Ang Landas ... (3)
Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay makatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay kasama Kong manalangin sa Diyos: "O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay maaaring lubos na bumaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maaaring maantig Mo, at upang maaaring makita Ko ang Iyong pagiging kaibig-ibig sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumagal at kailanma'y hindi nagbabago!" Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang pagiging kaibig-ibig, kataasan, at kadakilaan ng Diyos. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: "O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking maaaring maunawaan ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at magawa ang Iyong kalooban." Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakagawa ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali't nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawat isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng tao, na ang bawat isang nasa lupa ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni't Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay maaaring mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay maaaring matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay maaaring makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.
Ako ay naniniwala na yamang maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain sa isang lungsod ng mga demonyo, kung gayon tiyak na kaya Niyang isakatuparan ang Kanyang gawain sa di-mabilang na mga lungsod ng mga demonyo sa buong sansinukob. Yaong mga kasama natin sa huling kapanahunan ay tiyak na makikita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay tinatawag na "ang pagsunod hanggang sa katapusan ay hahantong sa kaligtasan." Walang sinuman ang makapapalit sa Diyos sa yugtong ito ng Kanyang gawain-ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa nito. Ito ay dahil sa ito ay di-pangkaraniwan; ito ay isang yugto ng gawain ng paglupig, at hindi kayang lupigin ng mga tao ang ibang tao. Tanging ang mga salita mula sa sariling bibig ng Diyos at ang mga bagay na ginagawa Niya nang personal ang makalulupig sa sangkatauhan. Sa buong sansinukob, ginagamit ng Diyos ang bansa ng malaking pulang dragon bilang isang dakong subukan. Pagkatapos nito, sisimulan Niya ang gawaing ito sa lahat ng iba pang dako. Ibig sabihin niyan isasakatuparan ng Diyos ang lalong mas malaki pang gawain sa buong sansinukob, at lahat ng tao ng sansinukob ay tatanggap ng gawain ng paglupig ng Diyos. Ang mga tao sa bawat relihiyon at bawat denominasyon ay dapat tanggapin ang yugtong ito ng gawain. Ito ay landas na dapat tahakin-walang sinumang makatatakas dito. Handa ka bang tanggapin itong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos? Lagi Kong nadarama na ang pagtanggap sa isang bagay na ipinagkatiwala ng Banal na Espiritu ay isang maluwalhating bagay. Ang tingin Ko rito, ito ang pinakadakilang pagtitiwala na inilalagak ng Diyos sa sangkatauhan. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay gagawa nang masigasig kaagapay Ko at tatanggapin ito mula sa Diyos, upang ang Diyos ay maluwalhati sa buong sansinukob, at ang ating mga buhay ay hindi mawawalan ng kabuluhan. Tayo ay dapat gumawa ng isang bagay para sa Diyos, o dapat tayong gumawa ng panunumpa. Kung ang isang tao ay naniniwala sa Diyos nguni't walang isang layon na hinahabol, kung gayon ang kanilang buhay ay nawawalan ng saysay, at kapag dumating ang sandali ng kanilang kamatayan, ang makikita lamang nila ay ang asul na kalangitan at ang maalikabok na lupa. Iyan ba ay isang makahulugang buhay? Kung kaya mong matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos habang ikaw ay nabubuhay, hindi ba ito isang mainam na bagay? Bakit ka laging naghahanap ng gulo, at nakatungo? Sa paraang iyan nakatatamo ka ba ng kahit anuman mula sa Diyos? At ang Diyos ba ay makatatamo ng anuman mula sa iyo? Sa loob ng Aking ipinangako sa Diyos, basta ibinibigay Ko ang Aking puso sa Kanya at hindi Siya nililinlang ng Aking mga salita. Hindi Ako gagawa ng isang bagay na gaya niyan-Ako ay handa lamang na paginhawahin ang Diyos na Aking minamahal ng Aking puso, upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay maaaring maginhawahan. Ang puso ay maaaring mahalaga nguni't ang pag-ibig ay mas mahalaga. Ako ay handang ibigay ang pinakamahalagang pag-ibig sa Aking puso sa Diyos upang ang Kanyang natatamasa ay ang pinakamainam na bagay na mayroon Ako, upang Siya ay maaaring makadama ng kaganapan sa pag-ibig na iniaalay Ko sa Kanya. Handa ka bang ibigay ang iyong pag-ibig sa Diyos upang tamasahin Niya? Handa ka ba na gawin ito bilang iyong puhunan para manatiling buhay? Ang nakikita Ko mula sa Aking karanasan ay na habang mas higit ang pag-ibig na ibinibigay Ko sa Diyos, mas higit kong nadarama na Ako ay nabubuhay nang may kagalakan, at Ako ay may walang-hangganang kalakasan, Ako ay handang isakripisyo ang Aking buong katawan at isipan, at laging nadarama na hindi maaaring maibig Ko nang sapat ang Diyos. Kaya ang pag-ibig mo ba ay pag-ibig na napakaliit, o ito ba ay walang-hangganan at di-masukat? Kung tunay na nais mong ibigin ang Diyos, palagi kang magkakaroon ng higit na pag-ibig na maisusukli sa Kanya. Kung ganyan ang kalagayan, sinong tao at anong bagay ang maaaring posibleng maging hadlang sa iyong pagmamahal sa Diyos?
Pinahahalagahan ng Diyos ang lahat ng pag-ibig ng sangkatauhan; Kanyang ibinubunton ang lalong higit pa ng Kanyang mga pagpapala sa lahat niyaong nagmamahal sa Kanya. Ito ay sapagka't ang pag-ibig ng tao ay napakahirap makamit, napakakaunti lamang nito, at ito ay halos hindi masusumpungan. Sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtangkang hingin na suklian ng mga tao ang Kanyang pag-ibig, subali't sa pagdaan ng mga kapanahunan magpahanggang sa ngayon, yaong nakapagsukli ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay iilan-maliit ang kanilang bilang. Ang Aking natatandaan, si Pedro ay isa, nguni't siya ay personal na ginabayan ni Jesus at sa panahon lamang ng kanyang kamatayan niya ibinigay ang kanyang buong pag-ibig sa Diyos, na tumapos sa buhay niyang yaon. Samakatuwid, sa ilalim ng ganitong mga uri ng di-kanais-nais na mga kalagayan pinakitid ng Diyos ang sakop ng Kanyang gawain sa sansinukob, ginagamit ang bansa ng malaking pulang dragon bilang pagpapakita. Kanyang itinutuon ang lahat ng Kanyang lakas at pagsisikap sa isang dako. Ito ay magkakaroon ng mas kanais-nais na mga kalalabasan at magiging mas kapaki-pakinabang sa Kanyang pagsaksi. Sa ilalim ng dalawang kalagayang ito dinala ng Diyos ang Kanyang gawain ng buong sansinukob sa mga taong ito na may pinakamahinang kakayahan sa kalakhang-lupain ng Tsina at sinimulan ang Kanyang mapagmahal na gawain ng paglupig, sa gayon matapos na makaya ng mga taong ito na mahalin Siya, Kanyang maisasagawa ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Ito ang plano ng Diyos. Ang bunga ng Kanyang gawain ay magiging pinakamainam sa paraang ito. Ang sakop ng Kanyang gawain ay kapwa nakasentro at natatanganan. Maliwanag kung gaano kalaki ang halaga na nabayaran ng Diyos at kung gaano katindi ang pagsisikap na Kanyang nagugol sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Kanyang gawain sa atin, na ang ating araw ay nakarating na. Ito ang ating pagpapala. Kaya, ang hindi naaayon sa mga pagkaunawa ng tao ay na ang mga Kanluranin ay naiinggit sa atin sa pagiging isinilang sa isang magandang lugar, subali't nakikita nating lahat ang ating mga sarili bilang mababa at mapagkumbaba. Hindi ba't ito ay pagtataas ng Diyos sa atin? Ang mga inapo ng malaking pulang dragon na palagi nang nayuyurakan ay tinitingala ng mga Kanluranin-ito ay tunay na ating pagpapala. Kapag iniisip Ko ito, Ako ay nadaraig ng kabaitan ng Diyos, at sa pamamagitan ng Kanyang kamahalan at kalapitan. Mula rito ay makikita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay hindi katugma ng mga pagkaunawa ng tao, at bagaman ang lahat ng taong ito ay isinumpa, Siya ay hindi nasikil ng mga paghihigpit ng kautusan at sinadya Niyang isentro ang Kanyang gawain sa palibot nitong bahaging ito ng lupa. Ito ang kung bakit Ako ay nagsasaya, bakit Ako nakadarama ng di-masukat na kasayahan. Bilang isang tao na nangunguna sa gawain, gaya ng mga punong pari sa gitna ng mga Israelita, nakakaya Ko na tuwirang isakatuparan ang gawain ng Espiritu at tuwirang paglingkuran ang Espiritu ng Diyos; ito ang Aking pagpapala. Sinong mangangahas na mag-isip ng isang bagay na gaya nito? Subali't ngayon, ito ay hindi-inaasahang nakarating sa atin. Ito ay tunay na isang malaking kagalakan na nararapat nating ipagdiwang. Umaasa Ako na patuloy tayong pagpapalain ng Diyos at itataas tayo upang yaong mga kasama natin na nasa tambak ng basura ay maaaring magamit nang mahusay ng Diyos, sa gayon ay tinutulutan tayong masuklian ang Kanyang pag-ibig.
