Ano ang mensaheng ipinalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya na tanging daan lamang tungo sa pagsisisi
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
"Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17).
"Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem" (Lucas 24:45-47).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang panahong iyon, nagsalita lamang si Jesus sa Kanyang disipulo ng magkakasunod na pangangaral sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano magsagawa, kung paano magtipong sama-sama, kung paano humingi sa panalangin, kung paano ituring ang iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinakatuparan ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang ipinaliwanag lamang ang tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa huling mga araw. ... Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga palatandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba ito isang kamalian na hanapin sa loob ng Biblia ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang iyong natatalos kung basta hawak lamang ang Biblia sa iyong mga kamay? Maging isa mang tagapagpaliwanag ng Biblia o isang tagapangaral, sino ang nakakahula sa gawain ngayon?
Hinango mula sa "Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi sa Diyos?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bagama't si Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao ay lubos na walang damdamin, lagi Niyang pinanatag ang Kanyang mga disipulo, tinustusan sila, tinulungan sila, at sinuportahan sila. Gaano man karaming gawain ang Kanyang ginawa, o gaano man katindi ang pagdurusang Kanyang tiniis, hindi Siya kailanman humiling nang labis sa mga tao, kundi lagi Siyang mapagpasensya at matiisin sa kanilang mga pagkakasala, kaya Siya magiliw na tinawag ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na "ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus." Sa mga tao noong panahong iyon-sa lahat ng tao-kung ano ang mayroon si Jesus at kung ano Siya noon, ay awa at kagandahang-loob. Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga paglabag ng mga tao, at ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay hindi kailanman batay sa kanilang mga paglabag. Dahil ibang kapanahunan iyon, kadalasa'y nagkaloob Siya ng saganang pagkain sa mga tao upang sila ay mangabusog. Pinakitunguhan Niya ang lahat ng Kanyang alagad nang may kabaitan, na nagpapagaling ng mga maysakit, nagpapalayas ng mga demonyo, bumubuhay ng mga patay. Upang maniwala sa Kanya ang mga tao at makita nila na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa nang buong sigasig at katapatan, binuhay pa Niya ang isang naaagnas na bangkay, na ipinakikita sa kanila na sa Kanyang mga kamay, kahit ang patay ay muling mabubuhay. Sa paraang ito tahimik Siyang nagtiis at isinagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos sa kanila. Bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Bago pa man Siya ipinako sa krus, nabuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. At sa huli, ipinako Siya sa krus, na isinasakripisyo ang Kanyang sarili para sa kapakanan ng krus, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, kagandahang-loob, at kabanalan sa sangkatauhan. Palagi Siyang mapagparaya sa sangkatauhan, hindi kailanman mapaghiganti, kundi pinatawad sila sa kanilang mga kasalanan, pinayuhan silang magsisi, at tinuruan silang magpasensya, magtiis, at magmahal, sumunod sa Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang sarili alang-alang sa krus. Ang Kanyang pagmamahal para sa mga kapatid ay humigit pa sa pagmamahal Niya kay Maria. Ginawa Niyang prinsipyo sa gawaing Kanyang ginawa ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Saanman Siya pumunta, pinakitunguhan Niya nang may kabaitan ang mga sumunod sa Kanya. Pinayaman Niya ang mahirap, pinalakad Niya ang pilay, binigyan Niya ng paningin ang bulag, at ng pandinig ang bingi. Inanyayahan pa Niya ang mga pinakaaba, ang mga pinakasalat, ang mga makasalanan, na saluhan Siyang kumain, at hindi Niya sila kailanman iwinaksi kundi palagi Siyang nagpasensya, na sinasabi pang: Kung ang isang pastol ay nawawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwanan niya ang siyamnapu't siyam upang hanapin ang isang tupang nawawala, at kapag nakita niya ito ay labis siyang magagalak. Minahal Niya ang Kanyang mga alagad gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa kanyang mga kordero. Bagama't sila ay mga hangal at mangmang, at makasalanan sa Kanyang paningin, at bukod pa riyan ay mga pinakaaba sa lipunan, itinuring Niya ang mga makasalanang ito-mga taong hinamak ng iba-na pinaka-paborito Niya. Dahil paborito Niya sila, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila, gaya ng isang kordero na inialay sa altar. Lumibot Siya sa kanila na parang alipin nila, at hinayaan silang gamitin Siya at patayin Siya, at sumuko sa kanila nang walang pasubali. Sa Kanyang mga alagad Siya ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus, ngunit sa mga Fariseo, na nagsermon sa mga tao mula sa mataas na pedestal, hindi Siya nagpakita ng awa at kagandahang-loob, kundi ng pagkasuklam at galit. Hindi Siya gumawa ng maraming gawain sa mga Fariseo, paminsan-minsan lamang Niya sila pinangaralan at sinaway; hindi Niya ginawa sa kanila ang gawain ng pagtubos, ni hindi Siya nagpakita ng mga tanda at himala. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang awa at kagandahang-loob sa Kanyang mga alagad, na nagtitiis para sa kapakanan ng mga makasalanang ito hanggang sa kahuli-hulihan, nang Siya ay ipako sa krus, at nagdanas ng bawat kahihiyan hanggang sa lubos Niyang natubos ang buong sangkatauhan. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.
Hinango mula sa "Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanyang maka-Diyos na itsura; kung ang isang tao ay kayang mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang katanggap-tanggap na mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila naunawaan kahit kaunti ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang landas sa pagbabago ng kanilang disposisyon: Ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi!
Hinango mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinangaral ng Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, sa halip na kaligtasan, mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at pagkaperpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang isang tao, ang kanilang buong pamilya ay pagpapalain, o ang kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapaghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. Sa panahong iyon, si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa rin ang iba ng maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: dinadala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tinatapos ang gawain ng pagpapapako sa krus-at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang naisakatuparan.
Hinango mula sa "Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Cordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.