Pang araw araw na Salita ng Diyos | Paunang Salita | Sipi 24
pang araw araw na Salita ng Diyos | Paunang Salita | Sipi 24
Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali't itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka't ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumilipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at sa sandaling ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang mag-isa, nguni't ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Bawa't bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Gayundin may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa Kanyang paraan ng paggawa, sa kinalalagyan ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Nguni't hindi alintana kung paano Siya sinasalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya'y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang masamang disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian
Ⅰ
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus, dinala N'ya panahon ng Biyaya, tinapos Panahon ng Kautusan. Muli Diyos naging tao sa mga huling araw. Dinala N'ya Panahon ng Kaharian, tinapos Panahon ng Biyaya. Gumawa sa gitna ng tao si Jesus para sangkatauha'y tubusin, inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili. Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili. Lahat ng tumatangap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos aakayin sa Panahon ng Kaharian at tatanggap ng Kanyang gabay.
Ⅱ
Para iligtas ang tao mula sa masamang impluwensya ni Satanas, hindi sapat maging handog sa sala si Jesus. Kailangang mas dakilang gawain ang gawin ng Diyos para maalis ang disposisyon ng tao na nabahiran ni Satanas. Gumawa sa gitna ng tao si Jesus para sangkatauha'y tubusin, inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili. Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili. Lahat ng tumatangap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos aakayin sa Panahon ng Kaharian at tatanggap ng Kanyang gabay.
Ⅲ
Matapos patawarin ang tao sa kanyang mga sala, bumalik ang Diyos sa katawang-tao para akayin ang tao sa isang bagong panahon, isang panahon ng pagkastigo't paghatol, tao ay itinataas sa isang mas mataas na antas. Gumawa sa gitna ng tao si Jesus para sangkatauha'y tubusin, inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili. Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili. Lahat ng tumatangap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos aakayin sa Panahon ng Kaharian at tatanggap ng Kanyang gabay.
Ⅳ
Lahat na nagpapasakop sa kapamahalaan N'ya aani ng mas mataas na katotohana't mas malaking pagpapala. O mabubuhay sila sa liwanag! At matatamo daan, katotohana't buhay! Gumawa sa gitna ng tao si Jesus para sangkatauha'y tubusin, inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili. Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili. Lahat ng tumatangap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos aakayin sa Panahon ng Kaharian at tatanggap ng Kanyang gabay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin