Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus- Ang Landas … (7)
Makikita nating lahat sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses nang personal na nagbubukas ang Diyos ng isang landas para sa atin kaya ang nilalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahon at naipapasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ay humahalili sa ating mga sinusundan na hindi lumakad sa landas hanggang sa katapusan nito; tayo ang siyang mga napipili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay partikular na naihahanda para sa atin, at makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdusa ng kasawian, wala nang iba pang makalalakad sa landas na ito. Idinaragdag Ko ang Aking sariling pananaw dito: Huwag magplanong tumakas sa anumang ibang dako o maghanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o nagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng ito ay mga ilusyon. Kung mayroon ka mang pagkiling sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subukang masyadong maging matalino o mabigong pag-ibahin ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Ang ibig sabihin nito, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating, dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga nakakastigo ay yaong mga dinudurog. Sa panahong iyon ay ganap nang maibubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam na alam Ko ang bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan dahil itinalaga ito ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi-mapalad-walang sinuman ang maaaring gumawa ng mga pagtiyak tungkol sa kasalukuyang gawain ng Diyos kung hindi ikaw ay madudurog nang pira-piraso. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago-dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay patuloy na nakatingin sa hinaharap at hindi nakokontento; lahat sila ay kulang ang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang balisang hangarin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas patungo sa ilang upang gumala na parang isang kabayong ligaw na naitapon na ang mga renda nito, nguni't ilan ang gustong pumirmi sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang daan ng buhay ng tao. Dahil nakapasok na sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, kung hindi ito tinatamasa ng mga tao, ano pa ang gusto nila? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay nakapasok na sa dako ng kapahingahan, hindi nila nakakayang panindigan ang kanilang tungkulin; hindi ba sila masasamang babae lamang? Kung naiwala mo na ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi-masukat na panghihinayang. Matutulad ka kay Moises na tumitig lamang sa lupain ng Canaan nguni't hindi niya ito nagawang tamasahin, mahigpit na nakakuyom ang mga kamao at namamatay na puno ng panghihinayang-hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang kapasyahan? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas nguni't hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kahusay ang iyong kasanayan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam para sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili-isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makakapagbago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?
Sa pagtanaw mula sa Aking sariling karanasan, mas palaaway ka sa Diyos, mas ipakikita ng Diyos sa iyo ang Kanyang maringal na disposisyon, at mas mahigpit ang magiging pagkastigo na Kanyang "ipinapataw" sa iyo. Higit mo Siyang sinusunod, mas iibigin ka Niya at iingatan ka. Ang disposisyon ng Diyos ay parang isang kagamitan sa pagpapahirap: Kung ikaw ay sumusunod ikaw ay magiging ligtas at maayos. Kung hindi ka sumusunod kundi palaging naghahangad na maging tanyag at mapanlinlang, ang Kanyang disposisyon ay magbabago kaagad. Kagaya lamang ng araw sa isang maulap na panahon, Siya ay magtatago sa iyo at ipakikita sa iyo ang poot. Ito ay kagaya rin ng panahon sa Hunyo, mayroong milya-milyang maaliwalas na himpapawid at bughaw na mga alon na taas-baba sa ibabaw ng tubig, hanggang sa ang tubig ay biglang nakakapag-ipon ng bilis at nakakatakot na mga alon ang umiibabaw. Sa ganitong