ba ninyo hindi tayo mga hangal na birhen? Masasalubong ba ng ganitong mga tao ang Panginoon at madadala ba sila sa harap ng Diyos?
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Sandali ng Pangbabago
Ang pag-raptured bago ang sakuna ay ang pag-asa ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon. Ngayon ay nagsimula na ang malaking sakuna, ngunit bakit hindi pa tayo naraptured? Mag-click sa rapture in bible tagalog at pagkatapos ay mahahanap mo ang sagot.
Rekomendasyon:
• Online Tagalog Sermons - News of the Lord's Return
• Ang parabula ng sampung dalaga
• Sa Wakas Naunawaan Ko Na Kung Anong Uri ng Mga Tao ang Maaaring Pumasok sa Kaharian ng Langit (II)