Pang araw araw na Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos | Sipi 393

05.07.2021

Pang araw araw na Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos | Sipi 393

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi nito pinahihintulutan ang tao na Kanyang makuha at mapadalisay sa katotohanan. Sa katotohanan, hindi sa hindi ganap ang salita ng Diyos, ngunit sa halip, hindi sapat ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita. Maaaring sabihin na halos walang isa mang tao ang kumikilos ayon sa layunin ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, naitatag na mga relihiyosong pananaw, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at magsimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nananatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos, ginagawa niya ito batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba na lubusang batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at magpanibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.

Isaalang-alang ang pananampalataya kay Jesus, bilang halimbawa. Kung ang isang tao man ay baguhan sa pananampalataya o dati ng may pananampalataya sa napaka-habang panahon, ang lahat ay ginagamit ang anumang mga talento nila at nagpapakita ng kahit anong mga kasanayang kanilang angkin. Idinagdag lang ng mga tao ang tatlong salitang "pananampalataya sa Diyos" sa normal nilang buhay, gayunman walang ginawang pagbabago sa kanilang disposisyon, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi lumago kahit katiting. Ang pagtataguyod ng isang tao ay hindi mainit o malamig. Hindi niya sinabi na hindi siya naniwala, gayunman hindi niya ibinigay ang lahat sa Diyos. Kailanman ay hindi niya totoong namamahal ang Diyos o nasusunod ang Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay kapwa tunay at pakunwari, at nagbubulag-bulagan siya at hindi masigasig sa pagsasagawa ng kanyang pananampalataya. Siya ay nagpatuloy sa isang kalagayang may kalituhan mula sa pinaka-simula hanggang sa oras ng kanyang kamatayan. Ano ang ibig sabihin nito? Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Walang dapat maging kampante kung paano ang kalagayang ng mga bagay na ito. Hindi kayo maaaring mag-dalawang-isip tungo sa gawain ng Diyos o bale-walain ito. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng larangan at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay para sa Kanyang kapakanan. At kapag nagsasalita kayo o gumawa ng mga bagay-bagay, dapat ninyong unahing ilagay ang mga interes ng tahanan ng Diyos. Tanging ito ang tumatalima sa kalooban ng Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos

Dapat Mong Hangaring Magkaroon ng Tunay na Pagmamahal sa Diyos

Ngayo'y kailangan mong tahakin ang tamang landas dahil naniniwala ka sa praktikal na Diyos. Sa pagsampalataya, huwag lang hangarin ang pagpapala Niya, kundi hangaring mahalin at makilala ang Diyos. Sa Kanyang pagliliwanag at sa iyong paghahanap, totoong unawain ang Diyos, magkaroon ng tunay na pag-ibig sa puso mo. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, na walang makakasira o makahahadlang, nasa tamang landas ka ng pananampalataya. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, oo, pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos, at walang ibang sumasakop sa iyo. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

Dahil sa binabayara't dinaranas mo, at sa gawa ng Diyos, may kusang pag-ibig ka. Sa gayon pinalaya ka sa impluwensya ni Satanas, at nabubuhay ka sa liwanag ng mga salita Niya. Kung nakalaya ka sa madilim na puwersa, masasabing nakamtan mo ang Diyos. Sa pananampalataya mo, hangarin itong mithi. Ito ang tungkulin mo. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, na walang makakasira o makahahadlang, nasa tamang landas ka ng pananampalataya. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, patunay ito na pag-aari ka ng Diyos, dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos, at walang ibang sumasakop sa iyo. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

'Wag masiyahan sa lagay ng mga bagay-bagay. 'Di kayo maaaring 'di lubos ang puso sa gawain ng Diyos, o bale-walain ang gawain ng Diyos. Sa lahat ng larangan, isipin ang Diyos sa lahat ng oras. Gawin lahat para sa kapakanan N'ya, unahin tahanan ng Diyos, kapag ikaw ay nagsasalita o gumagawa. Ito'y ayon sa kalooban ng Diyos. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, na walang makakasira o makahahadlang, nasa tamang landas ka ng pananampalataya. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, patunay ito na pag-aari ka ng Diyos, dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos, at walang ibang sumasakop sa iyo. Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos, oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay. oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Paano maging malapit sa Diyos upang magkaroon ng normal na relasyon sa Diyos sa abalang buhay? Mayroong 3 mga paraan ng pagsasagawa. Mangyaring I-click upang basahin ito.

Rekomendasyon:

Paano Mo Mapapalakas ang Iyong Pananampalataya sa Diyos

• Pang araw araw na Salita ng Diyos | Paunang Salita | Sipi 24

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar