Kaligtasan at Ganap na KaligtasanNaunawaan Ko ang Tunay na Kahulugan ng Kaligtasan at Natagpuan ang Daan Patungo sa Kaharian ng Langit
Ni Qingming, Estados Unidos
Maraming mga kapatid sa Panginoon ay lahat iniisip na yamang pinatawad ng Panginoong Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan, tayo ay naligtas na at maaari tayong direktang marapture sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. Nagkaroon din si Sister Qingming ng ganoong pananaw. Kung hindi pa sa isang pulong hindi niya malalaman na ang pagkaligtas at pagpasok sa kaharian ng langit ay dalawang magkaibang bagay. Kaya, ano ang tunay na kahulugan ng kaligtasan? Paano tayo makakapasok sa kaharian ng langit? Patuloy na basahin upang malaman.
Ang Kaligtasan ng Panginoong Jesus ay Malalim na Nag-ugat sa Aking Puso
Noong 2011, masuwerte para sa akin na maging isang Kristiyano at alam kong ang Panginoong Jesus na nagmamahal sa atin, ay ipinako sa krus para sa pagtubos sa mga kasalanan ng tao at naging walang hanggang handog para sa kasalanan ng tao. Nakaharap sa pinakadakilang kaligtasan ng Panginoon, lubos akong naantig at naniwala ako mula sa aking puso na pinatawad ng Panginoon ang aking mga kasalanan at yamang naniniwala ako sa Panginoong Jesus, naligtas ako sa pamamagitan ng pananampalataya at maaari akong marapture sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbalik. Tunay akong pinagpala! Naisip ko na nakagawa ako ng napakaraming kasalanan bago maniwala sa Panginoon ngunit nakakuha ako ng napakalaking kaligtasan nang libre dahil sa awa ng Diyos, at naramdaman kong lubos akong hindi karapat-dapat dito. Kaya, napagpasyahan kong mahalin ang Panginoon, sundan ang daan ng Panginoon at maging isang kinalulugdan ng Diyos upang gantihan ang Kanyang pagmamahal. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang taon, nakita ko na hindi ko nagawang maisagawa ang mga aral ng Panginoon nang maraming beses, at madalas nanailalabas ang aking init ng ulo nang hindi sinasadya kapag nakikipag-ugnayan sa aking pamilya. Pagkatapos, naramdaman kong sinumbatan ako ng aking konsensya at inamin ang aking mga kasalanan sa Panginoon, kinamumuhian ang sarili ko sa hindi pagsasagawa ng daan ng Panginoon. Ngunit nang mabasa ko ang mga talatang biblikal na iyon, "Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas" (Roma 10:9-10) at "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan" (1 Juan 1:9). Puno ulit ako ng pananampalataya sa Panginoon, na sinasabi sa aking sarili na ang kaligtasan ng krus ng Panginoon ay totoo at maaasahan at pinatawad ng Panginoon ang aking mga kasalanan, kaya't kahit na hindi ako perpekto, sa dakilang pag-ibig at awa ng Panginoon, maaari akong marapture sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik.
Ang Pagdinig sa Pagbabalik ng Panginoon ay Nagdulot sa Akin ng Pagkalito
Ang 2019 spring festival ay mabilis na sumapit at inimbitahan ako ng isang kapatid na babae na dumalo sa isang pagtitipon ng pag-aaral ng Biblia. Sa pagtitipong ito, nakilala ko ang maraming mga kapatid, lalo na si Brother Li na ang pagbabahagi sa pag-unawa sa mga talata sa Biblia ay nakakapagpalinaw at nasisiyahan akong pakinggan ito. Tinalakay ni Brother Li ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga matalinong dalaga at ng mga hangal na dalaga, kung ano ang paggawa ng kalooban ng Ama sa langit at kung paano natin makakamit ang daan ng buhay. Ang pagbabahagi ni Brother Li ay nagdulot sa akin ng isang biglaang kabatiran at ang aking puso ay napuno ng liwanag at gusto kong magpatuloy na pakinggan ito. Nang maglaon, ifinellowship ni Brother Li: "Upang mailigtas ang tao, ang Diyos ay gumawa ng tatlong yugto ng gawain, iyon ay, ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw." At sinabi rin niya na ang Diyos ay bumalik sa katawang-tao, ipinahayag ang lahat ng mga katotohanan ng pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan, at isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa pamilya ng Diyos, at na yaon lamang mga tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at nagkamit ng pagdadalisay ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Nang marinig ang sinabi niya, naisip ko: Hindi ba salungat ito sa aking dating pag-unawa at kaalaman na maaaring makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng kaligtasan? Hindi ko mapigilan na maisip ang mga talata sa Roma, "Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang mag-uli ng Dios sa mga patay, ay maliligtas ka" (Roma 10:9-10). Ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad ang lahat ng ating mga kasalanan at naligtas tayo at maaari tayong direktang marapture sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. Paanong dumating muli ang Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol? Habang mas pinagninilayan ko, mas naramdaman kong may mali. Kaya, naghanap ako ng dahilan upang ihinto ang pakikinig sa kanyang fellowship.