disposisyon ng Diyos, nangangahas ka bang magwala at manadya? Nakita na ng karamihan sa mga kapatiran sa kanilang mga karanasan na kapag gumagawa ang Banal na Espiritu sa araw sila ay puno ng kumpiyansa, ngunit pagkatapos ay bigla silang pinababayaan ng Espiritu ng Diyos nang hindi nila nalalaman kung kailan, iniiwan silang di-mapakali at di-makatulog sa gabi, hinahanap kung saan banda naglaho ang Kanyang Espiritu. Nguni't maging anuman hindi nila nagagawang makita kung saan nagpunta ang Kanyang Espiritu; at Siya ay muling nagpapakita sa kanila nang hindi nila nalalaman kung kailan, at kagaya lamang nang bigla na lamang nakitang muli ni Pedro ang kanyang Panginoong Jesus, siya ay tuwang-tuwa at parang mapapasigaw sa sobrang kagalakan. Posible bang makalimutang nararanasan mo ito pagkatapos ng napakaraming pagkakataon? Ang Panginoong Jesucristo, na nagkatawang-tao, ipinako sa krus, at pagkatapos ay muling nabuhay at umakyat sa langit, ay palaging nakatago sa iyo sa ilang panahon, pagkatapos ay nagpapakita sa iyo sa ilang panahon. Ibinubunyag Niya ang Kanyang Sarili sa iyo dahil sa iyong pagkamatuwid, at Siya ay nagagalit at lumalayo sa iyo dahil sa iyong mga kasalanan, kaya bakit hindi mo Siya pinamamanhikang lalo? Hindi mo ba nalalaman na simula pa noong Pentecostes, ang Panginoong Jesucristo ay mayroong isa pang tagubilin sa lupa? Ang tangi mong nalalaman ay yaong isa itong katunayan na ang Panginoong Jesucristo ay nagkatawang-tao, dumating sa lupa, at ipinako sa krus, nguni't hindi mo kailanman namamalayan na matagal nang ipinagkatiwala ng Jesus na iyong pinaniniwalaan dati ang gawain sa iba. Natapos na ang Kanyang gawain matagal na panahon na ang nakalipas, kaya ang Espiritu ng Panginoong Jesucristo ay muling dumating sa lupa sa anyong katawang-tao upang gawin ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Gusto Kong isingit ang isang bagay dito-sa kabila ng katunayan na kayo sa kasalukuyan ay nasa daloy na ito, nangangahas Akong sabihin na kaunti sa mga tao sa gitna ninyo ang naniniwala na ang taong ito ay Siyang ipinagkaloob sa inyo ng Panginoong Jesucristo. Ang tanging nalalaman ninyo ay ang tamasahin Siya nguni't hindi ninyo kinikilala na ang Espiritu ng Diyos ay muling dumating sa lupa, at hindi ninyo kinikilala na ang Diyos ng kasalukuyan ay ang Jesucristo na mula sa libu-libong taon nang nakakaraan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na lahat kayo ay naglalakad na sarado ang inyong mga mata. Tinatanggap lamang ninyo kung saan mang dako kayo humahantong-hindi kayo seryoso tungkol dito sa anumang paraan. Sa dahilang ito kaya kayo naniniwala kay Jesus sa salita, nguni't nangangahas kayo na tahasang kalabanin ang Isa na pinatototohanan ng Diyos sa kasalukuyan. Hindi ka ba hangal? Hindi inaalala ng Diyos ng kasalukuyan ang tungkol sa iyong mga pagkakamali; hindi ka Niya hinahatulan. Sinasabi mo na naniniwala ka kay Jesus, kaya bibitawan ka ba ng iyong Panginoong Jesucristo? Iniisip mo ba na ang Diyos ay ang dako para magbulalas ka o magsinungaling? Kapag muling ibinubunyag ng iyong Panginoong Jesucristo ang Kanyang Sarili, pagpapasyahan Niya kung ikaw ay matuwid o kung ikaw ay masama batay sa kung paano ka gumagawi ngayon. Karamihan sa mga tao ay nauuwi sa mga pagkaunawa tungkol sa kung ano ang tinutukoy Ko bilang "Aking mga kapatiran"; naniniwala sila na ang paraan ng paggawa ng Diyos ay magbabago. Hindi ba nag-aanyaya lamang ng kamatayan ang mga taong ito? Maaari bang saksihan ng Diyos si Satanas bilang Diyos Mismo? Hindi mo ba isinusumpa lamang ang Diyos? Iniisip mo ba na ang sinuman ay basta na lamang makakakilos bilang Diyos Mismo? Kung nagkaroon ka talaga ng kaalaman, sa gayon hindi ka makakabuo ng mga pagkaunawa. Nandiyan ang sumusunod na mga talata sa Biblia: "Ang lahat ng bagay ay para sa Kanya atlahat ng bagay ay mula sa Kanya. Dadalhin Niya ang maraming anak sa kaluwalhatian at siya ang aming Kapitan. ...Kung gayon, hindi Siya nahihiyang tawagin tayong mga kapatid." Maaari mong madaling bigkasin ang mga salita nang taos-puso nguni't hindi mo nauunawaan kung ano ba talaga ang kahulugan nito; hindi ka ba naniniwala sa Diyos nang nakapikit ang iyong mga mata?
