Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon: Huwag Sundan ang mga Yapak ni Tomas

Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus kay Tomas pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay isang babala sa ating mga mananampalataya sa Diyos. Ayaw ng Diyos na maging katulad natin si Tomas. Dahil habang naniniwala si Tomas sa Panginoon, hindi siya nagtuon ng pansin sa pakikinig sa mga salitang binigkas ng Panginoon at hindi kinumpirma sa pamamagitan ng mga pagbigkas ng Panginoon na Siya ang paghahayag ng Diyos dahil siya ay mahigpit na kumapit sa pananaw ng mga hindi mananampalataya "Hindi maaasahan ang mga salita; hindi pinaniniwalaan hangga't di nakikita"
Sa paksa ng pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, maraming mga tao ang mahigpit na kumakapit sa kanilang sariling mga pananaw, na naniniwala na ang sinumang Panginoong Jesus na hindi dumating sa puting ulap ay huwad. Kahit na sino ang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nakabalik na, hindi talaga sila naniniwala, kumakapit sa pananaw na kapag bumaba lamang ang Panginoong Jesus sa ulap ay doon sila maniniwala. Hindi ba't ang kanilang pag-iisip ay katulad ng kay Tomas? Kung hindi natin isasantabi ang ating mga pananaw at mga imahinasyon, at hindi tayo magtutuon ng pansin sa pakikinig ng tinig ng Diyos at mapagpakumbabang sinasaliksik at sinisiyasat ang tunay na daan, madali nating maiwawala ang pagkakataong maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Sinabi ng Panginoong Jesus: "Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya" (Juan 20:29). Ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus ay nagbibigay sa atin ng babala na tayo, na nabubuhay sa mga huling araw, ay hindi dapat sumunod sa mga yapak ni Tomas.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni't para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito'y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lamang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan."
——————————————
Sa pamamagitan ng pag aaral ng bibliya, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon, halimbawa, kung sa anong paraan darating ang Panginoon at kung paano natin masasalubong ang Panginoon upang makatagpo natin ang Panginoon sa lalong madaling panahon.