Hindi ako nakatulog ng maayos sa buong gabing iyon at patuloy akong gumawa ng isang deklarasyon: Ang Panginoong Jesus ang aking tanging katubusan. Ito ang pundasyon ng aking paniniwala at walang sinuman ang makakabago nito. Nagpasiya akong hindi na makikinig muli sa kanilang mga sermon. Ngunit naisip ko na ang pagbabahagi ng mga kapatid sa ilang araw na iyon ay napakaganda, mayroon silang natatanging pananaw sa Biblia, ang sinasabi nila ay may matibay na basehan, ang mga video na pinanood namin at ang mga salitang binasa namin ay pawang napakabago at nakakamit ako ng maraming pagkakaloob, at ang mga salitang binasa namin ay hindi maaaring masabi ng mga ordinaryong tao. Ang kaisipang ito ay pinaramdam sa akin na dapat akong magpatuloy sa pakikinig. Gayunpaman, sinabi nila na kung mararanasan lamang natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay makapapasok tayo sa kaharian ng langit. Hindi ito umaayon sa naintindihan ko dati. Sa mga sumunod na araw, palagi akong nakakaramdam ng pagkabalisa at ligalig, hindi alam kung paano haharapin ang bagay na ito. Kung susuriin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, natatakot akong malinlang dahil hindi ito naaayon sa aking pagkaunawa. Kung hindi ako mag-iimbestiga, paano kung tunay na bumalik ang Panginoon? Ang pagbabalik ng Panginoon ay isang malaking bagay! Sa mga araw na iyon, patuloy kong iniisip ito, hindi alam ang gagawin. Kailangan kong lumapit sa harapan ng Panginoon upang manalangin, "O Panginoong Jesus, talaga bang bumalik Ka na? Kung Ikaw nga ay bumalik at ang Makapangyarihang Diyos na pinatotohanan ng mga kapatid, hindi ba ako magiging hangal na dalaga at sasarhan Ka sa labas kung hindi Kita tinanggap? O Panginoon, dapat ko bang ipagpatuloy ang pagsisiyasat? Alam kong Ikaw ay isang totoo at buhay na Diyos. Handa akong hanapin Ka at ipagkatiwala ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nawa'y bigyang inspirasyon at gabayan Mo ako, upang hindi ko lakaran ang maling daan."