Ako ay naniniwala na ang ating salinlahi ay biniyayaan na makayang tahakan ang hindi-natapos na landas ng mga tao ng nakaraang mga salinlahi, at magawang mamasdan ang muling pagpapakita ng Diyos mula sa ilang libong taon nang nakararaan-ang Diyos na nandito sa gitna natin, at pinupuno rin ang lahat ng bagay. Hindi mo kailanman naakala na makakalakad ka sa landas na ito: Magagawa mo ba ito? Ang landas na ito ay tuwirang pinangungunahan ng Banal na Espiritu, ito ay pinangungunahan ng makapitong-beses na pinatinding Espiritu ng Panginoong Jesucristo, at ito ang landas na nabubuksan para sa iyo ng Diyos ng kasalukuyan. Kahit sa iyong pinaka-matayog na pangarap ay hindi mo maaakala na si Jesus ng ilang libong taon nang nakaraan ay muling magpapakita sa harap mo. Hindi ka ba nakakadama ng kaluguran? Sino ang nakakagawang makalapit sa Diyos nang harap-harapan? Madalas Akong nananalangin para sa ating grupo na tumanggap ng lalong dakilang mga pagpapala mula sa Diyos, na mangyaring kilingan tayo ng Diyos at Kanyang makamit, nguni't mayroon ding di-mabilang na mga pagkakataon na Ako ay napapaiyak nang mapait para sa atin, hinihiling na liwanagan tayo ng Diyos, at tulutan tayong makita ang lalong dakilang mga pahayag. Kapag Aking nakikita na palaging tinatangkang linlangin ng mga tao ang Diyos at walang pagpapasya, isinasaalang-alang ang laman o nagsusumikap para sa katanyagan at kayamanan upang maging pangunahing layunin, paanong hindi Ako makadarama ng matinding kirot sa Aking puso? Paanong magiging masyadong walang kabuluhan ang mga tao? Ang Akin bang ginagawa ay hindi nagbubunga? Kung ang lahat ng iyong mga anak ay mapanghimagsik at hindi magulang ang turing sa iyo, walang konsensya, nag-aalala lamang para sa kanilang mga sarili, hindi nagkaroon kailanman ng pagsasaalang-alang para sa iyong mga nadarama, at pinalayas ka lamang sa bahay pagkatapos na sila ay lumaki, ano ang iyong mararamdaman sa pagkakataong iyon? Hindi ka ba mapupuno ng mga luha at gugunitain ang tungkol sa napakalaking halaga na iyong ginugol sa pagpapalaki sa kanila? Ito ang dahilan kung bakit Ako nakaka panalangin sa Diyos nang di-mabilang na pagkakataon: "Diyos na Aking iniibig! Tanging Ikaw ang nakaaalam kung Ako ay mayroong anumang pasanin o wala sa Iyong gawain. Sa anumang mga bahagi kung saan ang Aking mga pagkilos ay hindi naaayon sa Iyong kalooban, disiplinahin Mo Ako, gawin Akong perpekto, at gawin Akong may kamalayan. Ang tanging kahilingan Ko sa Iyo ay ang antigin Mo pang lalo ang mga taong ito upang kaagad Kang magkamit ng kaluwalhatian at mangyaring ang mga taong ito ay Iyong makamit, at mangyaring matamo ng Iyong gawain kung ano ang Iyong kalooban at mangyaring matapos Mo kaagad ang Iyong plano." Hindi nais ng Diyos na lupigin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkastigo; hindi Niya nais na palaging pilitin ang mga tao. Nais Niyang sundin ng mga tao ang Kanyang mga salita at gumawa sa isang disiplinadong paraan, at sa pamamagitan nito ay napapalugod ang Kanyang kalooban. Nguni't ang mga tao ay walang kahihiyan at madalas silang naghihimagsik laban sa Kanya. Ako ay naniniwala na pinakamainam para sa atin na hanapin ang pinakapayak na paraan upang mapalugod Siya, iyon ay, sundin ang lahat ng Kanyang mga pagsasaayos, at kung tunay mong makakamit ito ikaw ay gagawing perpekto. Hindi ba ito isang madali, at nakakagalak na bagay? Tahakin ang landas na dapat mong tahakin nang hindi nag-uukol ng anumang pansin sa kung ano ang sinasabi ng iba o nag-iisip nang masyado. Hawak mo ba ang iyong kinabukasan at ang iyong kapalaran sa iyong sariling mga kamay? Palagi kang tumatakas at nais tahakin ang isang makamundong landas, nguni't bakit hindi ka makakalabas? Bakit ka ba nag-aalinlangan sa isang sangang-daan sa loob ng maraming taon at pagkatapos ay mauuwi sa pagpiling muli sa landas na ito? Pagkatapos nang paggala sa loob ng maraming taon, bakit nagbabalik ka ngayon sa bahay na ito kahit na ayaw mo naman? Ito ba ay sariling usapin mo lamang? Sa inyong mga nasa ganitong daloy, kung hindi mo pinaniniwalaan ito, kung gayon makinig na lamang sa sasabihin Kong ito: Kung nagbabalak kang umalis, maghintay ka lamang at makikita mo kung pinahihintulutan ka ng Diyos, at makita kung paano ka inaantig ng Banal na Espiritu-danasin mo ito para sa iyong sarili. Sa deretsahang pananalita, magdusa ka man ng kasawian, dapat mo itong pagdusahan sa daloy na ito, at kung mayroong pagdurusa, dapat kang magdusa dito sa kasalukuyan at hindi ka maaaring pumunta saan mang dako. Malinaw mo ba itong nakikita? Saan ka pupunta? Ito ang atas administratibo ng Diyos. Iniisip mo ba na walang kahulugan para sa Diyos na piliin ang grupo ng mga taong ito? Sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi Siya nagagalit agad-agad, nguni't kung nais ng mga tao na antalahin ang Kanyang plano, mababago Niya ang Kanyang mukha sa isang iglap at nagagawa itong maulap mula sa maaliwalas. Kaya, ipinapayo Ko sa iyo na pumirmi at magpasakop sa mga panukala ng Diyos, tulutan Siya na gawin kang ganap. Ito ang tanging paraan upang maging isang matalinong tao.