Ang pagsusukli sa pag-ibig ng Diyos ang landas na Aking tinatahak ngayon, subali't Aking nadarama na ito ay hindi kalooban ng Diyos, ni ito ang landas na dapat Kong nilalakaran. Ang kalooban ng Diyos ay para magamit Niya Ako nang mahusay-ito ang landas ng Banal na Espiritu. Marahil ay nagkakamali Ako. Iniisip Ko na ito ang landas na Aking tinatahak dahil matagal Ko nang itinatag ang Aking kapasyahan kasama ng Diyos. Handa Akong magabayan ng Diyos upang Ako ay makapasok tungo sa landas na dapat Kong tahakin sa lalong madaling panahon, at magawa ang kalooban ng Diyos sa lalong madaling panahon. Anuman ang maaaring isipin ng iba, naniniwala Ako na ang paggawa sa kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga at ito ang pinakamahalagang bagay sa Aking buhay. Walang sinuman ang makakapag-alis sa Akin ng karapatang ito-ito ang Aking pansariling pananaw, at marahil ay may ilan na hindi makakaunawa rito, nguni't Ako ay naniniwala na hindi Ko kailangang ipaliwanag ito kahit kanino. Tatahakin Ko ang landas na dapat Kong tahakin-sa sandaling makita Ko ang landas na dapat Kong lakaran dito Ako lalakad at hindi uurong. Sa gayon ay bumabalik Ako sa mga salitang ito: itinatalaga Ko ang Aking puso sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi Ako pupunahin! Sa pangkalahatan, sa Aking pansariling pagkakita, maaaring sabihin ng ibang tao ang gusto nila, subali't Aking nadarama na ang paggawa ng kalooban ng Diyos ay may tanging-kahalagahan at hindi Ako dapat sumailalim sa mga pagsikil kaugnay dito. Hindi Ako maaaring magkamali sa Aking paggawa ng Kanyang kalooban, at ang paggawa nito ay hindi maaaring planuhin batay sa Aking pansariling mga pakinabang. Naniniwala Ako na nakita ng Diyos ang kaibuturan ng Aking puso! Kaya paano mo ito uunawain? Handa ka ba na ialay ang iyong sarili sa Diyos? Handa ka ba na magamit ng Diyos? Ang iyo bang sariling kapasyahan ay upang gawin ang kalooban ng Diyos? Umaasa Ako na ang lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makatatamo ng kahit kaunting tulong mula sa Aking mga salita. Bagaman ang Aking sariling pananaw ay masyadong mababaw, sinasabi Ko pa rin ang Aking makakaya upang tayong lahat ay makakapag-usap nang puso-sa-puso nang malaya sa anumang mga hadlang, upang ang Diyos ay maaaring manatili sa ating kalagitnaan magpakailanman. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso. Sige! Iyan na lamang para sa Aking taos-pusong pananalita sa ngayon. Umaasa Ako na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magpapatuloy na gumawa nang masigasig, at Ako ay umaasa na palagi tayong pangangalagaan ng Espiritu ng Diyos!