Ipinagpatuloy Ko ang Pagsisiyasat Pagkatapos Maunawaan ang Puso ng Diyos
Nang hindi ko na alam kung ano ang pinakamabuting gagawin, isang sister sa aking dating simbahan ang biglang lumapit sa akin at sinabi ko sa kanya ang lahat ng aking mga pagkalito at inis. Tinanong ko siya, "Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na at gumagawa ng bagong gawain. At mayroong isang aklat na tinawag na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ano ang nangyayari dito?" Nang marinig ang sinabi ko, sinabi ng kapatid, "Ngayon ay nasa mga huling araw na tayo. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maaaring bumalik na ang Panginoon. Ngunit maaari ba tayong basta na lamang na magpasiya kung anong gawain ang gagawin ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Sabi ng Diyos, "Sapagka't ang Aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay Aking mga lakad.... Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kaysa lupa, gayon ang Aking mga lakad ay lalong mataas kaysa inyong mga lakad, at ang Aking mga pagiisip kaysa inyong mga pagiisip" (Isaias 55:8-9). Ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging mas mataas kaysa sa tao. Walang makakaarok ng karunungan ng Diyos. May mga misteryo sa loob ng gawain ng Diyos. Paano nating mga tao maaarok kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? Yamang nagpatotoo sila sa atin na bumalik na ang Panginoon, sa palagay ko mas mabuti na muna nating siyasatin ito. Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, 'Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya' (Mateo 25:6) at 'Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Kung nais nating matiyak kung bumalik na ang Panginoon, dapat tayong maghanap at mag-imbestiga nang aktibo. Kung hindi tayo maghahanap at mag-iimbestiga kapag naririnig nating may nagpatotoo na bumalik na ang Panginoon, hindi ba madali nating mapapalampas na masalubong ang pagdating ng Panginoon? Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Hangga't taos-puso tayong naghahanap, papatnubayan tayo ng Diyos mula sa pag-iwas sa maling daan at gagabayan tayo upang makilala ang Kanyang tinig." Matapos marinig ang kanyang sinabi, naisip ko, "Makatwiran ito. Totoo, ang paggugwardya ay hindi paraan upang malutas ang problema. Ibinahagi din ni Brother Li na ang mga matalinong dalaga ay maaaring maghanap at mag-imbestiga nang aktibo at lumabas upang salubungin ang Panginoon sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung hindi ko hahanapin o sisiyasatin bagkus lilimitahan ang gawain ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pagkapit sa aking mga palagay at sa gayon ay mapalampas ang pagkakataong salubungin ang Panginoon, hindi ba ako magiging isang hangal na dalaga?" Ang mga saloobin na iyon ay nagpakalma sa akin unti-unti at napagpasyahan kong makinig muli sa daan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Naunawaan Ko ang Tunay na Kahulugan ng Kaligtasan
Kinabukasan, dumalo kami ng sister sa isang pagtitipon kasama ang mga kapatiran ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagtitipon, itinanong ko ang aking kalituhan, "Pumunta ako ngayon higit sa lahat dahil may katanungan na hindi ko maintindihan. Nais kong ifellowship mo sa akin. Iniisip ko na pinatawad ng Panginoong Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng pagtubos at naligtas na tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pagbabalik ng Panginoon, direkta tayong mararapture sa kaharian ng langit. Ngunit bakit mo sinasabi na tanging kung tatanggapin lamang natin ang gawain ng paghatol na ginawa ng Panginoon sa pagbabalik Niya ay makapapasok tayo sa kaharian ng langit?" Ifinellowship sa amin ng sister, "Tunay na tayo ay naligtas ng biyaya matapos nating maniwala sa Panginoon. Ngunit maaari ba tayong makapasok sa kaharian ng langit matapos na tayo ay maligtas? Pag-isipan natin: Sinabi ba ng Panginoong Jesus? Dahil hindi sinabi ng Panginoong Jesus ang salitang 'Ang isang tao ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit pagkatapos na siya ay maligtas,' hindi kaya ito palagay at imahinasyon ng tao? Kung gayon, ano ang kahulugan ng kaligtasan? Magsimula tayo mula sa karanasan ng paggawa ng Panginoong Jesus. Alam nating lahat na sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil ang tao ay mas lalong naging tiwali ng malalim at nakagawa ng mas maraming kasalanan, nasa peligro silang mapatay dahil sa hindi pagsunod sa batas. Upang matubos ang tao, ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus, naging handog sa kasalanan ng tao at kinuha Niya ang mga kasalanan ng tao, upang ang tao ay hindi mahatulan ng Diyos at mapatay dahil sa paglabag sa batas. Kaya, kapag sinasabi nating wala na tayong kasalanan, ang kasalanan dito ay nangangahulugang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng paglabag sa batas at mga utos ng Diyos. Ang kaligtasan na pinag-uusapan natin ay nangangahulugang ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad matapos silang maniwala sa Panginoong Jesus, nagkumpisal ng kanilang mga kasalanan sa Panginoon at nagsisi, at sa gayon ay natamasa ang kapayapaan, kagalakan at kasaganaan ng biyayang ipinagkaloob ng Panginoong Jesus.
"Tungkol sa aspetong ito, mauunawaan natin pagkatapos nating mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, 'Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapaghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.'
"'Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pagkaalala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa laman, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, na walang-katapusang hinahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.'
"'Ang tao ay ... pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi pa nagawa. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago.'
"Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang kaligtasan sa Kapanahunan ng Biyaya ay nangangahulugang ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad ng pagtubos ng Panginoong Jesus at ang tao ay hindi na mapapatay ng batas dahil sa mga kasalanan. Kinumpleto lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang mga kasalanan ng tao ngunit hindi nalutas ang makasalanang kalikasan ng tao at mala-satanikong disposisyon. Yaong mga satanikong kalikasan tulad ng pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili, kabuktutan, panlilinlang, pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam ay ang mga ugat na nangingibabaw sa atin upang magkasala at labanan ang Diyos. Halimbawa, kapag naniniwala tayo sa Panginoon, sinusunod pa rin natin ang masasamang kalakaran ng mundo, naghahangad ng makamundong pera, katanyagan, kapalaran, kasiyahan ng laman at iba pa. Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, inuuna natin ang pakinabang. Upang maitaguyod ang ating pansariling interes, madalas nating nasasabi ang mga kasinungalingan at gumagawa ng mga mapanlinlang na bagay, nakikipaglaban para sa katanyagan at personal na pakinabang. Lubos tayong nagkukulang ng budhi at pangangatwiran at hindi isinasabuhay ang mga aral ng pagmamahal sa iba gaya sa ating sarili at maging mapagpasensya at mapagparaya na hinihiling ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ay matagal nang sinabi, 'Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man' (Juan 8:34-35). Ang Diyos ay banal at kung wala ang kabanalan ay walang makakakita sa Panginoon. Ang kaharian ng langit ay pinamumunuan ng Diyos at isang banal na lupain. Kaya, paano tayo pahihintulutan ng Diyos na madalas na magkasala at labanan Siya sa kaharian ng langit? Kaya, nangako ang Panginoong Jesus na Siya ay babalik muli. Sa muling pagdating ng Panginoon, gagawin Niya ang gawain ng lubusang pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating, na nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa pamilya ng Diyos, upang malutas ang ating makasalanang kalikasan at mga satanikong disposisyon nang lubos nating matanggal ang mga gapos ng kasalanan at malinis at maging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, 'Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.'"
Ang pagbabahagi ng sister ay nakatulong sa akin na maunawaan ang ilang mga bagay. Lumalabas na ang Panginoong Jesus ay gumawa lamang ng gawain ng pagtubos at ang kaligtasan na iyon ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hinatulan ng batas ngunit hindi ibig sabihin na tayo ay direktang makakapasok sa kaharian ng langit. Dito binabanggit na "Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto." Na ibig sabihin, ang yugto ng gawain ng Panginoong Jesus ay kalahati lamang ng gawain ng pagliligtas. Hindi nakakagulat na madalas akong nagkakasala. Sa totoo lang kailangan kong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw upang malinis at makapasok sa kaharian ng Diyos. Naisip ko na makatwiran ang ifinellowship ng sister.
Ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ay Ang Tanging Daan para sa Tao na Makapasok sa Kaharian ng Langit
Habang mas pinagninilayan ko, mas naramdaman ko na napuno ng liwanag ang aking puso. Naintindihan ko na ang kaligtasan ay naiiba sa pagpasok sa kaharian ng langit at ang mga taong naligtas ay kailangang makaranas ng paghatol at malinis bago pumasok sa kaharian ng langit. Yamang ang kaligtasan ay hindi katulad ng naisip ko, paano ko aalisin ang aking sarili sa mga tiwaling disposisyon at ganap na makamit ng Panginoong Jesus? Nais kong makinig sa sister na nagpatuloy sa pagsasalita. Pagkatapos, ifinellowship ng sister, "Ang Diyos ay may mga plano at hakbang sa bawat yugto ng gawain. Nais ng Diyos na makamit ang ilang epekto sa gawain ng bawat kapanahunan. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, mapapatawad lamang tayo sa ating mga kasalanan ngunit hindi lubusang maiwawaksi ang mga kasalanan at makakamit ng pagdadalisay. Ang paghatol lamang ng Diyos sa mga huling araw ang maaaring makagawa ng lahat ng mga katotohanan na kinakailangan ng tao sa tao, upang ang tao ay tunay na makilala ang Diyos, mabago ang kanilang mga disposisyon sa buhay at maging tao na sumusunod sa Diyos, sumasamba sa Diyos at kaayon sa puso ng Diyos. Ganap na natutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, 'Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating' (Juan 16:12-13), 'At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka't hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw' (Juan 12:47-48) at 'Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan' (Juan 17:17).
"Kung gayon, paano hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang tao? Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, 'Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.'
"Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw at sinasabi sa atin ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan para sa kaligtasan nating sangkatauhan upang malutas ang ating satanikong kalikasan na paglaban sa Diyos. Matapos nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, naiintindihan natin ang maraming mga katotohanan tulad ng kung ano ang pagsunod sa Diyos, paano natin makakamtan ang pag-ibig para sa Diyos, ano ang buong kaligtasan, paano natin magagawa ang kalooban ng Diyos, anong uri ng mga tao ang inililigtas ng Diyos at kung ano uri ng mga tao ang tinatanggal ng Diyos, kung paano natin dadakilain ang Diyos at magpatotoo tungkol sa Diyos at iba pa. Sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalalaman natin na tayo ay puno ng satanikong tiwaling disposisyon: pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili, pagkamakasarili, pagiging kasuklam-suklam, kabuktutan, panlilinlang, kasakiman at kasamaan, at wala tayong isinasabuhay na pagiging kawangis ng tao. Sa parehong pagkakataon, alam din natin na ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi tumatanggap ng pagkakasala mula sa sinumang tao. Kung hindi pa rin tayo nagsasagawa ng katotohanan at namumuhay sa mga satanikong tiwaling disposisyon, tiyak na tayo ay kasusuklaman at tatanggihan ng Diyos. Sa pag-alam nito, nakakabuo tayo ng mga puso na may takot sa Diyos nang kaunti, at nagsisimulang magbigay pansin sa pagsasagawa ng katotohanan, at ang ating disposisyon sa buhay ay unti-unting nagbabago. Ang mga resultang ito ay hindi makakamit sa Kapanahunan ng Biyaya. Tunay na nakatamo tayo ng dakilang kaligtasan mula sa Diyos."
Ipinanuod ng sister sa akin ang clip ng pelikula na mula sa Ang Aking Pinapangarap Na Kaharian sa Langit. Sa video, ifinellowship ni Brother Qin na sa Kapanahunan ng Biyaya, siya ay naging masigasig na naghahanap at gumawa ng magagandang pag-uugali ngunit pinamumunuan ng kanyang mayabang na kalikasan, madalas niyang itinataas ang kanyang sarili at nagpakitang-gilas upang pahalagahan at hangaan ng iba. Nang maglaon, tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hinatulan at inilantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng kaunting kaalaman sa kanyang mayabang, tiwali, satanikong disposisyon at kinamuhian ito. Alam din niya na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi pinahihintulutan ang pagkakasala, unti-unting lumago ang takot sa Diyos sa kanyang puso, pinananatili ang isang mababang estado, madalas na itinataas ang Diyos at nagpatotoo tungkol sa Diyos, nagsagawa ng ilang mga katotohanan at ipinamumuhay ang isang kawangis ng tao.
Pagkatapos, ifinellowship ng sister, "Ngayon, ang iba't ibang mga pang-karanasan na patotoo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay matagal nang nailathala sa online. Mula sa mga resulta na nakamit ng gawain ng Diyos, maaari nating lubos na matiyak na ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ginagawa batay sa gawain ng Panginoong Jesus, at ito ang bago at mas mataas na gawain. Si Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos na nagdala sa atin, ng buong sangkatauhan, ng tunay na daan ng buhay na walang hanggan, at Siya ang pintuan kung saan makapapasok tayo sa kaharian ng langit. Tanging kung tatanggapin lamang natin ang gawain ng paghatol na Kanyang ginagawa sa mga huling araw maaari nating maiwaksi ang ating satanikong tiwaling disposisyon, maging isa mga gumagawa ng kalooban ng Diyos upang madala sa kaharian ng langit ng Diyos at tanggapin ang kumpletong kaligtasan ng Diyos. Kung kakapit lamang tayo sa gawain ng pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at hindi tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon hindi natin kailanman matatanggal ang mga gapos ng kasalanan at ni hindi rin posible na makapasok sa kaharian ng Diyos. Makikita na ang gawain ng paghatol na ginawa ni Cristo sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay ang pinakamahalaga at pangunahing gawain ng pagdadalisay, pagperpekto at pagliligtas ng tao. Kung matatanggap ba natin ang gawain ng paghatol ng Diyos ay direktang nauugnay sa ating indibidwal na kapalaran, katapusan at patutunguhan."
Naririnig ang fellowship ng sister at nakikita ang karanasan ng brother sa video, naisip ko na ang ilang masigasig na naghahanap sa aming simbahan ay kapareho ng brother sa video, na mayabang at mapagpahalaga sa sarili, madalas na nagmamalaki at nagpapatotoo tungkol sa kanilang sarili ngunit wala sa kanila ang nakakaalam ng kanilang tiwaling disposisyon at kanilang kalikasan at sangkap. Ngayon, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating, at ang mga salitang ipinahayag Niya ay maaaring mailantad ang mga katiwalian ng tao, na pinapahintulutan ang tao na malaman ang ugat ng pagkakasala ng tao, na kumukumbinsi sa kanilang puso at isip. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay talagang mas mataas na katotohanan kaysa sa mga nasa Kapanahunan ng Biyaya. Lumalabas ngayon na, tanging kung tatanggapin lamang natin ang gawaing paghatol ng Diyos na ang ating problema sa paggawa ng mga kasalanan ay pangunahing malulutas at maaari nating tunay na maiwaksi ang ating mga tiwaling disposisyon at madalisay upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Tila ang pagparito ng Diyos sa mga huling araw upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ay talagang kailangan natin at ang tanging paraan upang tayo ay madalisay at makapasok sa kaharian ng langit. Sa mga kaisipang iyon, naunawaan ko at naramdaman ko na ang Makapangyarihang Diyos ay posibleng ngang ang bumalik na Panginoong Jesus. Kaya, napagpasyahan kong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at basahin ang Kanyang mga salita ng taimtim.
Sinundan Ko ang Mga Yapak ng Cordero at Natanggap ang Kaligtasan ng mga Huling Araw
Matapos ang pagsisiyasat ng ilang panahon, naintindihan ko ang higit pang mga katotohanan, nakakuha ng isang mas detalyadong kaalaman at pag-unawa sa mga katotohanang tulad ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos, kung paano ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay pinalalalim bawat yugto, ang totoong kahulugan ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng paniniwala sa Anak, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, kung paano makikilala ang pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng gawain ng mga masasamang espiritu, kung paano mabubuo ang kaharian ng Diyos sa lupa, at kung paano makikilala ang pagitan ng totoong Cristo at ang huwad na mga Cristo. Gayundin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa aking mayabang at palalo na satanikong kalikasan. Ito ang ugat kung kaya't hindi ko magawang makisama nang maayos sa aking pamilya at nahanap ko ang paraan upang magsagawa ng mga salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay payapa at kasiya-siya. Habang mas binabasa ko ang salita ng Diyos, mas lumilinaw ang lahat. Sa wakas, natitiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ay isang mas bago at mas mataas na gawain batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, gaano man tayo magsikap, hindi malilinis ang ating mga kasalanan at hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Mabuti talaga na dumating ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ko inakala na masasalubong ko ang Panginoon nang buhay ako.
Naramdaman kong napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos na ako ay dinala sa harap ng Diyos ng mga kapatid. Kung tinanggihan ako ng mapagmahal na mga kamay ng Diyos, magiging isang hangal na dalaga ako at napalampas ang pagkakataon na masalubong ang Kanyang pagdating. Ngayon, tinatamasa ko ang panustos ng buhay na tubig ng buhay araw-araw, sobrang nadarama ang galak. Ngayon, naapektuhan ng palagay na "Dahil tinubos ng Panginoong Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan at tayo ay nabigyang-katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi maaaring dumating ang Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol," maraming mga kapatid, matapos marinig na bumalik na ang Panginoon, hindi naglakas-loob na siyasatin ito at sa gayon ay hindi nila nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Kapag iniisip ito, nais kong isulat ang aking karanasan, inaasahan na ang mga kapatid na nasa parehong estado na tulad ko ay maaaring alisin ang kanilang mga haka-haka, aktibong maghanap, magsiyasat nang buong kababaang-loob, upang masalubong ang Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit" (Mateo 5:3).
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.